Ikaanim

108 2 0
                                    



KEISH

Ang bilis ng panahon, months have passed na nakasama ko si Zach sa iisang company. Madali siyang natuto sa mga paper works lalo na sisiw lang sa kanya ang income statement, to think business management natapos niya. Kunsabagay, may bookkeeping na subject naman siya nun kaya madali rin sa kanya ang lahat.




Alam na rin ni Zeline ang nakaraan namin ni Zach, nakwento ko na sa kanya and she has nothing to do with it. In fact, masaya pa nga siya pero quiet lang daw siya. Kunwari ay walang alam.


Masaya ako na minsan inaasar ako ni Zach. Lalo akong naiinlove sa kanya pero di niya alam yun kasi nagtataray ako sa kanya. Sana hindi na siya aalis ng walang paalam ulit. Ayoko ng masaktan katulad ng nasaktan ako nung umalis siya.


Papasok ako ng building nang nakasabay ko si Ken. Sira ang elevator kaya naghagdan na lang kami. Kung pwede lang, wag ko na muna siyang makita eh. Nangungulit lang naman kasi. Naging boyfriend ko si Ken for almost 5 months lang , college days pa nun. Hindi rin kasi kami masyadong nagkakasama. Varsity pa siya ng basketball noon kaya naging busy siya.


Minahal ko naman siya pero di gaya ng pagmamahal ko kay Zach. After we broke up, naging miserable buhay niya. Good thing nakahanap siya ng trabaho, yun nga lang iisang hangin ang nilalanghap namin.



"Miss De Guzman, good morning." Bati niya sa akin. Milagrong napaka formal naman niya. Nakakapanibago. Nakakapagtaka. Iba ang aura niya ngayon.



"Oh hi! Goodmorning Architect." yun lang din ang bati ko sa kanya. Wala rin naman akong sasabihin.



Ngumiti lang siya at tahimik siya ngayon. Parang may mali, hindi talaga siya nangungulit. Hinayaan ko na lang at maya maya ay nagsalita rin.



"You look gorgeous today Sha." Komento niya sa akin. Today lang pala?!




"Today? So meaning ngayon lang." Biro ko sa kanya, tumawa naman siya. Kapag nagkikita kami neto puro pambobola.



Agad naman niyang binawi. "Hindi ah. Everyday naman eh and you know that."



"Weh? Thank you kung ganun." Sabi ko na lang.




Nagpaalam na siya dahil nasa floor na siya ng mga architect department. Infairness naman, maraming gwapo rito. Haha! Marami rin magaganda na architect. Ang galing pumili ng hr ah.




"Shasha, sandali lang. Pakilala kita sa mga friends ko dito kahit saglit lang." Aya sa kin ni Ken.




"Malelate na ako Ken. Maybe next time?" Tanggi ko. Hindi naman sa ayaw ko pero talagang malelate nako.



"Wag mo naman ako ipahiya. Please? Ngayon lang?" Pagmamakaawa pa niya. Pumayag na ako tutal saglit lang naman.




"Sure sige. 5 mins. lang Ken. I still have work to do." Tumango lang siya at papunta na kami sa office nila. At talaga namang busy ang mga iba sa paperworks nila. Pati pala mga architect busy rin sa mga paperworks akala ko padrawing drawing lang.



"Wow chicks! Sino yan pare? Ngayon lang siya nagawi dito?" Sabi nung isa niyang kasama.




"Tumigil ka nga diyan! Manahimik ka o akong magpapatahimik sa'yo." Suway niya rito at sabay na tinulak niya palayo.



Hinawakan niya ang kamay ko at binitawan ko naman. "Guys! This is Summer Hera Keisha De Guzman, a good friend of mine from way way back. She's from Accounting Department."



Nag-hello ako sa kanila. Lahat sila tinignan ako. Yung dalawang babaeng architect, ang sama ng tingin. From head to foot tinignan ako tapos nagbulungan pa. Siguro may gusto yung dalawang yun kay Ken. Feelingera! Di naman maganda!



Lumapit yung ibang kasama ni Ken. "This is Mark, Lance and Eros. Eros is an engineer. Then yang dalawang asungot na yan, architect pero hindi lang halata." Sinuntok ng mahina naman nina Mark and Lance si Ken. Isa isa naman akong shinake hands ng tatlo.

"Can I call you Summer? 'Cause you are f*cking hot." Sabi ni Eros. Pilyo rin pala ang isang 'to.


"Uh oh!" Sabay sabi naman ni Mark at Lance tapos tinignan ang reaction ni Ken.


"Hmmm. Nice meeting you guys but I have to go. Malelate na kasi ako e." Paalam ko na at nagba-bye naman silang apat kasama na dun si Ken.


"Take care Summer! Magkikita pa tayong muli." Pahabol na sabi ni Eros.




Hay naku. Mga ibang lalaki talaga, bolero.




Nakarating na ako sa office at thank God, hindi ako late. Chismis muna bago work kasi inatupag ko eh.



"Goodmorning Ma'am, may phone call po kayo from Ma'am Gonzales." Sabi ni Mitch. Umagang umaga, transaction agad. Hindi ko pa nakikita si Zach.


"Okay. Thanks! Transfer it to line 2 please." -Me


Natransfer naman agad ang call. Ano naman kaya kailangan sa akin ni Ma'am Gonzales? May meeting siguro.


"Hello Miss Keisha, may bago ka ng accounting clerk na ipapakilala ko sa'yo maya maya. Kapalit siya ni Joanne." Ay! Oo nga pala. Nagresign na pala si Joanne last week.


"Sure Ma'am. Thank you." Yun lang sinabi ko at binaba ko na ang phone.


Ginagawa ko na ang fincancial statement ng ibang department. Ang hirap ng maraming responsibilidad. Hindi gaya nung accounting clerk pa lang ako, parang chill chill lang sa akin ang trabaho. Ngayon, nakakapag overtime ako ng wala sa oras.



Pinuntahan ko sandali si Mitch para itanong yung ibang files na wala pa sa desk ko. Sakto namang dumating na si Ma'am Gonzales. Inapproach niya agad ako.



"Miss De Guzman, this is Nadine your new accounting clerk. Sabihan mo na lang si Joanne para i-turnover na yung dapat gawin niya." Ngumiti lang si Miss Gonzales at umalis na rin.



Nadine? I know her. Classmate namin siya ni Zach nung college kami. Eto yung bitchy na pa famous eh! Subukan niyang maghasik ng lagim dito, ako ang makakalaban niya!




"Hi Classmate!" Bati niya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay?! Wow ah, kabago bago sa trabaho, ganito agad asta niya! Classmate my ass! Wala man lang pag galang?! Kahit ayaw kong nagpapatawag ng Ma'am ay magpapatawag ako sa kanya.



"Classmate? Yes you are my classmate before but with all due respect, I am still your Ma'am. May I remind you that I'm the one who evaluates your performance. Kaya ayusin mo. You are still on probationary." Pagtataray ko sa kanya, ayaw ko man gawin but she provokes me. Sino ba siya diba?




Nag fake siya ng smile. Plastic! Pumunta na siya sa desk niya at nagpaturo na siya ng gagawin niya kay Joanne. I think siya ang magiging isa sa mga problema ko dito.



Pagtingin ko sa gawi ni Zeline. Nagtinginan kami at nag smile. Alam na! Bestfriend goals eh?



Dumating naman si Zach at milagrong na-late siya? Nakita niya ako at nag-smile naman siya. Yung ngiting para sa akin lang. Heaven! Ang gwapong nilalang niya. Haaaaay!




Sinalubong naman siya ni Nadine?! Teka si Nadine?! Close ba sila? Nakaka badvibes naman!



Laking gulat ko na lang nang halikan ni Nadine si Zach sa lips sa mismong harapan ko pa! F*ck! Ang landi ng babaeng 'to!





Umalis na ako at bumalik na sa desk ko. Hinabol ako ni Zach pero ayaw ko muna siyang makita. Nilock ko ang pinto! Nakakainis! Selos ba ang tawag dito?!

His Goddess SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon