Ikasampu

99 2 0
                                        



Mahigit isang buwan na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa puso't isipan ko ang lahat. Parang fairy tale lang ang nangyari sa mall nun pero sana happy ending pa rin sa huli. Hindi ko inakala na isang Zach ay magagawa ang ganung bagay. I like him. No, I love him and the feeling is mutual. Nanliligaw na siya at seryoso naman siya.

Hindi ko maiwasang maguilty kay Ken. He's a nice guy and yet he deserve someone better. He doesn't deserve me.

Nandito kami ngayon sa isang beach. 5 days daw kami dito. Whole staff ay nandito rin parang team building lang. Since si Zach ang CEO, siya na rin ang nagplano nito at lahat naman ay sumang ayon. May rooms na naka assigned sa amin dito sa hotel. Roommate ko si Zeline syempre. Meron ding mga tent na nakaayos malapit sa dagat.

May mga games na nakaready na. Hindi ko lang alam kung sino ang mag oorganize at maghohost. They still call me "Ma'am" kahit na ayoko. Yung iba naman sinasabi nila yun dahil raw kay Zach. Future ko raw si Zach which is not true. I love him even before na naging CEO pa siya. I love him since day one.

"Hey Keish. Tara swimming muna tayo bago maghapunan tutal palubog na ang araw." Ani ni Zeline. Naka pang swim wear na siya. Naks! Sexy talaga ng bestfriend ko!


Hindi ako agad nakasagot, "Hmm? Mauna ka na Zeline at susunod na ako maya-maya."

Hindi na rin siya umimik at nauna na nagswimming sa beach. Maya maya na ako susunod sa kanya tutal wala pa rin naman akong balak eh.

Wala sa paningin ko si Zach, ni hindi ko siya mahagilap. Nasaan na naman kaya siya? Hindi siya nagpaalam sa akin ngayon kung nasaan man siya. Well, wala pa naman kasi akong karapatan.

Nakaupo ako dito sa upuan malapit sa beach. If ever, maglealeave naman siya siguro ng message. Nag mumuni muni ako nang lumapit sa akin si Ken. Ngumiti lang siya ng tipid at ganun din ang ginawa ko. Parang naiilang ako sa kanya at nahihiya na rin.

May dala siyang dalawang beer at ininom niya muna ang isa. "Hello Sha." Tapos uminom ulit. Problema niya?


Alanganin akong sumagot pero sumagot pa rin ako. "He-Hello Ken. How are you?"


Tumingin siya sa malayo. "Alam mo na ang sagot diyan Shasha. Di ka manhid. Hindi ko alam kung anong pinakain mo sa akin at hanggang ngayon ay mahal pa rin kita. At dahil sa pagmamahal na yun ay nasasaktan rin ako."


Ayoko na sanang sumagot pero ayoko rin namang maging bastos. "You know that I care for you Ken pero sa tingin ko hanggang dun lang yun. Alam mo rin naman talaga kung sino talagang mahal ko. 'Di ba?" It hurts to see him in pain.


"I know and it hurts like hell." Seryosong tinig niya. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan dahil kaibigan ko siya at naging parte na siya ng buhay ko.


"I'm sorry. I'm really really sorry." Sambit ko sa kanya. Ano pa ba ang dapat kong gawin para di siya nasasaktan ng dahil sa akin?


Ininom niya ang pangalawang beer at pinigilan ko naman siya. Hinawakan ko kamay niya. "Tama na Ken. You'll get drunk pag nakarami ka na."


He just smirks. "As if you care?" At tuluyang ininom ang hawak niyang beer.


"Of course I do! You are still my friend. Stop treating yourself like a trash Ken. Someday you will find the right girl for you." Tumayo na ako at akmang aalis na pero pinigilan niya ako.


"If you are my friend, please stay Sha. Please." He pleaded. Gustuhin ko man umalis eh parang ayaw gumalaw ng mga paa ko.


Umupo ako at nag-order pa siya ng beer. Hindi ko alam na ganito pala siya kalakas uminom. I know he is tipsy pero pinipilit pa rin niya akong kausapin.

His Goddess SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon