Chapter 29 - Baby For Sale

3.6K 202 16
                                    

"Aba, agresibo ang puting ito, ah. Walang paligoy-ligoy." Nagsimula akong mag-type ng sagot ko kay white guy.

@QueRico: two hundred thousand pesos. i give you the baby if you give me that money.

Sumali ulit sa usapan ang iba pang naunang magpakita ng interes sa baby.

@habibi: can you lower down the price?

@singlemom: i'm also interested. is the price negotiable?

"Negotiable? Tang-ina, ano ba'ng ibig sabihin ng negotiable? Hirap makipag-usap sa mga ito. Nosebleed. Kokonti ang baon kong ingles!" sabi ko sa sarili ko.

@whiteguy: i'll get the baby for one hundred thousand pesos.

"Ang barat naman nito. Kalahati agad ang ibinawas sa presyo ko."

@QueRico: no, only two hundred thousand pesos.

@whiteguy: lower, please.

@habibi: one hundred twenty-five thousand pesos.

@singlemom: i give up. i can only pay a hundred thousand pesos.

"Hayup, ah! Parang tumatawad lang sa palengke ang mga gagong 'to."

@QueRico: i will give the baby to anyone of you who can pay higher.

Di ko alam kung tama ba ang ingles ko. Bahala sila kung hindi nila maintindihan.

@whiteguy: a hundred and fifty thousand pesos plus the fact that i'm already here in the philippines.

@QueRico: habibi, can you pay higher than one hundred fifty thousand pesos?

@habibi: one hundred sixty thousand pesos.

@whiteguy: i'll have the baby at one hundred sixty-five thousand pesos. if you are okay with that then let's chat in private.

@QueRico: any higher price?

@habibi: one hundred sixty thousand pesos is my last price. i won't buy a baby higher than that amount.

@whiteguy: give the baby to me then and we're done with this.

@QueRico: okay, i'll give you the baby in exchange of the amount you said . let us talk about the details.

ROB'S POV

MAS MARAMING tao ngayon sa lamay para kay Shiela kumpara kagabi. Ngayong gabi rin dumating ang mga kasamahan namin sa trabaho. Maging ang boss naming judge ay dumating din upang mag-abot ng pakikiramay. Lahat ay hindi makapaniwala na wala na nga ang maganda at masayahin naming dating katrabaho. Inabot ni Ico kay Tita Minda ang isang sobre na naglalaman ng konting halaga mula sa pinagsama-samang kontribusyon ng mga kasamahan namin sa opisina. Bago umuwi si judge ay nakita ko rin itong nag-abot ng sobre sa tiyahin ni Shiela. Abot-abot ang pasasalamat ni Tita Minda sa mga taong nakiramay sa pagkawala ng kanyang pamangkin. Sa huwebes ang takdang araw ng paghahatid kay Shiela sa huling hantungan.

Andaming nangyari nitong nakaraang mga araw. Mabibigat. Sunod-sunod. Puro malulungkot. Ang buhay talaga ay hindi isang hardin ng mga rosas. Lagi nang may kakambal na problema ang mabuhay sa mundo. At kung magkakatotoo mang maging hardin ito ng mga rosas, naroon pa rin ang mga tinik nito na magbibigay sa'yo ng sakit sa sandaling hindi ka maging maingat. Sakit na magiging dahilan upang mas maging matatag ka at hubugin ng mga karanasan.

Kanina sa ospital bago ako umuwi ay nakausap na namin ni Pau ang doktor. Kinumpirma nito na puwede nang lumabas bukas si baby Gab. Iba ang sayang nakita ko sa mukha ni Pau. Iyong kasiyahang makikita mo lamang sa isang taong sobra-sobra ang pagmamahal sa isang taong nagkasakit at ngayon ay gumaling na. Iba talaga ang pagmamahal ni Pau kay baby Gab. Iniisip ko nga, may ibang tao pa kaya na magmamahal kay baby Gab na katulad ng pagmamahal na ibinibigay ni Pau? Napakaswerte ni baby Gab na napunta siya kay Pau. Alam kong ano man ang mangyari, hinding-hindi papayag si Pau na mapahamak ang kanyang baby.

Two Daddies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon