Arabelle's POV( Mama ni Annabelle)
Kanina pa ako naglalakad ng pabalik-balik sa sala habang tinatawag si Annabelle.
''Nasaan kaya ang batang iyon? Baka namasyal pa sila pero kahit kailan hindi siya nagpapa-gabi. Patay talaga siya sa'kin kung saan sila namasyal at kung nagpapa-gabi siya'' sabi ko sa sarili na tinatawag pa rin siya.
Ilang segundo ay tinawag ako ng kapatid ko kaya nilagay ko ang cellphone sa kabinet at pumunta sa kusina.
''Bakit mo ko tinawag, Criselda?'' tanong ko sa nakababata kong kapatid na nag-aaral ng kolehiyo.
Full name niya ay Angel Criselda Rapiz. Sa akin naman ay Arabelle Christa Rapiz at sa mama ko naman ay Analinda Chris Rapiz.
Palagi ko siyang tinatawag na Criselda kasi hindi naman siya anghel dahil demonyita siya. MUAHHAHHAHHHAH.
''Ate, tawagin mo si mama dahil kakain na tayo'' sabi niya habang naghahanda sa kusina.
Umalis ako pagkatapos niyang sabihin iyon ay naghanap ako kay mama.
Ilang segundo ay nakita ko si mama sa hardin namin na inaalagaan ang mga bulaklak at iba pang kanyang tinanim.
Sana all! Inalagaan ang mga tanim, ako kaya hindi niya alagaan. Charot! Of course, inalagaan niya pa rin ako, duh!
Lumapit ako sa kanya at napatingin siya sa'kin.
''Ma, punta na daw po tayo sa kusina. Kakain na daw tayo'' sabi ko sa kanya.
''O sige, nak. Tatapusin ko muna ito'' sabi niya at tinuloy niya ang pagdidilig.
Habang tinutuloy niya ang pagdidilig ay pumunta na ako sa loob at pumuntabsa aking kapatid.
''Oh, nasaan si mama?'' tanong niya sa'kin.
''Nandoon sa hardin, didiligan raw muna niya ang kanyang mga tanim'' sabi ko habang isinaksak ang wire ng TV namin.
''Hindi niya talaga tayo mahal ni mama kasi puro tanim ang kanyang inaalagaan'' sabi niya habang pinupunas ang kanyang pekeng luha.
''Anong ako? Ikaw lang naman ang hindi niya mahal dahil demonyita ka'' sabi ko sa kanya habang nanood ng sine sa TV.
''Anong sabi mo?!'' sigaw niya sa'kin at tatalon sana siya pero pumagitna si mama.
''Ano na naman itong pinag-awayan niyong dalawa?'' tanong ni mama sa'min.
''Hindi mo daw kami mahal at tinawagan ko siyang demonyita'' sabi ko na nanood pa rin ng TV.
''Ilang beses ko nang sinabi sayo na wag mong tawaging demonyita ang kapatid mo at mahal-mahal ko kayong dalawa kahit ang gugulo at kukulit niyo'' sabi ni mama at pumunta sa kusina.
Pumunta rin kami dalawa ni Criselda sa kusina at nagdasal.
Pagkatapos magdasal ay pumunta ako sa sala para manood ng sine pero kinuha ng demonyita ang remote at pinalitan ito ng balita.
''Ang tanda mo na hindi ka pa rin nanonood ng balita'' sabi niya at tumabi sa'kin. Napanguso na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nanood na lang ako kasi hindi ko makuha ang remote sa kanya. Pumunta rin si mama sa sala para manood.
Ilang minuto ay napatigil ako sa pagkain dahil sa narinig ko sa balita.
''Isang walang malay na dalaga ang natagpuan sa kagubatan ng San Lorenzo katabi ang mga tatlong lalaking puro duguan ang mga damit at wala rin itong mga malay. Ang tatlong ito ay matagal na hinahanap ng mga pulis dahil sa kanilang mga krimen at ngayon ay natagpuan na pero kailangan nila itong dalhin sa San Lorenzo Memorial Hospital pati na rin ang dalaga'' sabi ng reporter na babae at pinasa niya ang mic sa isang lalaking pulis.
BINABASA MO ANG
The nerd and the 3 popular boys #High School Series 1
RomanceSi Annabelle Christie Rapiz ay isang nerd sa private school sa San Jose, Laguna pero pagpasok sa first day niya sa Grade 10 ay nagbago ang kanyang buhay dahil sa tatlong popular boys.