Nagising ako sa alarm ng cellphone ko at tiningnan ko ang oras 5:30 na pala. Bumangon ako at kumuha ng tuwalya para maligo.
Bumaba ako sa aking kwarto at pumunta sa likod ng kusina dahil nandoon ang cr.
Pumasok na ako at naligo. After 10 minutes ay lumabas na ako at nagbihis sa kwarto.
Pagkatapos magbihis ay pumunta ako sa kusina para kumain. Pagdating ko sa kusina ay nandoon na si mama na nagluluto.
''Good morning, ma'' sabi ko sa kanya.
''Good morning din, nak'' sabi ni mama at bumalik sa pagluluto.
Nagkuha ako ng dalawang plato at kutsara at nilagay sa lamesa.
Habang naghihintay na maluto ang pagkain ay naglaro ako ng candy crush sa cellphone. Ilang minutong lumipas ay luto na ang pagkain. Inilagay ko muna ang cellphone sa bag at kukuha na sana ako ng kanin ay kinurot ni mama ang tagiliran ko.
''Aray ma ang sakit kaya'' sabi ko.
''Annabelle, magdasal muna tayo bago kumain'' sabi ni mama sa'kin.
''O sige, ma'' sabi ko sa kanya at nagdasal na kami.
Pagkatapos naming magdasal ay kumain na kami ni mama.
Habang kumakain kami ay ipakikilala ko muna sa inyo si mama. Siya ay si Arabelle Christa, isang saleslady sa isang mall at siya rin ay isang mapagmahal at responsableng na ina sa akin at nagpapasalamat ako sa diyos na binigyan niya ako ng ina.
Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko ang bag sa sala at humingi ng baon kay mama.
''Mama, punta na'ko sa eskwelahan'' sabi ko kay mama.
''O sige, mag-ingat ka pagpunta mo sa eskwelahan''sabi ni mama sa'kin.
''Sige'' sabi ko at lumabas na ako sa bahay.
Pagkalabas ko ng bahay ay may nakita akong pamilyar na kotse. Lumapit ako doon at nagulat na bigla na lang sumulpot si Terrence sa bintana ng kotse.
''Sorry, nagulat ba kita?'' tanong sa'kin ni Terrence.
''Oo pero anong ginagawa mo dito at paano mo nalaman na dito ako nakatira?'' tanong ko sa kanya.
''Well, I search you in facebook and found this place'' sabi ni Terrence.
''It's called stalking not searching'' pagtatama ko sa kanya.
''Okay, you caught me there'' pag-aamin niya.
Aalis na sana ako pero tinawag ako ni Terrence.
''Annabelle, sumakay ka na baka mapagod ang paa mo kakalakad'' tawag niya sa'kin.
Then an idea came to my mind. Muahahahah. Ang talino ko talaga. Sasakay ako sa kotse niya at babasain ko ang upuan niya at magagalit siya sa akin. Muahahhahaha.
''Annabelle, nandiyan ka pa ba?'' tanong ni Terrence sa'kin.
''Oo, nandito pa ako'' sabi ko sa kanya at sumakay sa kotse.
Pagpasok ko ay napanganga ako sa ganda ng loob. Hindi pa kasi ako nakasakay sa kotse . Ang nasakay ko lang ay bus at tricycle.
''Ba't nakanganga bibig mo?'' tanong niya sa'kin.
''Ngayon pa kasi ako nakasakay ng kotse'' sabi ko sa kanya.
''Talaga?'' hindi makapaniwalang tanong niya.
''Oo at hindi lahat ng tao ay mayaman katulad mo na palaging nakasakay sa kotse'' sabi ko sa kanya.
''Oh, I'm sorry'' sabi niya at nagsimula na siyang nagmaneho.
Habang nagmamaneho si Terrence ay kinuha ko ang water bottle ko sa bag at aarte ako na iinom ng tubig pero natapon ito sa upuan at damit ko.
''OMG, I'm so sorry. I'll pay for it'' sabi ko sa kanya sabay kuha ng tissue sa bag at punas sa upuan.
Please magalit ka para hindi ko na makikita pagmumukha mo.
Imbes na magalit ay inihinto niya ang kotse, nagkuha siya ng towel at pinunas niya ito sa aking kamay.
Tiningnan ko siya at nagulat sa sobrang lapit ng mukha niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at tumigil ang oras. Umiwas na lang ako ng tingin at tumingin sa labas.
''It's okay, you don't have to pay for it'' sabi niya at nagmaneho na siya.
Bakit bumilis ang tibok ng puso ko sa lalaking ito? Hindi ko na lang ito pansinin pero ang plano ko nasayang lang. Ang tubig ko, paano na ako makakainom nito? Ang damit ko ay basa na, wala pa naman akong dalang ibang damit.
Ughhh, my plan is ruined but I will think another idea next time. Muahahahah.
BINABASA MO ANG
The nerd and the 3 popular boys #High School Series 1
RomanceSi Annabelle Christie Rapiz ay isang nerd sa private school sa San Jose, Laguna pero pagpasok sa first day niya sa Grade 10 ay nagbago ang kanyang buhay dahil sa tatlong popular boys.