"IMELDA..."
"Bakit, Boss Paulo?"
"Magluto ka na lang ng kakainin mo mamayang tanghalian. Kumuha ka na lang sa ref."
"Sige, boss."
"Siyanga pala. Ano'ng niluto mo kahapon?"
"Nagprito ako ng bangus."
"Naubos mo lahat?"
Biglang parang natigilan si Imelda.
"Dalawang malaking bangus 'yong nasa ref kahapon," sabi ko sa kanya.
"Ahh, boss iluluto ko lahat 'yong dalawang bangus, para sana may maiulam na kayo pag-uwi n'yo dito. Kaso, medyo nakalimutan ko dito sa ibabaw ng mesa. Nasalisihan ako ng pusa. Kaya ayun, naubos. Pasensya na. Nakalimutan kong sabihin kahapon," pagpapaliwanag ni Imelda.
"Pusa? Bakit may pusa eh, wala naman tayong pusa dito?"
"Nakapasok nang 'di ko namamalayan. Nakasara naman 'yong pinto. 'Di ko alam kung saan siya dumaan. Pasensya na talaga."
Hindi na ako sumagot. Pinakawalan ko na lang ang isang malalim na buntunghininga.
"Sige boss, magwawalis lang muna ako dito sa sala," pagpaaalam ng yaya at akmang tatalikod na ito sa akin.
"Teka, sandali."
Lumingon si Imelda. "Bakit, boss?"
"Kumusta naman si Baby Gabriel?" tanong ko.
"Okay naman siya. Mabait na bata."
Tumango-tango ako. "Magana ba siyang dumede? Inabangan ko talaga kung ano ang magiging reaksiyon ni Imelda.
"Oo, boss. Ang bilis niyang maubos 'yong mga tinitimpla kong gatas para sa kanya. Eh, mukhang kulang ang isang bote kaya tinitimplahan ko ulit."
Wala naman akong kakaibang napansin sa reaksiyon niya.
"Huwag mong masyadong binubusog si baby. Tama na ang isang bote. Iiyak naman iyan 'pag gutom. Doon ka na lang ulit magtimpla ng gatas, 'pag gutom na siya."
"Oo sige," tumango si Imelda.
"May asawa ka na, 'di ba?" muli akong nagtanong. Hindi ko alam kung nagtataka na siya kung bakit andami kong tanong noong araw na iyon. Kararating lang niya at ako naman ay kagigising lang. Actually, 'yong pagkatok niya sa pinto ang gumising sa akin. Ewan ko, hindi ko narinig ang alarm ng cellphone ko kanina. Samantalang araw-araw naman ay ang tunog niyon ang gumigising sa akin.
"Oo boss, meron na."
"May anak na ba kayo?" Nakita kong parang bigla siyang natigilan. Pagkatapos ay marahan siyang tumango.
"Dalawang taon na 'yong anak ko."
"Ahh..." Kung dalawang taon na ang anak niya, hindi na iyon dumedede ng gatas na pang baby. Siyempre iba naman ang gatas ng tatlong buwang sanggol sa dalawang taong bata. "Sige, maliligo na muna ako at baka magising na si Rob. Kung gusto mo nang mag-almusal, kumain ka na lang diyan."
"Salamat, boss."
So, malinaw na sa akin. Kinain ng pusa ang isda at malakas lang talagang dumede si Baby Gabriel. Mali ang hinala namin ni Rob tungkol kay Imelda.
Naligo na ako. Mabilis lang dahil baka ma-late na ako sa trabaho. Gising na si Rob paglabas ko ng banyo kaya siya naman ang naligo. Si Imelda ay nakita kong naghahanda ng almusal para sa aming tatlo.
Magana kaming kumain ng almusal. Ang misteryo ng nawawalang bangus at gatas na mabilis maubos ay nalutas na.
IMELDA'S POV
BINABASA MO ANG
Two Daddies (Completed)
Ficción GeneralIsang baby... Dalawang beki... Walang mommy. Paano aakuin nina Paulo at Rob ang responsibilidad sa isang sanggol na hindi naman nila kadugo? This story is now self-published. If you want to get a copy, just send me a message. Rank 91 in Humor - M...
