Chapter 13

6 0 0
                                    

Annabelle's POV

God! Bakit ko nakalimutan?

May kasunduan pala kami ni Terrence na pupunta sa bahay nila para ma-meet ko ang pamilya  niya bago kami mag-date.

I have to make a plan to make his family hate me.

Naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto habang nag-iisip ng plano hanggang nagising ang pusa at may bigla akong naisip na plano.

Mwehehehehe!! Your gonna lose the bet, Terrence.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko si mama na naglilinis. Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa balikat. Tumingin siya sa'kin at tumigil sa paglilinis.

''Ano iyon, anak? Gusto mo bang kumain? Kukuha lang ako ng pagkain'' sabi niya at pupunta sana siya sa ref pero pinigilan ko siya.

Hoo! Wag kang mangamba, Annabelle. Kailangan mong sabihin sa kanya baka masira ang plano. Breathe in, breathe out. Kalma ka lang, Annabelle.

"Mama, inimbitahan po ako ni Terrence sa bahay nila para kumain ng hapunan doon" sabi ko at napatigil siya pero binigay pa rin ang isang platong champorado.

"Sinong Terrence?" tanong niya at umupo. Umupo rin ako at kumain.

"Si Ezekiel Terrence Dela Cruz" sagot ko at nagpatuloy sa pagkain habang si mama ay nanlaki ang kanyang mga mata at napanganga.

"Huh?! Totoo?" tanong ni mama at bago ko siya sagutin ay inubos ko ang champorado.

"Oo, ma. Gusto kong sumama ka sa'kin" sabi ko at nilagay niya sa lababo ang plato at kutsara.

"Huwag na, ikaw lang naman ang inimbitahan" sabi niya at ginawa ko ang paawa face ko.

"Sige na, ma. Please, wala akong kasama at hindi ko alam ang bahay nila. Alam kong alam mo kung nasaan ang bahay nila" pagpipilt ko sa kanya at napabuntong-hininga siya.

Yes, pumayag siya!

"Oo na, kailan tayo pupunta?" tanong ni mama at niyakap ko siya.

"Mamayang 5:30 or 5:45. Thank you, ma. I love you" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Pinasuot ko muna ng harness ang pusa at lumabas kami sa bahay.

Nakita ko si Aling Nena na nagwawalis sa kanyang bakuran at tumakbo ako papunta sa kanyang bakuran.

"Oh Annabelle, nakauwi na pala kayo" sabi niya at nagmano ako.

"Oo, Aling Nena. Kanina pa kaming umaga nakauwi" sabi ko at umpo sa maliit na upuan. Napatigil siya sa pagwawalis at umupo sa tabi ko.

"Pusa mo ba iyang dala mo?" tanong niya at tumango ako.

"Anong pangalan niya?" nakangiting tanong niya habang hinihimas ang pusa ko.

"Dabi kung lalaki o Sasha kung babae" sagot ko at kinuha niya ang pusa. Tiningnan niya ito sa puwetan at binigay sa'kin.

"Lalaki siya. Oo pala, okay ka lang hija? Nakulong na ba ang mga lalaking iyon? Ang kamay mo, hindi mo ba kayang igalaw?" sunod-sunod niyang tanong at sinagot ko naman.

"O siya, papasok na ako sa lob baka nagugutom na sila. Mag-ingat ka pauwi sa inyo" sabi niya at aalis na sana ako pero tinawag ako ni Aling Nena habang dala ang isa niyang pusa.

"Hintay lang, Annabelle. Pupunta pala ako mamaya sa kapatid ko at bukas pa ako makauwi. Pwede bang alagaan mo muna si Muning? Si Kiko lang kasi ang pwede kong dalhin" sabi niya at binigay sa'kin si Muning.

The nerd and the 3 popular boys #High School Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon