Ikalabing-isa

93 2 0
                                    


Nagising na lang ako sa tawag ni Zach. Ang aga naman kung mang gising ng lalaking 'to. Bedroom voice pa siya. So sexy and husky. Nag good morning lang siya and he remind me na sabay kami mag almusal. She used to call me Hera para mas cute raw. Anong cute dun? Ewan ko ba sa magulang ko ang panget ng Hera for me.

I prefer Keish or Keisha para mas cool. Si Ken naman Shasha which is panget too. Plus si Eros ay Summer tawag sa akin. Kung bakit naman kasi nagpasabog ng mahabang pangalan si Bro, sinalo ko lahat. Buti pa si Zeline ang ganda ng second name nya. Speaking of her, ang aga nya atang wala sa room namin.


Pagtingin ko sa orasan ay 6:30 pa lang ng umaga. Maybe she's with Dylan. I'll talk to her later. Pinahinga ko muna ang mga mata ko at mag aayos na niyan. Masarap ang tulog ko dahil siguro hindi ako stress. Alam kong bumabawi si Zach sa akin dahil naging busy siya this past few days.

Paglabas ko na kwarto ay nandoon nga si Zeline with Dylan. Inakbayan ni Dylan si Zeline. Natigilan sila sa paglalakad nang nakita nila ako. Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Tipid naman ngumiti si Dylan at si Zeline. Humiwalay naman si Zeline kay Dylan. "I know that look Keisha. I owe you an explanation." Bulong ni Zeline sa akin at saka kumindat.


Naglakad na sila palayo sa akin. Papunta sila sa elevator habang ako naman maghahagdan na lang, exercise na rin para sa akin. "Your king is really in love with you, Keisha. I can see it in his eyes." Sigaw ni Dylan sa akin. Umiling na lang ako at palihim na ngumiti.

I love him too. This day will be our most unforgettable day.


Papunta na ako kay Zach. My king. Fairytale lang ang dating. Hihi. Why not? Madalang lang naman. Malapit na ako sa lobby pero hindi ko alam kung saan ko ba siya pupuntahan. Sa may beach ba or sa café.


Tumawag na naman siya sa phone. "Hello Hera ko. I'm here at the café. See you beautiful. Te desidero." Ano raw? Anong ibig sabihin nun? Hindi ko man natanong sa kanya dahil agad niyang binaba ang phone.


Malapit na ako sa café at andun nga siya. Nakapag order na rin siya ng mga kakainin namin. Lumapit na ako sa kanya at ang ganda ng ngiti niya. Gwapong nilalang ika nga. Simple lang ng suot niya pero ang gwapo pa rin. Yummy! Oh Jeez! Ano ba 'tong naiisip ko? Umagang umaga. To my surprise, habang kumakain kami dumating naman sina Nadine at Ken. Sabay pa ang dalawa. Woooooww. May date ata sila? Pero bakit parang ayoko ang nakikita ko.


Ngumiti sa akin si Ken at ngumiti naman ako ng peke. Bilis mag move on ha?! Instant date agad. At si Nadine naman, kakasabi pa lang niya nung isang araw na mahal niya si Zach tapos ngayon si Ken kasama niya. Parang damit lang, bilis magpalit. Tsk.


Umupo sila sa tabi ng table namin. Hindi ko alam kung nananadya ba sila o ano. Hinayaan na lang namin ni Zach. Masaya ang naging breakfast namin at nagpasyang umalis na papunta sa beach. Hindi na rin kami nagpaalam sa dalawa mukha naman masaya ang pag-uusap nila. Ni hindi nga tumingin sa amin eh.


Nauna si Zach pero hawak niya ang isang kamay ko. May humawak naman sa braso ko kaya napatigil ako at pati na rin si Zach. Pagtingin ko si Ken. Alam kong inis si Zach pero pinipigilan niyang gumawa ng eksena. "Bakit?" Tanong ko kay Ken.


"You forgot this." Iniabot niya sa akin yung pouch na naiwan ko sa mesa. "Hmm. Thank you." Then I smiled.


Pagdating sa beach, nandun ang ibang kasamahan namin. May team building nga kami. By group pero marami kaming maglalaro. Hindi ko ka group si Zach at si Zeline. Team A sila at Team B naman kami nina Ken at Eros. Sinasadya ba ng tadhana 'to? Ayoko silang ka team even if they're my friends. Gusto ko kung hindi man si Zeline, si Zach na lang syempre. May iba pang teams, Team C sina Nadine, Justin at kasama nila si Dylan.


His Goddess SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon