"O, anong plano mo sa baby?" tanong ni Rob habang nagbibihis.
"Ano ba ang dapat kong gawin dito?"
"Eh, kung i-report kaya natin sa DSWD? Iyon ang tamang gawin."
"Umandar na naman ang pagkaabogado mo. Oo, 'yun nga ang tama. Tapos ano, ibibigay nila sa ampunan ang baby? Pagkatapos, ihahanap ng ampunan ng mag-aampon sa baby? Eh, paikot-ikot lang. Bakit hindi na lang tayo ang mag-ampon sa kanya?"
"Ano bang pangalan ng baby?"
"Oo nga ano?"
"Tingnan mo nga 'yung kahon, baka may iniwang sulat diyan 'yung magulang ng baby. Baka kahit pangalan man lang eh nilagay nila diyan."
Kinalkal ko ang kahon. Pero ang naroon lang ay ang maliit na unan na may burdang star at isang pangalan.
Pangalan!
Binasa ko ang nakasulat sa unan. "Baby Gabriel."
Ang gandang pangalan. Pangalan ng anghel.
Muli ay bumalik ang inis ko sa mga magulang ni baby Gabriel. Bakit nila iniwan na lang sa ibang tao ang munting anghel na ito?
"Baby Gabriel lang? Walang apelyido?" tanong ni Rob.
"Wala eh."
"Hindi man lang tayo magkakaroon ng idea kung kaninong anak 'yan."
"Eh, 'di iparehistro natin. Ipalalagay kong anak ko."
"Sira ka ba? Gusto mong makasuhan?"
"Bakit krimen bang arugain ang anak na inabandona ng magulang?"
"Hindi 'yun krimen. Ang krimen ay 'yung mamemeke ka ng dokumento."
"Hay naku, kesa naman lumaki itong bata nang walang identity. Paano kung mag-aaral na siya, anong ipalalagay nating pangalan niya? Baby Gabriel? Basta ganun na lang?" talagang nakipag-argumento ako kay Rob.
"Kaya nga dapat ilagay natin sa tama. I-report natin ito sa DSWD para sila na ang bahala kung anong gagawin sa bata. Ngayon kung gusto mo siyang ampunin, e 'di sabihin mo rin sa DSWD para maasikaso ang adoption papers at legal na mapasa'yo ang custody ng bata," ang haba ng paliwanag ni Rob pero wala dun ang atensiyon ko kundi sa baby na nakatulog yata sa pagkainip sa pagtatalo naming dalawa.
"Tingnan mo 'yung baby, ang amo ng mukha niya. Ang bait-bait niya. Ang sama mo naman na basta mo na lang siya ipamimigay sa DSWD."
"Eh kasi nga, 'yun ang tama at dapat nating gawin," giit ni Rob.
"Ayoko! Basta ayoko. Dito lang ang baby. Kung ayaw mong alagaan, puwes ako ang mag-aalaga sa kanya. At saka, sa tingin mo ba hindi pa ito napaparehistro ng mga magulang niya? Eh, parang three months old na si baby Gabriel. Sigurado rehistrado na ito. Kaya saka na lang natin problemahin kung ano ang buo niyang pangalan."
Napakamot na lang sa ulo si Rob.
"At huwag kang makapag-report-report sa DSWD kung ayaw mong magkagulo tayong dalawa," pagbabanta ko pa.
"Bahala ka na nga. Papasok na ako."
"Mag-uwi ka ng gatas ng baby mamaya."
"Sige, pero bumili ka na muna diyan sa kanto ng gagamitin niya ngayon. Sigurado mamaya paggising niyan, maghahanap 'yan ng dede."
"Buti naman kahit paano may concern ka sa baby."
"Siyempre meron. Akala mo lang kasi wala. Eh kung tutuusin, mas mapapabuti ang bata sa suggestion ko sa'yo na ayaw mo namang gawin."
BINABASA MO ANG
Two Daddies (Completed)
General FictionIsang baby... Dalawang beki... Walang mommy. Paano aakuin nina Paulo at Rob ang responsibilidad sa isang sanggol na hindi naman nila kadugo? This story is now self-published. If you want to get a copy, just send me a message. Rank 91 in Humor - M...