Ikalabing dalawa

104 4 0
                                    


"Where's my files Hera?" Zach asked. Nagulat na lang ako sa pagdating niya. Hindi ko napansin na nasa harapan na siya ng desk ko. Kung anu-ano kasi ang iniisip ko eh. Day dreaming oras ng trabaho. Tsk.

"Here Sir." Iniabot ko ang files sa kanya. Pinag-usapan na namin kapag sa office ay bawal ang p.d.a. 'Thank you' He mouthed. Umalis naman agad siya sa harapan ko. I am really thankful he's my boyfriend now. What else could I ask for? Wala na. He's all that I need. Ilang linggo na rin ang lumipas simula nung nagkaroon ng kami. Hindi na lang siya at ako.



Maya-maya ay bumalik na naman siya. "May nakalimutan ako." Sabi niya. Ang pagkaka-alam ko, naibigay ko naman lahat ng mga kailangan niya. Kumunot ang noo ko sa kanya. "Ano yun Sir?" I asked and checked all my files kung may nakalimutan nga akong ibigay. "Kiss" Ngumuso siya. "Ang baliw mo lang. Bumalik ka na sa office mo. Baka mamaya, ma-report pa tayo." Pagtataboy ko sa kanya. Ayoko naman kasing may ibang masabi ang mga tao. Napangiti ako bigla sa naisip ko. Whether I'll do good or bad, people will always have something to say. It makes sense, right?



"So? Pakialam pa nila hon? Buhay natin 'to." He smirks. "Hon? Stop that! Kadiri ka. Pinag-usapan na natin yan, walang landian pagdating sa trabaho." Saway ko sa kanya. Tinignan lang niya ako. "Ayaw mo ng Hon? Babe na lang o 'di kaya Baby or Boo or 'My?" Tanong niya na nang-aasar. "Ang landi mo. Tigilan mo yan." Naiinis na sabi ko sa kanya. Tumalikod na ko at akmang babalik na sa desk ko pero nagulat ako sa sinabi niya. "Ikaw at ikaw lang naman ang lalandiin ko."



Nakabalik na ako sa desk ko. Minsan, gusto kong kiligin. Minsan lang naman. Umalis na din naman siya pero hindi ko siya binigyan ng kiss. Busy na ako sa mga paperworks na iniwan niya sa akin. Deadline na kasi in three days. Loaded na rin ako for next week. Tinanggal ko muna ang blazer ko dahil sira ang aircon dito sa office ko. Ginagawa na ng maintenance.



Nakaharap rin ako sa laptop while doing this stuff. Multi tasking ika nga. Biglang may nag pop na message sa laptop ko. A chat from him. Hindi naman ito facebook pero nasa database ng computer na yung access, pwede kang mag chat from one computer to another. "Put your damn blazer on!" Sabi niya sa chat sa akin. Hindi na ako nagtaka bakit alam niya nagtanggal ako ng blazer, may cctv kasi eh.



"Why? Mainit sa office ko." Pagrereklamo ko sa kanya. Hindi man siya nagreply sa message ko pero ilang sandali lang, tumawag siya. Hindi pa man ako nag hello, agad na siyang nag salita. "May ibang tao diyan, for God's sake Hera, you're too sexy wearing only that spaghetti strap." Narinig ko pa ang pagmumura niya.


Tumingin ako sa cctv at nag wave ako sa kanya. I try to seduce him, I know he's pissed right now. Tumayo ako habang hawak ko pa rin phone, I winked at him and start biting my lips and then licking my upper lips down to my lower lips. Alam ko naman malayo ang mga gumagawa ng aircon sa office kaya ginawa ko yun. Narinig ko na lang na binaba na niya ang phone. Alam na alam ko kung pano siya asarin.



Pumasok na lang siya bigla sa office ko at mukhang galit nga. "Let's go!" Seryosong saad niya. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko naman. "Sa office ko. Doon ka na muna for the mean time habang ginagawa yang aircon mo." Sagot niya nang hindi ako nililingon. "Okay na ako dito. Paano ko kung may biglang maghanap sa'yo. Wala ako sa pwesto ko." I hissed. "Why are you so damn stubborn?" Lumabas siya agad ng office ko at iniwan niya ako. Kinuha naman niya ang blazer ko at pinasuot uli sa akin. Ni hindi man lang ako nakakibo at dumiretso na ako sa office niya.



Ang ganda talaga ng office niya. Dun na lang ako sa may sofa niya. Wala ng available space sa table niya. Binuksan ko na ang laptop ko at mag-umpisang magtrabaho. Ang bilis lang ng oras. Hindi pa rin kami nagkikibuan ni Zach at tahimik rin siyang nagtratrabaho. Nahuhuli ko rin siya na sumusulyap sa akin. Eh kung ulitin ko kaya ginawa ko kanina? Hmmm. Sigurado lalo kami mag-aaway.


His Goddess SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon