PARANG gusto kong maglulundag sa tuwa nang umuwi si Rob na bitbit ang yayang si Imelda. Although iba ang dating sa akin ng maliit na babaeng 'yon, wala na akong time para magpaka-choosy pa.
Ipinakilala ako ni Rob sa yaya na umpisa pa lang ay feel ko na agad ang pagka-maldita.
Sabi niya kay Rob, "Ay, akala ko babae ang asawa mo. Paano kayo nagkaanak?" Tsismosa pa ang hitad. Kabago-bago gusto na agad makasagap ng tsismis!
Pinandilatan siya ni Rob kaya di na nasundan ang tanong niya.
"Uwian ang magiging set up niya. Andito siya sa umaga para alagaan si baby. Pagdating natin galing office, uuwi naman siya sa kanila. Babalik na lang siya kinabukasan," paliwanag ni Rob. "Pumunta lang siya tonight para alam niya itong bahay at para makilala ka niya pati na rin si baby."
"Tulog na si baby kaya di ko na siya maipapakita sa'yo," sabi ko. "Bukas ng umaga na lang."
"Okay, mga boss. Uuwi na ako. Babalik na lang ako bukas," paalam ni Imelda.
"Agahan mo ng punta dito. Dapat alas-sais nandito ka na," paalala ni Rob sa kanya.
"Okay, walang problema. Sige mauna na ako."
Tumango si Rob.
Pero hindi pa rin umalis si Imelda. Parang may hinihintay itong kung ano.
Nang hindi pa rin kumilos si Rob ay si Imelda na ang nagsabi. "Yung pamasahe ko, boss."
Napatingin ako kay Rob, nagtataka.
Dumukot sa bulsa si Rob at naglabas sa wallet ng isandaang piso. Iniabot iyon kay Imelda.
Pagkakuha ng pera ay mabilis na umalis ang yaya. Walang lingon-lingon itong lumabas ng pinto at sa isang iglap ay wala na siya sa aming paningin.
"Saan mo nakuha 'yon?" tanong ko kay Rob.
"Kaibigan yata 'yon ng yaya ng officemate ko."
"Parang 'di ko siya feel, ha?"
"Ako man. Pero kailangan na natin ng yaya para kay Baby Gabriel. Pagtiyagaan na lang muna natin."
"Magkano'ng sweldo niya?" tanong ko.
"Five thousand per month?"
"Five thousand?! My God!" sobrang nagulat ako sa sinabi ni Rob. Okay, exaggerated na naman siguro ako. May mga yaya naman talaga na sumusuweldo ng gano'n or mas mataas pa do'n, pero usually mga mayayaman ang amo ng mga 'yon. Pero sa katulad namin ni Rob na hindi naman rich, malaking pasuweldo para sa yaya ang 5K, ha? "Tapos uwian pa siya?"
"Oo, 'yon ang gusto eh."
"Ba't ka pumayag?"
"Kasi nga wala na tayong panahon para maghanap ng yaya. 'Di ba nga sabi mo, 'di puwedeng aabsent ka na lang araw-araw para mag-alaga kay Baby Gabriel. At saka, para hindi ka na rin mahirapan sa pag-aalaga sa baby."
"Actually, hindi naman siya mahirap alagaan. Napakabait nga niya eh. Bihirang umiyak. Laro lang ng laro. Basta, masarap siyang alagaan."
"Mukha lang naman sigurong maangas si Imelda, pero mabait naman, di ba?"
Nagkibit-balikat lang ako. "Malay ko."
Ngumiti si Rob. Hinawakan ako sa ulo at ginulo ang buhok ko. "Kain na tayo, gutom na ako."
"Ay, teka at maghahain na ako." Agad akong nagtungo sa kusina at inihanda ang aking kanina pa ipinagmamalaking pakbet na siguradong magugustuhan ng mahal ko.
Nang gabing iyon, payapa kaming natulog. Solve na ang problema.
Iyon ang akala ko.
NAGLULUTO ako ng almusal kinaumagahan nang makarinig ako ng katok. Nang pagbuksan ko, si Imelda pala na mukhang napagod sa paglalakad. May bitbit itong isang bag. Buti na lang at maagang dumating ang lokang ito. Pinapasok ko siya.
BINABASA MO ANG
Two Daddies (Completed)
General FictionIsang baby... Dalawang beki... Walang mommy. Paano aakuin nina Paulo at Rob ang responsibilidad sa isang sanggol na hindi naman nila kadugo? This story is now self-published. If you want to get a copy, just send me a message. Rank 91 in Humor - M...