Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala iisang hangin lang ang nilalanghap namin. Hindi maaari. Hindi pwede. Bakit ba siya nandito? Naloloka na ako sa kakaisip. Eh kung magresign na kaya ako? Sira! May promotion ka na nga, magreresign ka pa? Mag-isip ka ng paraan para mapaalis mo ang bwisit na lalaking yan Keish. Mag-isip ka!"Hello there pretty!" May bumulong sa akin galing sa likod. Ang husky talaga ng voice niya ah. Kinabahan naman ako. Ewan ko ba kung bakit. Iba talaga ang karisma ng lalakeng ito.
Paglingon ko, alam kong siya. Hinding hindi ko naman siya makakalimutan.
"Stop calling me pretty Mr. Fernandez!!!" Inis na inis kong sabi sa kanya.
"Whoa whoa! Chill ka lang. Napaka formal mo naman. Parang wala tayong past ah?" Pang-aasar pa niya.
Past? HamPASTin ko mukha neto eh! Nakakainis! Ang kapal!
"Eto piso, bumili ka ng kausap mo!" Sumosobra na 'tong lalaking ito. Akala mo gwapo, eh gwapo naman talaga siya. Leche naman oh! Ang hot pa. Wew! Iniiwasan na ko na nga siya eh. Tadhana nga naman.
Kinuha niya yung pisong binigay ko at binalik niya sa akin.
"Oh ayan. Binibili na kita. Pwede ba kitang makausap bestfriend Hera?" The nerve! Napakahusay mang-asar. Tsk.
Bestfriend his face! Wow, Hera? Well, he preferred calling me in that name. At siya lang talaga ang tumatawag na Hera sa akin. Iisa lang ang bestfriend ko at si Zeline yun. Nakaka -guilty man sabihin pero hindi pa alam ni Zel na magkakilala kame ng lalaking nasa harap ko ngayon.
"Excuse me. Former bestfriend." I corrected him.
"Former? Pwede namang current bestfriend ulit, diba?" Aba! At nag puppy eyes pa ang bwisit.
Ang kulit lang talaga ng lalaking 'to. The f*ck! God knows how much I miss him. Sa tagal ba naman ng panahon na di ko siya nakasama. "Ewan ko sa'yo!" Iniwan ko siya nakatayo at papunta sa office ni Ma'am Fiona.
Tinanggap ko ang promotion. Maybe this is my chance to prove I can do it.
Siyempre unang nakaalam si Zeline. We're going to celebrate it sa club ng friend namin na si Aira.
"Exactly 9p.m., sunduin kita sa apartment mo ha Ma'am De Guzman?" Pang aasar ni Zeline. Ma'am? Alam niyang ayaw na ayaw kong nagpapatawag ng Ma'am. Baliw lang talaga 'tong kaibigan ko.
Nandito kame ngayon sa cafeteria ng company namin.
"Sira! Call me MA'AM once again, and you'll be fired." Seryoso pero natatawang saad ko sa kanya. Alam naman niyang nagbibiro lang ako.
"Oh as if I'm scared Keisha. I know your secret." Nagulat ako sa sinabi niya. Anong secret ang sinasabi ba niya?
Natahimik lang kami ng ilang saglit at humalakhak siya ng malakas.
"Lower down your voice Zeline baka akala nila nababaliw ka na." - Me
Tawang tawa pa siya. "Look at you Keish. You should have seen your face. Halatang may tinatago ka."
"Wala ha. Ano pa ba itatago ko sa'yo?" Denial queen talaga ang lola nyo! Hehe!
"Si Mr. Zach Hunter Fermandez." Walang kagatol gatol na sagot niya.
Shit! May alam ba siya? Imposible naman. Wala akong sinasabi sa kanya. Kahit magdeny ako, siguradong guguluhin lang ako neto. Kapag naman tinikom ko bibig ko, ganun din.
Ininom ko ang mango shake na inorder ko which is my favorite, "Si Zach? Oh napano siya?"
"Come on Keish. You can't deny the fact na meron something sa inyo. I know you very well. Nung nakita mo palang siya kahapon, alam ko na agad." Sabi niya habang nilalagyan niya ng mustard ang hotdog sandwich niya.
I just shrugged.
Hindi na lang ako kumibo. Wala na yata akong maitatago sa babaeng ito eh. Sooner or later malalaman din niya. Aaminin ko na lang sa kanya.
"Sige sasabihin ko rin sa'yo but not now. Okay?" Sana pumayag siya na 'wag ngayon. Makulit pa man din kasi si Zeline Caelah Tuazon. Full name niya yan. Siya lang yung babaeng nakilala ko na sobrang kulit. Hindi niya alam yung salitang STOP.
Third year college kame nung nakilala ko si Zeline. Nung una, ayoko sa kanya kase parang maarte siya. First impression never lasts. To make the story short, naging bestfriend ko rin siya. Lagi ko na siyang nakakasama. Hanggang sa maghanap kame ng trabaho, sabay pa kameng natanggap. Destiny, I guess.
Tumayo na kami ni Zeline, paalis na kami ng cafeteria.
Nauna si Zeline maglakad sumunod na ako sa kanya. Kukunin ko pa sana yung natirang mango shake ko nang biglang may humawak sa kamay ko.
"I need you right now Hera."
***
Keish on the media :)
BINABASA MO ANG
His Goddess Secretary
قصص عامةSummer Hera Keisha De Guzman, who enjoys life to the fullest. She is 23 years old. Gorgeous Hot Beautiful Sexy Goddess One of a kind And she is taking you to her world.. *** Sa kabila lahat ng katangian ni Keisha, iisa lang ang kahilingan niya an...