Chapter 7

3 0 0
                                    

Annabelle's POV

In Annabelle's Dream

Habang naglalaro kami ng luto-lutuan ng best friend kong lalaki ay lumapit si mama sa'kin at hinawak ang kamay ko.

''Anak, halika na at umuwi na tayo'' sabi ni mama.

''Bakit?'' tanong ko.

''Uulan na kasi, anak baka mabasa tayo'' sabi niya.

''O sige'' sabi ko.

''Magpaalam ka na sa kanila'' sabi ni mama.

''Paalam, tita. Paalam...''

End of Annabelle's Dream

Nagising ako sa aking alarm. Grabeng panaginip na iyon pero mukhang nangyari iyon noong bata pa ako pero wala naman akong kaibigang lalaki. Sino ba iyong batang lalaki? Kahapon ko pa siyang iniisip. Aalamin ko na lang sa susunod na araw.

Tiningnan ko ang oras, alas 6 na pala sa umaga. Bumangon ako sa kama at pumunta sa sala. Nakita ko si mama na nag-iimpake. Lumapit ako sa kanya at yumakap.

''Ma, mami-miss kita dito'' sabi ko at yumakap pa rin kay mama.

''Mami-miss din kita, anak pero kailangan kong umalis para tingnan lola mo'' sabi niya at bumitaw na sa yakap.

''Gusto ko sana sumama sa'yo kung pwede pero hindi ang dami kasing assignments'' sabi ko.

''O sige. Annabelle, nagluto na rin ako ng pagkain mo. Nandoon sa kusina'' sabi niya at kinuha niya ang bag. Lumapit siya sa'kin at niyakap niya ako. Bumitaw siya sa yakap na merong bumisina na sasakyan.

''O sige, anak punta na ako. Mag-ingat ka dito sa bahay. Bye'' paalam niya at lumabas na siya sa bahay.

''Bye, ma mag-ingat ka rin doon'' paalam ko sa kanya at sumakay na siya sa sasakyan.

Pagkaalis niya ay sinarado ko ang pintuan at nanood ng T.V. Habang nanood ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Meron pa lang tumawag, binasa ko ang pangalan. Unknown number kaya dinecline ko at bumalik sa panonood. Tumunog uli ang cellphone ko, ididecline ko na sana ulit pero text iyon.

Unknown number:

Hoy si Levi to. I- accept mo susunod kong tawag.

Paano niya nakuha number ko? Kung si Levi nga ito ay alam niya na merong kaming lalakarin mamaya. Nanood na ulit ako ng T.V  habang naghihintay ng tawag niya. Nang tumunog ulit cellphone ko ay ini-accept ko ang tawag niya.

''Paano mo na nakuha number ko?''

''Nagtanong ako ng teacher mo kung meron ba siyang number mo''

''Ahh, okay''

''So saan tayo pupunta mamaya?''

''Wala pa akong maisip na lugar pero ite-text ko na lang sayo mamaya. Okay, bye''

Pinutol ko na ang linya at pinatay ko na rin ang T.V. Pumunta ako sa kusina para kumain. Habang kumakain ay tiningnan ko ang mga post niya sa facebook. Puro mga mukha niya nakikita ko pero may nakita akong isang post na takot daw siya sa height at doon na ako ngumiti.

Alam ko na kung saan kami pupunta. Tinext ko na sa kanya ang lugar at nagpatuloy na akong kumain. Pagkatapos kong kumain ay naghugas na ako ng mga pinggan, naglaba, naligo, at sinagot ang mga assignments.

Nakakapagod! Matutulog muna ako. Pumunta ako sa sala at natulog.

Levi's POV

Pinutol niya ang tawag at inilagay ko ang cellphone sa kama. Humiga ako at tiningnan ang kisame. Habang tinitingnan ang kisame ay bigla nag-vibrate ang cellphone. Kinuha ko ang cellphone at nakita ko ang text ni Annabelle.

Annabelle:

Sa amusement park tayo mamasyal. Sa 3 p.m tayo pupunta doon.

Natulala ako sa text niya. Hindi to pwede ayaw ko doon kaya iti-text ko sana siya pero hindi siya online. Gag* paano na ito?

Calm down, Levi. Kakayanin mo ito para manalo sa pusta.

Sasabihin ko na lang sa kanya na siya lang sasakay sa mga rides at magsisinungaling ako sa kanya na mahina puso ko pero maglalaro ako ng ML.

Matutulog na sana ako ulit kaso may kumatok. Bumangon ako at binuksan ang pinto.

Nakita ko ang isang magandang babae na suot ang maid uniform dito sa mansion namin.

Bago siguro siya dito. Aaminin ko type ko siya.

''Ano?'' tanong ko.

''S-sir, kumain na po daw kayo sabi ni Ma'am at Sir'' nauutal niyang sabi habang kinakagat ang pang-ibabang niyang labi.

''O sige pero may tanong ako sa'yo'' sabi ko sa kanya.

''A-ano po yun, Sir?'' tanong niya sa'kin.

''Bago ka rito?'' tanong ko.

''Opo, Sir. Ako po si Daisy Amber Barbosa. Pwede niyo po akong tawaging Amber o Daisy'' pagkikilala niya sa'kin.

Nakangiti ako sa kanya. Ang ganda ng pangalan niya katulad ng mukha niya. Nakita ko pamumula niya sa pisngi at umiwas siya ng tingin.

''O sige, Amber pakisabi sa kanila na maliligo muna ako at bababa ako pagkatapos'' sabi ko sa kanya.

''Opo, Sir'' sabi niya at umalis.

Pumunta ako sa C.R at naligo. Nagbihis ako at pumunta ako sa kusina para kumain.



















The nerd and the 3 popular boys #High School Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon