Chapter 8

563 20 0
                                    


Title: Love Me Tomorrow

Writer: mixup15

Main Characters:

Freen : Faen Sarchee Chan

Becky : Rebby Patrice Liveste

Seng: Edward

CHAPTER 8

Faen Sarchee Chan

Nauna akong nagising sa alarm. Siyempre ganoon ang rules bilang bodyguard. Unahan ang alarm. Konti lang ang tulog ko. Mga dalawang oras lang. Masasabi kong lutang ako! Baka hindi na dadapo ang mga paa ko sa sahig. Ewan dito kay Boss Ma'am. May tumawag sa kanya kagabi. Nag-usap silang konti pero minura siya ni Ma'am. English e. Hindi ko na tinanong. Kunwari tulog na ako.

Dinampot ko na ang selpon ko para i-check sana ang mga messages kaso si Boss naman kung lumingkis parang ehes.

"Babe, mamaya na 'yang phone. Nakakasilaw."

Dapat na yata ako magpadagdag ng salary dito kay Boss Ma'am! Extra service na 'tong pagyakap-yakap niya ah! Hindi ako gumalaw. Tuod tayo for chudey's video. Baka kung gumalaw ako e masagi-sagi ko ang dibdib niya. Tsk! Kakahiya naman kahit may gan'on din ako ano.

Saka naisip ko, baka ganito nga ako n'ong isang gabi. 'Yan! Naalala ko na naman 'yon! Ano ba nangyari n'on? Tsk!

'Yan! Nagri-ring ang selpon ko. Sobrang aga naman. Sinubukan kong silipin. Parang image caller ni Billy Boi. Nag-a-attempt akong kumawala sa yakap ni Boss Ma'am pero mas hinihigpitan pa. Gising na 'to e! Nagtutulug-tulugan lang! Tsk!

"Ma'am, may tawag po ako. Teka lang naman po."

Susko po! Imbes na pakawalan naman ako, umibabaw pa talaga siya. Nakasuporta ang mga kamay niya sa magkabilang gilid. 'Yong tingin ni Ma'am hindi ko ma-explain.

Tinakpan ko ang bibig ko saka ako nagsalita. Nakakahiya naman kung bad breath ako 'no. Mahimatay pa 'to si Ma'am.

"Ma'am, mawalang galang na ha? Pwedeng umalis ka diyan po? Hindi maganda tingnan e."

"Bakit ka tatawagan ng lalaking 'yon nang ganito kaagaw? Wala pang 6:00. What's between you and him?"

"Pwede naman tayong mag-usap nang nakaupo." Mabilis akong kumilas para maitulak siya nang marahan sa kabilang side at makabangon na ako. Tsk! Dinampot ko agad ang phone ko saka tinawagan si Billy Boi. Baka importante kasi ang sasabihin.

Anglakas ng pagbalibag ni Boss Ma'am sa pinto ng cr. Hindi na sinasagot ni Billy Boi ang tawag ko. Binuksan ko ang convo namin. May finorward siyang picture namin ni Boss Ma'am. Parang maghahalikan kami dito.

"Sarch, ano ba talaga ang trabaho mo diyan?" kalakip na mensahe ng picture 'yan.

"'Yong ano lang 'yan angle ng picture. Bodyguard ako ni Miss Patrice. Huwag kang mag-alala sa akin dito. Okay na okay ako," reply ko naman sa kanya. "Maaga ang duty ko ngayon."

Marami pa akong paliwanag. Ayokong mag-isip naman sila nang masama. Pero hindi ko kinukwento 'yong mga power tripping ni Boss Ma'am.

Send ang nobelang reply kay Billy Boi. May pahabol pa pala akong chat.

"Billy boi! Hindi ako tombitz! Hindi ako nagkakagusto sa babae baka 'yon ang iniisip mo. Parang hindi nag-grade 2!"

Dumating naman si Auntie Berna, may dalawa siyang OOTD ni Boss Ma'am. Sumenyas ako na nasa CR siya. Natuon naman ang pansin ni Auntie Berna sa magulong kama. Nagpabalik-balik ang tingin niya dito at sa akin.

Love Me Tomorrow (FREE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon