Chapter 18 - Three Is A Crowd

3.4K 219 22
                                    

ALAS-DIEZ na ng gabi nang makauwi si Rob. Medyo naparami siya ng inom kaya medyo hindi na tuwid ang kanyang paglalakad. Naabutan pa niya akong gising at naghihintay sa kanya pagpasok niya ng silid.

"Lasing ka," sabi ko. Pinagbabawalan ko siyang uminom pero 'di ko magawang magalit sa kanya ngayon dahil nagpaalam naman siya sa akin at pumayag ako. Isa pa, hindi ngayon ang tamang panahon para mag-away kami.

"Hinde, nakainom lang ng konti."

"Pwede ba tayong mag-usap? Importante lang," gusto ko na talagang sabihin kay Rob ang nangyari kaninang hapon.

"Bukas na lang, inaantok na ako." At natumba na si Rob pahiga sa kama. Tulog!

"OMG! Rob, bumangon ka muna. May pag-uusapan tayong importante!" Niyugyog ko siya nang niyugyog para magising pero talagang tulog na tulog na ito.

Hay naku, paano na ito?

Hinubad ko ang suot na sapatos at medyas si Rob. Pagkatapos ay hinubad ko rin ang pantalon at polo niya para makatulog siya nang maayos. Sando at boxers na lang ang suot niya kaya kinumutan ko siya. Maya-maya pa'y naririnig ko na ang mahinang paghilik ni Rob. Wala na talagang chance na magkausap kami ngayong gabi.

Humiga na rin ako sa tabi ni Rob at nagpasyang matulog. Bukas ko na lang siya kakausapin bago siya pumasok sa trabaho.

Hindi na namin namalayan ang pagdaan ng mga oras. Nagising na lang ako sa malalakas na katok sa pinto.

Agad akong bumalikwas ng bangon at hinagilap ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na. Dyusko! Alas-nueve na ng umaga.

Nakita ko si Rob na tulog na tulog pa rin. "Rob! Tanghali na, hindi ka na nakapasok!" Niyugyog ko ang balikat nito para magising. Tuloy-tuloy naman ang pagkatok sa pinto. "Teka lang, andyan na!"

Kumilos si Rob. Nagmulat ito ng mga mata at nag-inat. "Anong oras na?"

"Alas-nueve na. Sobrang late ka na sa trabaho."

"Ha?! Shit! Ba't 'di mo ako ginising?" Agad bumangon si Rob, hinagilap ang tuwalya para pumunta sa banyo at maligo tulad ng araw-araw niyang ginagawa pagkagising.

"Ano'ng ba't 'di ginising, eh kagigising ko nga lang din."

"May kumakatok, buksan mo. Kanina pa yata 'yon. Sino ba 'yon, kaaga-agang mangapitbahay?"

Tumayo ako at agad na tinungo ang pinto. Kahit expected ko na kung sino ang kumakatok, nagulat pa rin ako pagkakita ko kay Rico. May dala itong dalawang bag na puno ng laman. Mga damit niya marahil.

"Nandito na ako," ang lapad ng pagkakangiti ni Rico.

Noon naman lumabas ng kuwarto si Rob na nakatapis lang ng tuwalya. Nakita niya si Rico. "Sino'ng bisita mo?" Naglakad papalapit sa amin si Rob.

"Rob...," hindi ko alam kung paano uumpisahang magsabi kay Rob.

"Hi, pare. Ako si Rico, tatay ni baby Gab." Hindi ko inaasahan ang biglang pagsasalita ni Rico. Nakita ko si Rob na napanganga at biglang natigilan.

"Seriously?" tanging nasabi ni Rob.

"Rob, nagpunta siya rito kahapon few minutes pagkatapos nating mag-usap sa cellphone. Nagpakilala siyang ama ni baby Gab and he has his birth certificate to prove his claim."

Hindi nagsalita si Rob, nakikinig lang ito sa mga sinasabi ko.

"Kinukuha na niya sa atin si baby Gab. Hindi ako pumayag."

Hinihintay kong sumagot si Rob pero nakita kong tila nagtatanong lang ang kanyang mga mata.

"Ex-boyfriend din ako ni Paulo," biglang sumali na naman si Rico sa usapan.

"Will you first shut up!" binulyawan ko si Rico. Wala sa lugar ang pagsasabi niyang ex ko siya. So what kung ex ko siya? Tiningnan ko si Rob at kitang-kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"Rico. Ex mo. Is he the Rico you told me na ex mo na adik at pusher kaya hiniwalayan mo?"

"Wow, ha! Grabe naman ang description mo sa akin, Paulo. Adik na pusher pa. Hindi naman totoo 'yun," depensa ni Rico. Kahit kailan naman, 'di niya inamin sa akin na adik at pusher siya. Kahit dalawang beses ko siyang nahulihan ng sachet ng shabu sa bulsa ng pantalon niya.

"Anong ginagawa niya rito? At bakit may dala siyang bag? Ngayon niya ba kukunin si baby Gab? Akala ko ba hindi ka pumayag?" tanong ni Rob.

"A-e, iyun nga. Hindi ako pumayag. Kaso ayaw rin niyang pumayag na hindi niya makasamang muli si baby Gab." Hindi ko talaga masabi ng diretsahan kay Rob kung anong napagkasunduan namin ni Rico.

"Don't tell me na dito na rin siya titira para magkasama sila ni baby Gab," seryosong pahayag ni Rob.

"Eksakto! Nadale mo, pare! Ang galing mo!" overacting talaga kahit kelan itong si Rico.

"NO! Hindi puwede! Hindi ampunan itong bahay na puwedeng tumira kahit sino! Makakaalis ka na."

"Paulo, hindi n'yo pa ba napag-uusapan 'to? Ako, okay lang naman sa akin na 'wag tumira dito. Basta, kailangang dala ko ang anak ko pag-alis ko," deklara ni Rico.

"Rob, teka muna. Pag-usapan natin ito. Naalala mo kagabi, sabi ko mag-usap tayo kasi may sasabihin akong importante. Ito 'yon. Kaso tinulugan mo naman ako."

"Wala akong natatandaan."

"Eh, kasi nga lasing ka."

"Lasing man ako o hindi, hindi pa rin ako papayag na tumira dito 'yang ex mo."

"Look, hindi siya titira rito bilang ex ko. Andito siya bilang tatay ni baby Gab. Totoong tatay ni baby Gab." Dyusko, paano ko ba makukumbinse ang Rob na 'to?

"Literal o hindi literal, masikip para sa ating tatlo itong bahay, okay? Kaya no way na papayag akong dito siya titira."

"Hindi ba may isang maliit na kuwarto naman na walang umookupa. Pwede na siya do'n," mapilit talaga ako.

"Ano, ang tagal n'yo namang mag-usap. 'Di n'yo pa ba ako papapasukin?" si Rico.

"Huwag ka munang sumali sa usapan, puwede?" Nuno talaga ng kakulitan ang Ricong ito. Nakikita na ngang nagtatalo pa kami ni Rob dahil sa kanya, makikisali pa.

Nagkibit-balikat lang ito. Dedma sa paninigaw ko sa kanya. Bumaling ako kay Rob. "Rob, please. Pumayag ka na. Hindi ko talaga kasi kaya na mawala sa atin si baby Gab. Sobrang napamahal na sa akin ang baby. Sana mapagbigyan mo naman ako ngayon. Kahit ngayon lang, please."

"Si baby Gab ba talaga ang 'di mo kayang mawala, o 'yung tatay?"

Nanlaki ang singkit kong mga mata. "Rob?! Nagseselos ka sa adik na 'yan? Dyusko, ha?"

"Alam mo ba kung anong iniisip ko ngayon? Na baka all the while eh alam mo na siya ang tatay ni baby Gab. Na baka alam mo rin na iiwan niya si baby Gab dito at kunwari eh makikita mo sa pintuan." Hindi ko mapaniwalaan ang mga sinasabi ni Rob ngayon. Iniisip ba niyang nakipagsabwatan ako kay Rico? For what purpose? Para in the end magkasama-sama kaming tatlo sa isang bahay? Ano ako magtatayo ng harem ng mga naging lalaki ko? Kakaloka!

Hinarap ko si Rob. "Eh, 'di kausapin mo itong si Rico. Kayong dalawa ang mag-usap para malaman mo na wala akong kaalam-alam nang iwanan niya si baby Gab d'yan sa labas ng pinto. Ang hirap sa atin, eh. Nambibintang agad."

"Totoo iyon, pare. Sarili kong desisyon na iwan si baby Gab d'yan sa labas ng pinto. Hindi ko kasabwat o ano man si Paulo. Kahit siya nga, ayaw na ayaw niyang tumira ako rito. No choice lang siya dahil kukunin ko talaga ang anak ko," paliwanag ni Rico.

"Sino ang nagbigay ng option na dito ka titira?" tanong ni Rob kay Rico.

Maagap akong sumagot. "Siya!" sabay turo ko kay Rico. "Iyon ang ibinigay niyang kondisyon sa akin. Hindi niya kukunin si baby Gab pero kailangang dito rin siya titira. Kung nasaan si baby Gab, dapat andun din daw siya."

Seryosong tiningnan ni Rob si Rico. Matiim. "Pumasok ka. Mag-uusap tayo."

Two Daddies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon