Ikawalo

120 2 0
                                    


Si Zach ang CEO namin? Paano nangyari yun? Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Kaya pala FGOC na ang tawag ngayon dito sa kumpanyang pinapasukan ko meaning Fernandez Group Of Companies. Officemate turn into President? Whoa! Naisip ko tuloy ang pinag-usapan namin kahapon.

*FLASHBACK*

"You are my secretary now, Hera." Pahayag niya habang nakaupo pa rin sa kanyang swivel chair.


"What? Ayoko! I am going to resign." Tutol ko. Ako magiging secretary niya? In his dreams!


"Ikaw bahala. Tataasan ko pa ang salary mo kung papayag ka. Siguro 85k a month. Okay na yun? Plus may 30 days vl at 30 days sl. Gagawin mo lang nasa tabi lang kita lagi, check all my appointments and be my slave." He smirks. What does he mean by slave? I hate him! Hindi ko namn din kikitain yun sa isang buwan lang. He really knows how to play.


"You know what? You are just using your position to make this stupid idea!" Saad ko sa kanya. Galit ako! Bakit niya pa kailangan gawin ito?!


Nag ayos siya ng upo. "Ganyan ka ba makipag-usap sa boss mo? Tsk. Magresign ka man, wala ka ng mahahanap na ibang trabaho. I have connections my sweet Hera."


Asar naman! I have no choice!


"Sige Sir. Pag isipan ko po hanggang bukas ang offer niyo po Sir. Mauna na ho ako Sir." Sarkastikong sabi ko sa kanya at tuluyan na akong lumabas ng office niya.

*END*


F*ck this! Ngayon ang araw na magdedesisyon ako. Tatanggapin ko ba o hindi? Kailangan ko ng tulong para sa advice. Nasaan ba si Zeline at hindi ko pa siya nakikita?! Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number niya.


"Hello Zel. Nasaan ka?" Bungad ko sa kanya.


Hindi siya agad nakasagot. "Hmm. I'm with Dylan, Keish. Malelate ako ngayon ha? Nagkaroon kasi kami ng konting argument."


Hindi pa sila sa lagay na yan ha? "Yeah sure pero I have a problem Zel. Please come early as soon as possible."


"Yeah, I will. Bye!" Di pa ako nakapagpaalam, binaba na niya ang phone.


Naaasar ako! Naiinis! Bakit parang gusto kong tanggapin ang alok niya sa akin? On the other side of me ayoko rin. Gagawin daw niya akong slave? Nah! It won't happen. Hindi ako papadaig sa kanya. Kung gusto niyang maglaro, maglalaro kami pero sa paraang gusto ko.


Kahit mahal ko siya ayaw ko namang maging slave niya pero bahala na. Kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa office ni Zach. Wala na akong balak hintayin pa si Zeline para sa advice. Ako 'to, ako ang magdedesisyon para sa sarili ko. Kaya ko 'to.


Nandito na ako sa harapan ng pintuan niya at kumatok. Kinakabahan ako pero nilulunok ko na ang pride ko. I will play his damn game.


"Come in."


"Goodmorning Sir. I accept your offer. I will be you secretary Sir." Magalang na sabi ko sa kanya. Nakakapanibago. Tinatawag ko siya ng Sir.


"Good to hear that. Mag-uumpisa ka na ngayon. May sarili kang offfice katabi ng mismong office ko." Tinuro niya ang pinto katabi ng office niya. Maraming secret passage sa office niya ah. Nahihibang na siya! Talagang katabi ko pa? Tsk tsk.


"Okay Sir. Thank you po." Aalis na sana ako ng biglang may inutos siya. Agad agad?


"Make two coffee." Two? Para kanino yung isa? May darating siya sigurong bisita.


His Goddess SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon