Annabelle's POV
Habang naglalakad sa hallway bigla na lang tumunog ang aking tiyan kaya naglakad ako papunta sa cafeteria.
Pagpasok ko doon ay lumapit sa akin ang tatlo at ibinigay nila ang binili nilang pagkain sa akin.
''Bakit ibinigay niyo ito sa akin?'' tanong ko sa kanila.
''Para hindi ka magutom, baby cakes. Kainin mo na lang iyong binili ko at itapon ang pagkain na binili nilang dalawa dahil hindi naman iyon masarap'' sabi ni Darwin pero binigyan nilang dalawa ng masamang tingin si Darwin.
''Huwag mong kainin ang pagkain nila dahil ang baho'' sabi ni Levi.
''Anong mabaho? Baka sa pagkain mo ang mabaho'' sabi naman ni Terrence at nag-away na silang tatlo.
Umalis na lang ako doon at tinapon ang binili nilang pagkain. Bumili na lang ako ng burger, fries, at milkshake. Naghanap ako ng lamesa at kumain.
Habang kumakain may narinig akong mga babae na nag-uusap tungkol sa'kin.
''OMG, bakit kaya sinusundan ng mga boys yung panget na nerd?'' sabi ng babae.
''Maybe they're playing a prank on her'' sabi ng bestfriend ng babae.
''Sana nga kasi ayaw ko na ma-inlove si Levi sa kanya kasi akin lang si Levi''sabi naman ng babae.
Edi sa iyo na si Levi wala naman akong paki sa kanya at tinawag niyo pa akong panget e kayong dalawa ang totoong panget dito sa school.
Tumayo ako at lumapit sa kanilang lamesa.
''Hi girls, gustong-gusto ko na kayong sampalin ngayon pero busy pala ako sa mga boys na humahabol sa akin. Bye'' galit na sabi ko sa kanila at umalis sa cafeteria.
Kailangan kong malaman pina-prank ba ako ng tatlo yon.
Habang naglalakad sa hallway ay nakita ko ang boys changing room at may narinig akong pamilyar na mga boses. Tiningnan ko ang loob at nakita ko silang tatlo na nag-uusap. Lumapit ako at nagtago doon para marinig ang pinag-uusapan nila.
''Terrence, mapapasakin siya at makukuha ko ang mga pera niyo'' sabi ni Darwin.
''Hindi ikaw ang mananalo, Darwin kundi ako'' sabi naman ni Terrence.
''Puro kayo hambog, wala pa naman kayong ginawa sa kanya'' sabi ni Levi.
''E ikaw, meron kang ginawa?'' tanong ni Terrence kay Levi.
''Wala pa pero sa susunod na araw magiging gilfriend ko na siya at makukuha ko na ang pera ninyo'' sabi ni Levi.
''Tara na, punta tayo sa cafeteria nagugutom na ako'' sabi ni Terrence sa kanila at umalis na doon.
Paglabas nila sa changing room ay tumakbo ako sa kabilang daan para hindi nila ako makita.
So they put a bet on me. Well, they bet the wrong girl. I gonna backfired they're plan and win the bet.
BINABASA MO ANG
The nerd and the 3 popular boys #High School Series 1
RomanceSi Annabelle Christie Rapiz ay isang nerd sa private school sa San Jose, Laguna pero pagpasok sa first day niya sa Grade 10 ay nagbago ang kanyang buhay dahil sa tatlong popular boys.