KEISH
"You're damn late Miss De Guzman." bungad agad sa akin ni Ma'am Fiona.
The hell! I know that I'm late. Pero kailangan ba talagang i-broadcast yun? Ang daming tao na nakarinig. Pinapahiya talaga ako ng dambuhalang babae na 'to. Kahit kelan talaga panira ng araw si evil witch. It's monday so dapat goodvibes lang.
Nagpowder room muna ko. Retouch ng konti. Red lipstick on. Favorite eh. Humarap ako sa salamin, para akong baliw kinakausap sarili ko. Inhale, exhale. Inhale, exhale. Kaya mo yan Keish.
Nakarating na ko sa cubicle ko. Maraming paperworks again and again. Buti na lang andiyan agad ang bestfriend kong si Zeline. Kinwento ko yung bwisit na supervisor namin sa kanya.
"Bago pa ba sa'yo yung kasungitan ni Fionabels?" ani Zeline.
I just rolled my eyes. Sobrang badvibes kaya ginawa niya.
"Nakita mo na ba yung bagong CEO natin?" tanong naman ni Zeline.
"The who?" habang inaayos mga papers sa desk ko.
"Mamaya ipapakilala daw siya satin. Per department daw. Wala pang nakakakilala sa kanya eh, mysterious CEO." Sagot ni Zel.
Tumango na lang ako. Kakapalit palang ng CEO namin dati, may kapalit na naman. Iba talaga ang mga di marunong magpatakbo ng company. Psh.
On the other hand, okay na rin yun. Bagong rules. Yung ibang pasaway dito, ma terminate na sana. Sana. Sana. Grrrrrr! Anu-ano pumapasok sa utak ko. Erase erase. Magfofocus na lang ako sa work. Eto na lang importante sa akin ngayon. I'm the best employee of five consecutive months. Ngayon lang siguro ako sasablay dahil may late na ako. Babawi na lang ako.
"Miss Summer Hera Keisha De Guzman, on my office now." utos ni Fionabels.
"Yes Ma'am" sagot ko.
Habang naglalakad ako papunta sa office ni dambuhalang witch may nahagilap akong isang tao na hindi ako pwedeng magkamali na siya yun. Hmmm? Anong ginagawa niya rito?
*Knock knock*
"Come in"
Pagpasok ko ay himalang nakangiti sa akin 'tong bruha na 'to. Anung meron?
"Sit down Miss De Guzman" aniya.
"What I have done Ma'am? May nagawa ba kong mali? May warning na ba ako? May suspended? Ang alam ko nalate lang ako kanina ng 10mins. eh." tuloy tuloy na saad ko.
Ngumiti lang siya na siya rin naman kinainis ko.
"Relax Miss De Guzman" she smirks.
Oh well. Di na siya nakakatawa. Bakit di na lang niya ko i-straight to the point. Ayoko ng ganito. Peste!
"Well Ma'am. What now?" Iniisip ko rin kung anong nasa utak nya.
Still in silence. Hindi pa rin siya sumasagot. Naghihintay pa rin ako sa sasabihin niya. Haaaayyy.
"Congratulations. You have been promoted as Chief Accountant of your department. Nagresign na si Ma'am Yamzon 5 days ago. Ikaw lang fit sa job description niya since nagtapos ka ng Accountancy" Iniabot niya sa akin ang contract paper. Tinignan ko muna ito.
Actually, walang problema sa akin pero I still don't know kung tatanggapin ko ang promotion. It seems I don't have a guts to accept this job.
"Ah Ma'am, can you give me until tomorrow to decide?" kabado kong tanong.
"What for? For God's sake Summer, this is your chance." Inis niyang saad.
"Ma'am until tomorrow. I promise." -Me
"Okay then, ayaw mo ba nun? Mas mataas ang magiging position mo kesa sa akin. Pag isipan mong mabuti." May kahulugan ang sinabi ng bruhang 'to.
Hindi ko na lang siya pinansin. For sure, hr department naman ang nagdecide dito. Tumayo na ako at nagpa thank you. Tuluyan na akong lumabas ng kanyang office.
Until tomorrow, sabi ko na lang sa sarili ko. Ano kaya magiging desisyon ko? Keish, think and think. Hindi biro ang maging Chief Accountant. Bigger responsibilities.
Nasa cubicle na ako. Ang daming paper works. Haaaaaaayyy. Dito palang nababaliw na ako, dun pa kaya sa mas maraming ginagawa.
"Hoy gaga! Ang lalim ata ng iniisip mo? Anong pinag-usapan nyo ni Fionabels?" Binatukan naman ako ng bestfriend ko. Kahit kelan talaga sadista 'to eh, machismis pa.
"Zel. It was promotion but..." Pambibitin ko sa kanya para macurious siya. Haha!
"But W-what?! Huuuuuyyyy." Pangungulit niya. Sabi ko na nga ba hindi ako titigilan neto eh.
"I asked her to give me until tomorrow to decide." Napabuntong hininga na lang ako.
"Eh sira ka pla eh! Tandaan mo, opportunity comes once in a lifetime. Sayang din yun!" Minsan may sense din kausap 'tong bestfriend ko. Nagbeso-beso lang kame at bumalik na siya sa desk niya.
"Guys. Sa conference room daw tayo mamaya before lunch break. May meeting daw tayo." Sabi ni Mitch. One of my co-workers.
Back to work. Natapos ko na ang financial statement ng company. Yung ibang expenses, hindi pa balance dahil may renovation sa ibang department.
Hours passed. Malapit ng mag lunch break. Papunta na kami ni Zeline sa conference room. Sumunod na rin yung iba.
"Ano kaya pagmeemeetingan na naman natin?" Halos kauupo lang ni Justin.
"Oh well! New project, I guess." Sabad naman ni Alex.
Pumasok si Ma'am Gonzales, ang Hr Supervisor namin.
"Hello Accounting Department! Good noon to all of you." -Miss Gonzales
"Good noon Ma'am!" -Us
"Ahmm, Ma'am? What is the meeting all about?" Tanong agad ni Joanne.
"Okay guys, to end all of your conclusions. I would like to introduce your new officemate." She smiled.
HUUUHHH?! Sabay sabay na reaction namin. Sino na naman yun? Ang dami na namin sa office. Another one again?
Pumasok ang isang nakayukong lalaki. I think I know him. No! I really know him. Sa tangkad at postura pa lang niya, alam na alam ko na. Hindi ako nagkakamali at hindi rin ako namalikmata kanina. Siya? Bago naming officemate?
"Guys, kindly welcome your new officemate Mr. Zach Hunter Fernandez." - Miss Gonzales
He stared at me. Oh Gooooooood! I am doomed!
***
<----
Zach on the media :)
BINABASA MO ANG
His Goddess Secretary
Ficción GeneralSummer Hera Keisha De Guzman, who enjoys life to the fullest. She is 23 years old. Gorgeous Hot Beautiful Sexy Goddess One of a kind And she is taking you to her world.. *** Sa kabila lahat ng katangian ni Keisha, iisa lang ang kahilingan niya an...