Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Totoo ba'yun? Nakatitig lang siya sa akin habang naghihintay siya ng isasagot ko maging ako man ay hindi ko rin alam. Isip at puso ko ang nagtatalo, hindi sila magkasundo. Gustong gusto kong magpakasal sa taong pinakamamahal ko pero pinipigilan ng isipan ko. Bahala na.
"We will not rush things up. Of course I'll marry you and you know that.. but not now." I smiled and hugged him. Ngumiti rin siya sa akin, ni hindi ko man nakita sa kanyang mga mata ang disappointment. Alam kong naiintindihan niya ako. "I'll wait for you Hon. I love you, always remember that." Again, he kissed me passionately.
Agad na kami nagpunta sa restaurant na sinabi ni Andrew. Unfortunately, pagdating namin dun ay wala na ang asawa ni Dylan. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsink-in sa akin na may asawa na siya. Ganun kabilis? Paano na ang kaibigan ko? Alam kong sasabihin sa akin ni Zeline pero wala eh. Walang sinusumbong sa akin. Kilala ko yun kahit di na kami masyado nagkakasama, tatawag at tatawag siya. Again, no sign from her. I wanted to ask Dylan but I let Zach do it for me.
Nag bro fist silang tatlo at nagbeso beso naman kami ni Dylan. "Where is Mrs. Herrera?" Humarap naman silang lahat sa'kin. "She has a work Keisha. Kaya umalis siya ng maaga." Agad na sagot ni Dylan. Hindi na nagpaligoy ligoy pa si Zach sa pagtatanong sa kanya. "May asawa ka na pala. Kailan pa?" Tanong ni Zach kay Dylan habang si Andrew naman ay nag-oorder na ng pagkain para sa amin.
"Do I really need to answer your question Men? Pero sige sasagutin ko pa rin, matagal na. Actually, last last month." Iba ang tingin niya. Hindi ko maipaliwanag pero iba siya ngayon. "No more interrogations." Dugtong pa niya. What the hell? Hindi siya yung Dylan na madaldal or kalog.
"Gago! Sabihin mo na kasi ang totoo." Sabad ni Andrew pagtapos niyang umorder. Nagtinginan kami ni Zach. Magkatabi naman kami at walang maintindihan sa sinasabi ni Andrew nasa harapan namin sila. Siniko ni Dylan si Andrew para manahimik ito. "Kevin. Paul. You better shut your mouth. Kevin, what is it?" Alam ko ng iritado na si Zach pag ganyan na ang aura niya. Tumahimik naman ang dalawa. Hindi namin alam kung anong nangyayari, tanging si Andrew lang yata ang nakakaalam.
Dylan's excuse himself for awhile. He left his phone on our table. Nag aasaran ang dalawa at nakikinig lang naman ako sa kanila. Mabilis mawala ang inis o tampo ni zach. I'm sure, mamaya ay mas okay na siya. "Tang ina pare. Bilhan mo ng helmet yang si Keisha." Natatawang sabi ni Andrew. "Tarantado ka rin eh noh? Anong akala mo sa akin?" Sagot ni Zach. Ngayon ko lang nakilala si Andrew but I think he's nice. Nakuha ko ng nasanay sa murahan nila. Sign of love to their friendship.
Nag ring naman ang phone ni Dylan. Actually, wala naman akong balak tignan who's the caller but I saw the name. It's Zeline. Gustong gusto kong sagutin pero hinayaan ko na lang. Alam kaya niya? Bumalik na si Dylan sa upuan niya at hindi man lang chineck ang phone niya kung may message man or missed call. Maya-maya naman nag ring na ulit ito. This time, sinagot niya kahit na nandun kame. "Okay. Okay. I'll call you later." Then he hanged up the phone.
"Is it Zeline?" Usisa ko sa kanya. Tumango lang ito at nag-iwas ng tingin sa akin. Sa tingin ko hindi pa talaga alam ni Zeline. Tatawagan ko siya maya-maya. Nag-uusap sina Zach and Andrew about their business habang ako naman ay nakikinig lang sa kanila. Si Dylan naman ay nag brobrowse sa phone niya. Biglang nag ring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang caller.
Calling. . .
Arch. Ken BrionesNagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ito. Ano ba kasing kailangan nya? Well, I'll never know if I don't answer it. Sinagot ko ito habang nag-uusap sila ni Zach, Dylan and Andrew.
BINABASA MO ANG
His Goddess Secretary
General FictionSummer Hera Keisha De Guzman, who enjoys life to the fullest. She is 23 years old. Gorgeous Hot Beautiful Sexy Goddess One of a kind And she is taking you to her world.. *** Sa kabila lahat ng katangian ni Keisha, iisa lang ang kahilingan niya an...