ANG LAKAS ng kaba ko! Hindi ako sanay na may baby na nagkakasakit sa bahay. Siyempre, wala naman kasing baby sa pamilya namin. Iyong anak ng ate ko, hindi ko naman nakasama sa bahay kaya kung nagkakasakit man ay hindi ako ang nag-aalala kung ano ang gagawin. Ngayon lang talaga ako naka-encounter na may baby sa bahay at may sakit. To think na ang liit-liit pa niya. Paano kakayanin ng mura niyang katawan ang sakit?
Eh, ba't kasi hindi mo pa dalhin sa ospital kesa nag-eemote ka diyan, tila bulong sa akin ng isip ko.
Oo nga, kailangang madala ko agad si baby sa ospital. Wala akong inaksayang oras. Ibinalot kong mabuti si baby Gab at pagkatapos ay kumuha ako ng isang bag at nilagay doon ang ilang piraso ng damit niya, pati na rin gatas at bote ng gatas niya. Mabuti na 'yung handa ako. Kung mako-confine man si baby, at least handa na ang gamit niya. Sa sitwasyon ko ngayon na mag-isa na lang, mahihirapan ako sigurado kung kikilos ako ng bara-bara lang. Dapat everything is still under control. At pinag-isipan!
Nang handa na ang lahat ay kinarga ko si baby Gab at lumabas na kami ng bahay. Sukbit ko ang bag na naglalaman ng mga gamit ng baby ko.
Sumakay kami sa tricycle at nagpahatid ako sa pinakamalapit na ospital.
Pagbaba ng tricycle ay agad kong ipinasok sa emergency room si baby Gab. Naramdaman yata nito na nasa ibang lugar siya kaya bigla na lang itong umiyak.
"Ano pong nangyari kay baby?" tanong sa akin ng sumalubong na tila nurse base sa suot niyang uniporme.
"Nilalagnat. Ang taas ng lagnat niya. Tahan na, baby. Huwag ka nang umiyak."
"Maupo po muna kayo. Kukunin ko lang po muna ang information ng patient. Ano pong name ng baby?"
"Gabriel..." sabi ko. Hinintay ko ang susunod na itatanong ng nurse. Pagtingin ko sa nurse, tila naghihintay ito sa susunod na sasabihin ko.
"Ano pong apelyido?"
"Carreon," apelyido ni Rico ang sinabi ko. Dapat lang naman. Siya ang tatay. Hindi ko ipagkakait kay baby Gab na gamitin ang pangalan ng magulang niya.
"Ilang buwan na siya?"
"Mag-aapat na buwan."
"Birthday niya?"
"Ha?" Kelan nga ba? Hindi ko nabasa ang birth certificate na pinakita ni Rico. Naku, bahala na. "Miss, puwede bang ako na lang ang magsagot ng form na 'yan? Asikasuhin n'yo na ang baby kasi baka nararamdaman na niya 'yung sakit niya kaya siya nag-iiiyak. Makakapaghintay naman siguro ang information sheet na 'yan."
Tumayo ang nurse at lumapit sa isang bakanteng hospital bed. "Ihiga mo po si baby dito."
Pagkahiga ko kay baby Gab ay nilagyan ng nurse ng thermometer ang kili-kili nito.
Maya-maya'y isang doktor ang lumapit sa nurse. "Anong nangyari?"
"High fever, doc. Forty degree celsius temperature."
"Check the vital signs," sabi ng doktor. Agad namang sumunod ang nurse sa ipinag-utos ng doktor.
Ako naman ay nakamasid lang at nakikinig sa pag-uusap ng doktor at nurse. Abot-abot pa rin ang aking kaba.
"Vital signs are okay, doc. Pero may nakapa akong bukol sa bandang ulo ng baby," sabi ng nurse.
Bukol? Ba't nagkabukol si baby Gab? Hindi ko napansin 'yun kanina, ah."
Tiningnan ng doktor ang sinasabing bukol.
"Napaano ang baby? Bakit may bukol siya?" biglang tanong ng doktor sa akin.
BINABASA MO ANG
Two Daddies (Completed)
General FictionIsang baby... Dalawang beki... Walang mommy. Paano aakuin nina Paulo at Rob ang responsibilidad sa isang sanggol na hindi naman nila kadugo? This story is now self-published. If you want to get a copy, just send me a message. Rank 91 in Humor - M...