Author's Note: Credits to the owner of the photo.
"O, KUMUSTA?" bati sa akin ni Rob pagkarating niya ng bahay galing sa trabaho.
"Haay, araw-araw na lang may mga eksena sa bahay na ito. 'Di na naubos, ha, in fairness. Every day is a surprise day!"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Si Imelda. Siya ang susi sa milagrosang gatas ni baby Gab. Naalala mo nung napansin natin na kalahati na lang agad ang gatas ni baby Gab kahit kabibili lang natin? Si Imelda pala ang kumukuha. Iniuuwi niya sa bahay para gawing gatas ng anak niya. Nagsinungaling siya sa atin nang sabihin niyang two years old na ang anak niya. Baby pa rin pala. Kaya ayun, tirador ng gatas ang peg niya para makatipid."
"Paano mong nalaman 'yan?"
"E 'di nabuking ko siya. Napatid ang handle ng bag niya at nahulog 'yung pinaglagyan niya ng gatas. Ayun, sumabog sa sahig ang naghuhumiyaw na ebidensya. Ampota! Pasalamat siya at kalmado lang ako kanina dahil naawa ako sa kanya no'ng sinabi niyang nasa ospital ang anak niya. Kung nagkataon, pekpek lang niya ang walang latay."
"Ano'ng nangyari sa anak niya?"
"Nasa ospital nga! 'Di ka nakikinig sa sinasabi ko. Siyempre may sakit, mataas yata ang lagnat."
"Kawawa naman 'yung anak niya," sabi ni Rob. Kahit kailan, sadyang malambot ang puso nito. Madali itong maawa sa tao sa kahit na pinakasimpleng sitwasyon.
"Naalala mo ba 'yung parang mabilis maubos ang mga stock ng ulam natin sa ref dati? Baka iniuuwi rin niya ang mga isda kaya nawawala lang sa freezer.
Nagkibit-balikat lang si Rob. "Hayaan na lang natin 'yun. Ang sigurado, napakinabangan nila 'yun kung totoong inuwi nga niya. At least, nakatulong tayo kahit paano. Ulam lang naman 'yun. Pagkain, dapat talagang ibahagi sa kapwa."
"Tama ka naman do'n, Rob. Pero siyempre, hindi naman laging bigay lang tayo ng bigay. Kasi isipin mo, kailangan din nating kumain at mabuhay. Nagpapakahirap tayong kumayod araw-araw kaya dapat kung tutulong man tayo, eh sana tayo ang magde-decide. Hindi 'yung basta na lang mawawala ang mga pagkain sa ref tapos okay lang tayo. Puwede namang magpaalam sa atin bago kumuha, 'di ba?" mahabang paliwanag ko.
"So, anong naging desisyon mo sa nalaman mo kay Imelda? Pinababalik mo pa ba siya bukas?"
"Alam mo, napakaswerte talaga ng babaing 'yan. Dahil kailangan talaga natin ng mag-aalaga kay baby Gab, sinabihan ko siyang okay lang na bumalik siya bukas basta ipangako niyang hindi na mauulit ang mga kagagahan niya."
Nakatingin lang sa akin si Rob, naghihintay pa ng karagdagang sasabihin ko.
"Sabi naman niya, hindi na niya uulitin. Kaya babalik siya bukas. Alam mo naman ako, matalas lang magsalita, walang preno kung dumaldal pero pagdating sa pang-unawa sa kalagayan ng ibang tao eh marunong naman akong makisimpatya."
"Mabuti naman kung ganoon. Lalo na sabi mo, nasa ospital ang anak niya. Mas kailangan niya ngayon ng pagkakakitaan."
"Binigay ko na kanina 'yung half month na sweldo niya. Kahit paano makakatulong 'yun sa kanila. Pandagdag sa panggastos."
"So, si baby Gab kumusta naman?"
"Nasa crib lang siya, natutulog kanina kaya nakapagluto na ako ng hapunan. Magbihis ka na at sabihan mo lang ako kung gusto mo ng kumain para makapaghain na ako."
"Sige, kain na tayo. Magbibihis lang ako sandali," at dumiretso na sa silid si Rob.
NANG gabing iyon ay maaga kaming nakatulog. Si baby Gab man ay ganoon din. Bago pa maubos ang lamang gatas ng bote niya ay mahimbing na siya sa kanyang crib. Ang mga pagod na katawan at isipan ay totoong nangangailangan rin ng sapat na pahinga.
BINABASA MO ANG
Two Daddies (Completed)
Fiksi UmumIsang baby... Dalawang beki... Walang mommy. Paano aakuin nina Paulo at Rob ang responsibilidad sa isang sanggol na hindi naman nila kadugo? This story is now self-published. If you want to get a copy, just send me a message. Rank 91 in Humor - M...