Chapter 35 - Finale

5K 234 101
                                    

After four years...

ROB'S POV

MAAGA kaming naghanda nang umagang iyon. Pupunta kasi kami ni Gab sa sementeryo. Apat na taon na si Gab. Nag-aaral na siya, nursery. Malakas at maliksing bata si Gab, at lumalaking guwapo katulad ko.

"Daddy, I'm ready! Aalis na po ba tayo?" tanong sa akin ni Gab. Matatas na itong magsalita. Malinaw at hindi bulol kung bigkasin nito ang mga salita.

"Tawagin mo na ang yaya Imelda mo para makalakad na tayo."

"Yaya, bilisan mo! Hinahanap ka na ni daddy."

"Eto na ako, Baby Gab." Tumatakbo na si Imelda pababa ng hagdan. Oo, iba na ang bahay namin. Kumuha na ako ng rent to own na bahay mula nang ma-promote ako sa trabaho. At natuloy na rin ang pangarap kong mag-enrol sa law school. Katunayan, third year na ako ngayon. Konting panahon na lang ga-graduate na ako. At 'pag sinuwerte, magiging abogado rin ako.

"Don't call me Baby Gab. I'm no longer a baby. Just call me Gab because I am a big boy now," deklara ni Gab.

"Okay, sabi mo, eh." Hindi na nakipagdebate si Imelda sa bata.

"Mauuna na ako sa kotse. Sumunod na kayo kaagad. Bibili pa tayo ng bulaklak."

Kapapasok ko lang sa kotse. Eto na at kasunod ko na rin sina Gab at Imelda.

Nang nasa loob na rin ng kotse ang dalawa ay pinaandar ko ang makina nito at inumpisahang patakbuhin ang sasakyan. Mabilis ang naging biyahe namin dahil hindi naman matrapik. Dumaan kami sa isang flower shop para bumili ng bulaklak.

Pagdating namin sa sementeryo ay inilagay ko ang bulaklak sa tabi ng lapida. Nag-alay ako ng maikling panalangin at nagpasalamat sa taong nakalibing doon sa pagiging bahagi niya ng aking buhay. Kung nasaan man siya ngayon, alam kong masaya na siya dahil patuloy kong inaalagaan si Gab.

Abala sa pagtitirik ng kandila si Imelda at Gab.

Maya-maya'y isang taksi ang dumating at huminto sa tapat ng kinaroroonan namin sa parteng iyon ng sementeryo. Bumaba ang pasahero ng taksi... si Paulo.

"O, late ka ha?" sabi ko kay Pau nang makarating siya sa puntod ni Shiela.

"Sorry naman. Nagpaalam naman ako sa'yo na ihahatid ko muna sa airport ang ate ko bago ako pupunta dito sa sementeryo. Si Tita Minda, wala pa ba?"

"Mamayang hapon na lang daw siya pupunta, inaatake daw kasi siya ng rayuma. Pero alam mo naman 'yon, pupunta at pupunta 'yon dito dahil fourth death anniversary ni Shiela. Sabi ko nga, huwag niyang pilitin kung di niya kaya. Maiintindihan naman siya ni Shiela."

"Kumbinsihin mo na kasi siya na sa atin na lang tumira."

"Ginagawa ko naman, di ba? Kaso, ayaw niya. Nahihiya siguro. Pero makukumbinsi ko rin 'yon."

"Hi, Daddy Pau..." Ang tamis ng pagkakangiti ni Gab kay Paulo.

"Hmp! Tampo ako sa'yo. Kanina pa ako dito ngayon ka lang nag-greet."

"Nagtirik po kasi kami ni yaya ng candles para kay Mama Shiela," pangangatwiran ni Gab. "Huwag ka nang magtampo, Daddy Pau. You know that I love you very, very much!"

"Ows, talaga?"

"Opo!"

"Sus, I love you too, Gab. Pa-embrace nga..."

Lumapit si Gab kay Pau at niyakap ito nang buong higpit. Pagkatapos ay kumawala si Gab at niyaya nito si Imelda na mag-ikot sila sa paligid ng sementeryo.

Umupo naman kami ni Pau sa damuhan sa tabi ng puntod ni Shiela. Parang kailan lang, kamamatay lang noon ni Shiela nang maganap ang pinakamasamang panaginip sa aming buhay. Kinidnap ni Rico si Gab at nabaril nito si Pau. Nanganib ang buhay ni Pau. Akala ko hindi na siya makaliligtas sa kamatayan.

Two Daddies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon