CHAPTER 18

2 1 0
                                    

YAHLIE'S P.O.V

“Ang mo na palang alam tapos hindi mo sakin sinabi Yahlie? Come on!” Daing ni Frixie habang pabalik kami sa ground ng school.

“Hindi ko sinabi sa'yo kasi ayaw kong mapahamak ka. Narinig mo naman yung rule diba? Bawal nating malaman yung tungkol sa game,”

“But I'm still confused, kung hindi kayo masama anong nangayari doon sa lalaking nakita ko sa red room ni Toshiro? Nasaan na yun?”

Nilingon niya si Keane.

“He's fine don't worry. Nasa isang safe place siya. Clovis saved him from the Tormentor. Just like us, they know about the game but the only difference is that they work for the royals while we are the players. And the man that you saw was punished because he disobey Toshiro's order,”

“Dahil lang doon? Papatay sila?”

“Yes Yahlie, kaya nga mahigpit na bilin namin na sundin niyo ang lahat ng pinag uutos namin sa inyo dahil para iyon sa kaligtasan ninyo,”

“Paano niya niligtas? Nalaman ba nila na niligtas iyon ni Clovis?” hindi ko maiwasang isipin na yung taong pinagbintangan kong killer ay nagliligtas pala ng tao.

“I am not allowed to tell any information beyond from that Yahlie, the less you know the safer you are.”

When we crossed the hole under the big tree he stopped walking.

“Hindi ko na kayo pwedeng ihatid papunta sa units niyo. Dumeretso na kayo pauwi and just send us a message once you arrive there,”

“Thankyou Keane,” I said and smiled.

Maaga pa naman at sakto lang iyon para sumabay kami ni Frixie sa mga estudyante na pauwi na rin sa kaniya kaniyang units nila.

Naghiwalay na kami ni Frixie dahil magkaiba kami ng building. Siya na rin ang sinabihan ko na mag message kay Keane dahil lowbat ang cellphone ko.

Nang mag gabi na at tapos na ako sa mga paperworks ko ay kinuha ko ang wristband na nasa ziplock bag pa rin. Nakatago iyon sa loob ng libro ko. Pekeng libro iyon dahil ang totoo ay may compartment sa loob nun.

Kung hindi ka kabilang sa mga taong pumatay kay Harper, anong ginagawa nito doon sa lugar kung saan siya natagpuang patay?

Tiningnan ko ang litrato ni Harper sa ibabaw ng desk ko.

Hindi ko alam kung kanino ang magtitiwala pero gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang hustisyang para sa'yo.

Nang gabing iyon ay hinayaan kong lunurin ako ng mga iniisip ko. At sa mga sumunod na araw ay hindi naging madali dahil sa sa dami ng mga gawaing kailangan kong gawin. Lahat nagsasabay sabay na mula sa pagiging head ko sa club at sa pagiging member ng council pati na rin sa academics.

Parang ngayon, kasalukuyan kaming nasa meeting para sa gaganaping ball.

“Heads up Crescents, we would like to inform you all that we will be having the anual University ball.”

Naghiwayan ang lahat nang marinig iyon. Ang nagsasalita sa stage ay si Savir at kami naman ay nasa harapan sa baba ng stage nakaupo.

“Last year we had the Blue Moon's theme. For this year's theme will be Bloody Moon. That means you have to wear the colors and designs that represents the Bloody Moon. The event will be held on Friday the 13th of the next month and you will be guided about the ways on how to get your desire dresses for that night.”

Excited si Frixie dahil sa narinig pero malungkot lang akong ngumiti.

Every year ito rin ang inaabangan ni Harper. I wonder what kind of dress would she wear if she's here?

THE GAME OF THE ROYALSWhere stories live. Discover now