Ikasiyam

106 1 0
                                    


Nagpunta ako sa mall at nag-unwind muna tutal rest day naman. Hinihintay ko si Zeline sa Starbucks Coffee. Umorder na ako ng favorite namin usually chocolate chip cream yun. Masarap naman kasi eh. Habang hinihintay ko si Zeline, nag-facebook muna ako. May 5 friend requests ako at isa dun si Eros. Inaccept ko naman.

Mahigit kalahating oras na rin wala pa rin dumarating na Zeline at tunaw na ang kanyang frappe. Ayoko sa lahat ang naghihintay. Sino ba may gusto nun di'ba? Nanatili pa rin akong nakaupo, hihintayin ko na lang siya ng lima pang minuto at kapag hindi pa siya dumating iiwanan ko na lang siya.



May nakita akong papasok sa coffee shop at guess who? May kasama siyang babae. Si Ken? Mukhang may date siya. Napansin niya ako at pumunta siya sa table ko. Iniwan niya ang kasama niya. Langya! Sira talaga si Ken.


"Uy Sha? May hinihintay ka yata?" Hindi ba obvious? Malamang naman di'ba?


Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Lumapit sa kanya yung babaeng kasama niya at hinawakan niya sa may braso. "Hi!" Sabi niya sa akin at humarap siya kay Ken. "Darling, sino siya?"


Pinakilala naman kami ni Ken. "Ahh Sha, si Athena. Athena, si Sha."


Tumaas naman ang isang kilay ni Athena. Problema ng babaeng 'to?


"His girlfriend." Pahayag ni Athena.


Siya namang kinagulat ni Ken. "What?! You're not my girlfriend Athena. You are just my companion. So please stop making conclusions kung ano man ang tumatakbo sa utak mo!" Ang hard naman ni Ken. Maluha luha si Athena sa sinabi ni Ken. Tsk! Sinampal ng malakas ni Athena si Ken at tuluyan siyang lumabas ng coffee shop. Hindi man lang sinundan ni Ken. Lahat ng tao sa coffee shop nakatingin sa amin.


Awww. What a scene! Akala ko sa mga movies lang nangyayari mga ganun.


"I'm sorry Sha kung nakita mo pa yun." Umupo siya sa tabi ko. Hindi na siguro darating si Zeline.


"Ang harsh mo sa kanya Ken. I don't know what's your story behind but you should say sorry to her." Nakatingin ako sa kanya yung seryosong tingin.


Tumingin rin siya sa akin. May lungkot ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ano o sino ba ang rason nito pero ramdam na ramdam ko na hindi siya masaya. Sa limang buwan na pinagsamahan namin kahit papano ay alam ko na rin ang ugali niya.


"I know. Pati nga ako nabigla sa mga sinabi ko pero sumosobra na kasi siya. Kahit sino na lang pinaseselosan niya. Worst ay hindi naman kami." Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa.


I smiled. "Go and find her."


"Later Sha, I will. Since we're here, can we talk? You know it's been a while." Sabi naman niya. Sabagay matagal na rin since last kaming nag-usap.


Nakakamiss rin pala si Ken kahit papano. Nung nag-break na kami, halos wala na akong balita sa kanya. I know it's unfair pero may magagawa ba ako? Kay Zach lang umikot ang mundo ko. Walang iba.


Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay ang sagot ko. Nag smile naman ako sa kanya at yun na rin ang hudyat na oo ang sagot ko.


"Ano ba pag uusapan natin?" Tanong ko.


"Us. I want you back Shasha. I still love you and you know that." Ngumiti siya ng tipid pero seryoso siya sa sinasabi niya.


Tumayo ako at hinila ko ang kamay niya. "Let's go somewhere." Pag iiba ko sa topic. Ayokong ganun ang pag uusapan namin at siguradong masasaktan ko lang siya.


His Goddess SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon