Ilang araw na rin ang lumipas ng nakita ko ang mga pangyayari na di dapat nangyari. Ugh! Nagseselos ba ako? Hindi naman selos ang tawag dun. Inis lang. Ay ewan!That Nadine? Fame whore. Nagpapasikat na siya agad agad at kay Zach pa! At si Zach naman gustong gusto naman. Speaking of Zach, late na naman yun panigurado.
"Ang aga-aga nakasimangot ka diyan Keisha." Komento ni Zeline sa akin habang nakapangalumbaba ako sa desk ko. Hindi ko talaga maiwasang isipin na hinalikan ni Nadine si Zach. Grrrr!
Hindi ko siya sinagot dahil alam naman niya ang dahilan kung bakit. Naglakad lakad ito sa office ko. "Selos dun sa Nadine noh? Naunahan ka sis!" Humalakhak ang bruha.
I rolled my eyes. "Hindi ha! Bakit ako magseselos? Ano ko ba si Zach?" Deny pa more! Napaisip ako sa sinabi ko. Ano ko nga ba si Zach? Haaaay naku! Ayoko ng mag-isip.
She smiled a little. "Ikaw ang makakasagot niyan Keish. Selos yan, meron o wala kang karapatan basta may nararamdan."
"Ang deep mo Zeline Caelah. Teka! May lovelife ka ba? Kaya ka humuhugot ng ganyan?" Tanong ko sa kanya. Nag iwas siya ng tingin.
"Wala ah. Tigilan mo ko." Aalis na sana siya pero nakaisip ako ng paraan para mapaamin ko ang bestfriend ko. Blackmail!
Naglakad na siya papunta sa pintuan pero natigilan siya sa sinabi ko. "Hmmm. Zeline? Hindi na pala kita isasabay sa pag-uwi everyday ha? Hindi na rin kita ihahatid."
Nagulat siya sa sinabi ko at naiinis siya. Nagtitipid kase siya dahil siya ang gumagastos sa sarili at ibang kapatid niya. I know her. Later on she spilled out the truth. Bumalik siya sa akin at umismid. Lihim naman akong ngumiti sa kanya dahil alam ko talo na naman siya. Huminga siya ng malalim. "Meron. Okay na? I gotta go."
"Oooops! Not yet." Pigil ko sa kanya. "What's his name first?"
"Dylan." At tuluyan na siyang lumabas ng pinto. See? Napaamin ko rin siya. Hindi rin naman ako matitiis ng babaeng yun.
Nag vibrate ang aking phone and I check who is it.
Calling. . .
Arch. Ken Briones
Anong kailangan ni Ken? Madalang lang siyang tumawag and I think it's urgent. Sinagot ko ito. Mukhang may sakit siya dahil umuubo siya ng nag hello. Sinabi lang niya na he's on leave. Sick leave to be exact and he said he missed me. Ken's really sweet.
Hindi ko namalayan ang oras at lunch time na pala. Lumabas na ako ng office at inaya ko na si Zeline na maglunch out sa malapit na restaurant dito sa building namin.
Pumasok na kami at umorder ng foods. Habang naghihintay nakita ko naman papasok ang mga friends ni Ken including Eros. I know Ken's not around kaya sila lang ang magkakasama. Nakita nila agad kami at pumunta sa table namin. Hinawakan naman ako ni Zeline sa balikat at tinanong naman niya kung sino sila. Bumulong naman ako at sinabing friends ni Ken ang mga ito. Tumango lang siya.
Nagsalita si Mark, "Would you mind if we join you here?"
Wala naman akong magawa kahit ayoko. Ayoko namang maging bastos sa kanila. Ngumiti at tumango na lang ako.
Tumabi si Lance and Mark kay Zeline at si Eros naman sa akin. Porke wala si Ken at umaaligid 'tong si Eros. Nag order na rin sila ng sa kanila.
"Summer baby!" Umirap lang ako sa kanya dahil naiinis ako sa kayabangan niya.
"Stop calling me baby. I'm not a baby anymore." Pagtataray ko sa kanya.
"Okay okay, Ang sungit mo naman sa akin Summer! Meron ka bang dalaw ngayon?" Oh God! This guy really pissed me off.
Mas pinili ko na lang hindi sumagot kaysa humaba pa ang usapan. Eros is not that bad but he's so damn stubborn and I hate him for that. Unang kita pa lang namin pilyo na agad siya kaya ayoko sa kanya.
Dumating na ang order namin at lahat kami ay kumain. Medyo awkward pa ng kaunti dahil hindi naman talaga kaming masyadong close sa mga ito. Nagkuwentuhan lang at babayaran na sana namin ang kinain namin pero pinigil ako ni Eros.
"I'll take care of this baby." He smiled and winked at me. Hinayaan ko na lang siya at ang dalawang kasama niya ay umiling iling na lang.
"Thank you Eros. Bye Guys!" We waved our hands at lumabas na ng restaurant.
Dito na kami sa tapat ng elevator. Naghihintay dahil nasa 10th floor pa lang ito. Kung titignan mo talaga ang building na ito, napakalaki. Ang swerte naman ng may-ari. Kung ako sa kanya, marami pa akong tutulungang empleyado at bibigyan ko rin sila ng magandang benefits.
May lumapit sa'kin na lalaki at mukhang empleyado rin ito dito. "Miss De Guzman?"
I'm wondering how did he knew my last name. Tsk. Sumagot ako ng may alinlangan. "Yes?"
May inabot lang siya sa akin ng note at umalis na. Sabay naman naming binasa ni Zeline ang note.
Go to my office now.
- CEO
CEO? Andito ang CEO namin? Sino kaya siya? Babae kaya o lalaki? Nagkatinginan lang kami ni Zeline at sumakay na ng elevator. Pagdating ng floor namin nagjiwalay na kami at sumakay ako sa kabilang elevator. Exclusive lang isang elevator papunta sa office ng CEO.
Pagdating ko sa floor ng CEO, may frontdesk sa labas at tinanong ko kung saan ang office ng CEO. Tinuro naman niya at mukha siyang approachable.
Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot. Nagtangkang pumasok na ako sa loob ng office. Napamangha naman ako dahil parang condo unit ang office ng boss namin. Flat screen tv, may mga sofa at refrigerator pa. Ang daming paintings sa wall. Mahilig pala sa paintings, maybe babae ang boss namin.
Naglakad lakad pa ako at nilibot ang buong office niya. Sadyang nakakamangha talaga dahil mula dito ay tanaw na tanaw mo ang mga malalaking buildings. Ang ganda ng view. Hindi ko napansin na may nakaupo pala sa swivel chair, nakaharap din ito sa view kung saan ako nakatingin.
Hindi niya rin siguro ako napansin. Lalaki. Lalaki ang CEO namin. Naka suit ito. Lumapit pa ako ng konti at narinig na niya ang yapag ng mga paa ko. Humarap siya sa akin at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi maaari!
Huli na ng aking napansin ang nakasulat sa ibabaw ng kanyang mesa.
Zach Hunter Fernandez
CEO/President

BINABASA MO ANG
His Goddess Secretary
General FictionSummer Hera Keisha De Guzman, who enjoys life to the fullest. She is 23 years old. Gorgeous Hot Beautiful Sexy Goddess One of a kind And she is taking you to her world.. *** Sa kabila lahat ng katangian ni Keisha, iisa lang ang kahilingan niya an...