KEISH"Zeline, hanggang ngayon hindi pa natin nakikita CEO natin noh?" Tanong ko sa kanya.
Nag-aayos na siya ng gamit niya para sa pag-uwi. "Oo nga po Ma'am. Tinataguan tayo Ma'am" Natatawang sagot niya pero pinipigilan pa rin ang pagtawa.
Formality na lang ang pagtawag ng Ma'am sa akin. Sabi kasi ni Miss Gonzales, ganun daw dapat.
Naiilang kaya ako. Yung iba ahead ng ilang years sa akin. I'm the youngest Chief Accountant.
"Bilisan mo na diyan gaga. Sabay ka uuwi sa akin ngayon diba?" Kasulukuyang nakaharap ako sa kanya ngayon at hinihintay pa rin siya. Lalo pa rin naman niya binagalan. Nananadya talaga. Tsk tsk.
"Yes Ma'am." Aniya at nakasaludo pa. Sinuway ko naman ito.
Nakaramdam naman ako na may tao sa likod ko. "You're so beautiful Ma'am." Bulong nito. Hindi ko na kailangan lumingon dahil alam kong siya si Zach. Hindi ko siya pinapansin pero si Zeline halatang kinikilig.
"Go back to your desk Mr. Fernandez." Utos ko sa kanya.
Hindi siya sumunod sa utos ko at sa halip ay nang-asar lang ito. "Woah woah! Chill Ma'am. Masyado naman kayong formal. Ngiti naman diyan, agad kang tatanda nyan sige ka." Para siyang bata pero ang gwapo pa rin niyang tignan.
Pinanlakihan ko ng mata si Zeline dahil di niya mapigilan ang kanyang kilig. Ewan ko ba wala naman kakilig kilig sa sinabi ni Zach pero yung ngiti niya abot hanggang tainga. Nababaliw na ang kaibigan ko.
Nasa likod pa rin si Zach wala yatang balak umalis. I can still smell his scent. Ang bango pa rin niya kahit patapos na ang araw. "Hmm. Ma'am, before you leave may announcement po si Ma'am Gonzales. Wala muna raw aalis. 5mins. lang daw." Ani ni Zach.
Tumango lang ako at hindi ko pa rin siya tinignan. Alam kong umalis na siya sa likod dahil hindi ko na ramdam ang kanyang presensya.
Ngumiti naman ng nakakaloko si Zeline. Nagpabuntong hininga na lang ako. "Hintayin na lang natin si Miss Gonzales." Sabi ko kay Zeline.
Dumating naman si Miss Gonzales pero quarter to 5 na. Baka marami siyang iaannounce at oras na. Sana naman hindi.
"This is a short announcement. I would like to tell you that we will be having an acquaintance party on Friday exactly 6pm at Three Queens Hotel. Lahat ng staff ay nandoon including different departments. Attendance is a must." Sabi lang niya at saka na umalis. Short announcement nga lang talaga.
Pag uwi ko sa bahay,nag pahinga muna ako at nag shower. Humigaa na ako sa kwarto ko. Ang hirap talaga pag independent ka. Ikaw lang sa bahay, itetext ko na lang sana si Zeline pero alam kong busy na yun. Niyakap ko na lang ang unan ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Pag gising ko umaga na pala.
**
KENNagkalapit na kami ni Shasha, sa wakas. Nakapasok na ako sa kumpanyang pinapasukan niya kahit ayoko. And it sucks to know that I still love her. I will chase her hanggang bumalik siya sa akin.
Gusto kong gumanti sa kanya sa pang iiwan niya sa akin. Alam ko mahal niya ang bestfriend niya noon pero I'll take the risk. Pagdating kay Shasha, ang lambot ng puso ko parang di ko kayang gantihan ang babaeng mahal ko pa rin.
Nung nakita ko siya ko sa building nung isang araw, my heart melted. The way she looks, the way she dress, she is still the same Keisha that I used to know. She is still the ever gorgeous Keisha.
BINABASA MO ANG
His Goddess Secretary
General FictionSummer Hera Keisha De Guzman, who enjoys life to the fullest. She is 23 years old. Gorgeous Hot Beautiful Sexy Goddess One of a kind And she is taking you to her world.. *** Sa kabila lahat ng katangian ni Keisha, iisa lang ang kahilingan niya an...