Annabelle's POV
Nagising ako dahil tumunog na ang tiyan ko. Tiningnan ko ang oras. Nagulat ako na 1:00 p.m na pala.
Sh*t! Nagugutom na ako. Hindi pa ako nagsaing ng kanin at nagluto ng sud-an.
Tiningnan ko ang rice cooker at nakahinga ako dahil meron pang natirang kanin pero walang sud-an.
Dali-dali kong kinuha ang isda sa ref at inilagay sa lababo. Nilagyan ko ito ng tubig para matunaw ang yelo. Nagsaing ako at kinuha ang kawali. Nilagyan ko ng mantika ng kawali at naghintay uminit ang mantika. Habang naghihintay umiinit ang mantika ay nilagyan ko ng asin ang isda.
Nung nagsimulang uminit ang mantika ay kinuha ko ang isda at nilagay sa kawali.
Nung naluto na ang isda ay nagkuha ako ng pinggan at kutsara. Nilagay ko ang isda sa pinggan at nagsimulang kumain.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa kwarto at naghanap ng susuotin mamaya.
Dalawang kabinet na ang nabuksan ko pero wala pa ring akong nahahanap na susuotin.
Puro kasi lahat mga damit na palagi kong sinusuot sa bahay.
Saan kaya ang mga damit kong panglabas?
Ilang minuto akong palakad-lakad sa kwarto na umiisip kong saan ang mga damit ko.
Then meron akong naalala.
Minsan si mama ang taga-lagay ng mga damit sa kabinet.
Kinuha ko ang cellphone na naka-charge at tinawag si mama.
''Oh anak, napatawag ka? Miss mo ko'no?''
Alam kong nakangiti siya ngayon dahil miss niya ako.
''Oo, ma pero miss mo rin ako no?''
''Oo naman. Sinong hindi ma-mimiss ang isang maganda at matalino kong anak?''
''Si papa''
Sabay kaming tumawa ni mama sa sinabi ko. Hayyy, na-miss ko talaga siya.
''Ma, meron sana akong itatanong sa'yo''
''Ano yun?''
''Nasaan yung mga panglabas kong damit?''
''Nasa kabinet ko kasi andami mo nang mga damit pang-bahay. Hindi na kasya kaya nilagay ko sa kabinet ko''
''Okay, sige.By-''
Pero bago ko pa naputol ang tawag ay nagtanong siya sa'kin.
''Annabelle, saan ka pupunta? Bakit mo hinahanap ang mga damit mo? Akala ko ako lang kasama mo mamasyal''
Alam kong malunkot siya dahil ako palagi ang kanyang kasama mamasyal kasi wala akong kaibigan noong bata except noong last year.
Meron kasi akong kaibigan sa grade 9. Masaya kami nagkwe-kwentuhan pero noong nag-break sila nila ni Darwin ay pumunta siya sa Laguna City kasama ang pamilya niya. Hindi kasi niya sinabi sa'kin na si Darwin pala ang boyfriend niya pero noong nasa Laguna City na sila ay doon niya sinabi sa'kin ang lahat kaya malaki ang galit ko kay Darwin.
Pero nagcha-chat pa rin kami at sinabi ko sa kanya lahat ay nagalit siya na pinusta ako sa tatlo.
''Mama, wag ka na malungkot. Sa susunod tayo naman ang mamasyal''
''Yey! Pero sino kasama mo?''
Ayaw kong magsinungaling sa kanya pero kailangan.
''Ang bago kong kaibigan na babae sa school''
''Talaga, anak?''
''Oo, ma''
Mapait akong ngumiti. Una ko pang magsinungaling sa kanya pero nagsisi na ako.Gusto kong sabihin sa kanya na lalaki kasama kong mamasyal pero hindi pwede.
''O sige, anak. Ibababa ko na baka ma-late ka pa papunta sa lugar na papasyalin niyo''
''O sige, ma. Bye. Love you''
''Love you rin. Bye''
Ibinaba niya nga at binalik ko ang cellphone sa pag-charge.
Pumunta ako sa kabinet niya at binuksan. At nandoo nga ang aking mga damit kong panglabas.
Pinili ko ang sleeveless na pink at pants na brown. Pinili ko rin ang isang jacket na puti at sapatos na itim.
Naglagay din ako ng kaunting make-up at sinuot ko pa rin ang glasses ko. Tiningnan ko ang sarili sa salamin at napangiti ako na maganda pala ang kinalabasan.
Kinuha ko ang cellphone at nag-picture. Sinend ko kay mama ang picture at nilagay ko ang cellphone sa bag.
Kinuha ko rin ang wallet ko at nilagay sa bag. Kinuha ko ang susi sa bahay at sinirado ang pintuan at nag-antay ng masakayan.
Ilang minuto ay merong tumigil na tricycle at sasakay na sana ako na meron akong nakita na pamilyar na kotse.Lumabas si Levi sa kotse at lumapit sa'kin.
Nakasuot siya ng itim na t-shirt at black pants. Mukha siyang emo sa kanyang suot. Grabe naman makapili ng masusuot mukhang pupunta sa lamay.
''Halika na'' sabi niya at sabay kaming naglakad papunta sa kotse.
Pagdating namin sa kotse ay pinabuksan niya ako at pumasok ako.Pumasok na din siya sa kotse at nagsimulang andarin ang kotse.
Habang tumitingin ako sa bintana ay bigla na lang siyang nagtanong sa'kin.
''So, saang amusement park tayo pupunta?'' tanong niya.
''Okay'' sabi niya at nagpatuloy nagmaneho.
Pagdating namin sa amusement park ay pinark niya ang kotse sa parking lot. Pagdating namin sa parking lot ay pinabuksan niya ako at naglakad kami papunta sa entrance ng amusement park.
Pagdating namin sa entrance ay binayaran niya ang entrance fee. Pagpasok namin sa amusement park ay napangisi ako sa kanyang mukha na kabadong-kabado.
Levi, Let the game begins.
BINABASA MO ANG
The nerd and the 3 popular boys #High School Series 1
RomanceSi Annabelle Christie Rapiz ay isang nerd sa private school sa San Jose, Laguna pero pagpasok sa first day niya sa Grade 10 ay nagbago ang kanyang buhay dahil sa tatlong popular boys.