CHAPTER 3

5 0 0
                                    

Pagkatapos ng welcoming ay gabi ko na nakausap si Harper. Pinuntahan ko pa siya sa dorm niya kahit na alas dyes na ng gabi.

Ang isa pa palang perks kapag dito ka nag aral sa COU ay may dorm ka na rin sa loob ng campus. Sa sobrang laki kasi at layo ng lugar na ito ay naglaan na ng hiwalay na building na tirahan para sa mga estudyante. Libre ang lahat, pati pagkain. Dapat lang! Sa mahal ba naman ng tuition fee dito kayang kaya na yatang bumuhay ng isang bansa kung susumahin.

"Pumayag ka? Hindi mo man lang kinausap si President Wu?"

Si President Wu ay ang founder ng school. Sa pagkakarinig ko kanina ay siya raw ang nag rekomenda kay Harper para mapabilang sa student council.

"Akala mo naman ang daling makausap non Yahlie. At saka hindi na ako aangal kasi alam mo naman diba? Kanina nga halos matunaw na ako sa harap ni Osiris. Bwisit siya pa talaga yung nakausap ko. Sa lahat!"

"Ano'ng pinag usapan niyo?"

"Sinabi niya na hindi nila mababago yung nakasulat dahil hindi naman nila hawak yung council. Si President lang yung pwedeng mag alis at maglagay. Nakasulat yun sa rules."

"Rules? Walang ganiyang rules Harper."

"Hindi mo pa ba binabasa yung bagong handbook?"

Kumunot ang noo ko.

"Wala ka pang handbook?"

Inisip ko kung meron na ba ako ng bagong handbook at naalala ko yung dumating na box kanina.

"Baka nasa box. Hindi ko pa kasi binubuksan."

"Basahin mo. Andaming binago weird nga eh."

At iyon nga ang ginawa ko pagkauwi ko sa unit ko. Una kong kinuha ang letter na nakasilid sa kulay asul na sobre saka iyon binasa.

Greetings Crescents,
  We are delighted to welcome you in this new year of learning and having fun. As you received this letter, you will also receive a box which contains your uniform sets, school gadgets and handbook. Kindly read the handbook and put your wrist at the back of the cover.

May the moon be your guide!

President Wu

Kinuha ko ang mga bagong uniform. Meron kaming apat na sets ng uniform. Una ang daily uniform, sunod ay ang p.e, sunod ay uniform para sa bawat club at ang pang huli ay ang department uniform.

Naglaan din ako ng oras para basahin ang laman ng handbook at hindi ko alam kung bakit kailangang idikit muna ang wrist sa likuran nito.

Puro batas lang naman ng Eximious ang nakasulat sa handbook. Marami nga ang binago.

"Tuwing holiday lang uuwi? At bakit required na lahat ng students dito na mag stay? Paano yung ayaw?" Tanong ko kay Harper kinaumagahan ng magkita kami.

"Hindi ko rin alam. Yun din ang iniisip ko hindi rin naman pwedeng humindi dahil expulsion ang kalalabasan. Requirement ng school yun eh."

"So what now? Papayag ka na maging part ka nang council?"

She sighed.

"Hihintay-

Hindi pa tapos ni Harper ang sasabihin ay may lumapit na sa amin.

"Pinapatawag ang council. Sa Eximious building."

Naestatwa si Harper dahil sa narinig. Maging ako ay gano'n din. Walang ibang nakakarating sa Eximious building maliban sa limang yun.

THE GAME OF THE ROYALSWhere stories live. Discover now