Chapter 1

19 0 0
                                    

Annabelle's POV

Habang naglalakad ako papunta sa aking locker, nakita ko ang tatlong popular boys dito sa school. Nakatingin sila sa akin ngayon na meron silang kukunin sa akin. Nataranta ako kaya umalis na ako sa locker room pero sa kasamaang palad nadapa ako sa hallway. Dali-dali akong bumangon at pumunta sa cafeteria.

Terrence's POV

"Really, the nerd?" tanong sa'kin ni Levi.

"Yeah, get ready your 1,000,000 pesos because she'll be mine" hamon kong sabi sa kanila.

"Hambog mo naman, Terrence. Alam mo naman magiging akin siya" sabi ni Darwin at umalis na kami sa locker room.

Annabelle's POV

Pagdating ko sa cafeteria, bumili na ako ng burger at kumain.

Ay, wait hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako pala si Annabelle Christie Rapiz. Isang nerd dito sa private school sa Laguna. Ang school na ito ay para lang sa mga mayayaman pero nandito ako dahil meron akong scholarship.

Kung nagtataka ka kung sino yung tatlong lalaki sa locker room, ito na yung sagot. Sila ang mga popular boys dito sa school. Ang pangalan nila ay Levi, Darwin, at Terrence. Si Levi Smith Reyes ang captain ng baseball team. Si Aaron Darwin  Lopez naman ang captain ng swimming team. And lastly but not the least si Ezekiel Terrence Dela Cruz. Siya ay ang captain ng basketball team. Kahit iiba ang team nila, palagi pa rin silang magkakasama.

Habang kumakain, nabulunan ako na bigla na lang tumili ang mga babae. Oh no, nandito silang tatlo, kailangan kong magtago. Kaya nagtago ako sa lamesa. Alam kong hinahanap na nila ako. Ilang minutong lumipas ay umalis na sila dahil hindi nila ako nakita. Phew. Bumalik na ako sa upuan at ituloy sa pagkain ng burger.

The nerd and the 3 popular boys #High School Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon