Ikalabing apat

88 1 0
                                    


🎶🎧 Paalam sa ating huling sayaw..
May dulo pala ang langit.
Kaya't sabay tayong bibitaw..
Sa ating huling sayaw..🎼

Nandito kami ngayon sa concert ng Kamikazee. Actually, it's their last concert. Disbanded na kasi sila niyan. Kasama ko si Zach of course. We are enjoying their songs. Bawat tugtog ng gitara ay ang pagsunod ng galaw ng mga tao. Ang iba ay naiiyak, ang iba naman sumasabay sa kanta. Iba talaga pag kantang pinoy. I will surely miss them.



Ang bango ng katabi ko, ang gwapo pa. Hinding hindi ako magsasawang titigan ang lalaking kasama ko ngayon. Simpleng black v-neck shirt at pants lang pero ang hot pa rin. Ang swerte ko dahil natupad ang isa sa mga wishlist ko, ang makasama ang taong mahal ko sa isang concert. Marami pa akong wishlist na gusto kong matupad. 1-25 ang total na wish ko na nakasulat sa notes ko. May isang check na. Yay!


Napadako ang tingin ko sa may bandang kaliwa. Nandito rin pala si Ash, may kasamang babae. Maganda ang kasama niya at mukhang sopistikada. Nag-eenjoy din sila sa concert tulad namin. Hindi naman niya siguro kami nakita. I miss Zeline so much! Kapag ganitong may concert, lagi kaming present, laging kami ang magkasama. Simula ng magkausap kami, yun na ang huli. Hindi ko na muli siyang nakausap pa. Gusto ko siyang tanungin kung okay lang ba siya.


"Nagugutom ka na ba?" Bulong ni Zach sa akin habang inakbayan niya ako. Tumango lang ako. Simula kasi pagdating namin sa concert ay hindi pa kami nag-dinner. Nagpaalam naman siya na bibili muna siya ng pagkain.


May tumabi naman sa akin pero di ko siya pinansin, nakatuon lang ang tingin ko sa Kamikazee. Ang galing lang talaga nila. "You look beautiful Keish." Lumingon naman ako sa lalaking nagsalita, si Ash. "Why are you here?" Ngumiti lang siya at tila hindi narinig ang sinabi ko. "Why.are.you.here?" Ulit ko. He just smiled.


"I left Sophia so I can be with you." He smirks. "Ganyan ka ba talaga sa mga babaeng halos kakikilala mo pa lang?" I distance myself from him. Masyado na siyang malapit sa akin. Parang siya si Eros, masyadong aggressive. "Actually, no. Sa'yo lang and from the moment I saw you, I like you Keish. Pumayag ka na sa deal. Please? Swerte lang si Zach at kayo na kung hindi---"


"Kung hindi ano?! And yes swerte talaga ako sa kanya kasi ako ang mahal niya at hindi ako gago katulad mo. Stay away from us, Aragon." Nagulat ako kay Zach, nandito na pala siya. Hinawakan niya kamay ko at umalis na. "Someday, she will regret on choosing you Zach." Sigaw ni Ash sa amin.


Hindi na namin pinansin ang sinabi niya. Regret? Nah. Regret is not on my vocabulary. Umalis kami ng concert ng di man lang namin natapos. Ang yabang talaga ng Ash na yun. Akala mo naman kung sino. Hindi porke't sila ang may ari ng Aragon Company ay may karapatan na siyang magmayabang.


"Hon, daan muna tayo sa restobar at dun na tayo kakain." Kalmante na siya. Alam kong mainitin ang ulo ni Zach pero agad din naman nawawala. "Oo nga at ako'y gutom na gutom rin pero sayang yung concert di natin natapos."


Nakailang rice din si Zach sa sobrang gutom, naka dalawang steak rin ito at isang mashed potato. Naipasok niya lahat ang pagkain na yun? Isang steak at mashed potato lang naman ang kinain ko. Nag-order pa si Zach ng dalawang scotch, isang whiskey, isang beer. Gusto lang daw niya mag-unwind. Umorder na rin ako ng sa akin. Isang tequila sunrise at frozen margarita.


Nagyaya na akong umuwi at mag 12 na ng hating gabi. Ayoko namang late umuwi si Zach. Nag prisinta ako na lang ang mag drive pauwi pero ayaw naman niya at pinipilit sa akin na kaya niya. Pagpasok namin ng sasakyan, hinalikan niya ako sa labi. Parang ayaw na niyang humiwalay.


His Goddess SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon