CHAPTER 14

3 1 0
                                    

Hinalughog ko na ang buong gamit ni Harper para hanapin kung ano ba ang game na sinasabi nila. Habang kabilang din ako sa student council ay sinusubukan kong ma access ang cctv room para makuha ang kopya ng cctv noong gabing pinatay siya pero dahil nakabantay sa akin si Clovis ay hindi ko iyon magawa ng maayos.

Siya pa rin ang suspect ko. Maya't maya ko rin siyang sinusundan ngunit sa mas maingat na paraan. Simula rin ng naging member ako ng council ay hindi na ako umuwi ng maaga dahil sa maraming gawain.

Nalaman ko kasi na imbis na school staff ay ang council ang personal na nag ha-handle ng student records ng mga estudyante. Council din ang in charge sa pag gawa ng program.

Ano kaya ang ginagawa ng ibang school staff? Nganga lang?

Pauwi na ako sa unit ko nang mapadaan ako sa garden at hindi sinasadyang marinig ang usapan ng kung sino.

"Fuck it! Sabi ko sa'yo tigilan mo na. Itigil mo na!"

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Chill guys, kababalik ko lang tapos ganiyan kayo umasta. Di niyo man lang ako pinag pahinga."

Kumunot ang noo ko nang maging pamilyar ang mga boses nila. Lumapit ako para mas marinig at makita sila. Madilim na kaya ang tanging liwanag sa garden ay ang mga fairy lights na nasa mga halaman.

"Hindi nila pwedeng malaman. Alam mo ang mangyayari. Hindi pwedeng makalabas ng school ang nangyari,"

Kumabog ang dibdib ko. Pakiramdam ko alam ko kung ano ang pinag uusapan nila.

"At sa tingin mo hindi nila malalaman dahil sa ginagawa mong yan?"

"Oh please! Will you guys shut up? Napaka ingay niyo. Lakasan niyo kaya para marinig talaga nila, malaman nila."

Sa garden ay nagtatalo talo sina Clovis, Toshiro, Cahaya, at Osiris na ngayon ko lang nakita ulit.

"Ipapasok mo siya? Paano kapag nalaman niya yung tungkol sa game? Sa tingin mo hindi siya matutulad kay Harper?"

Nanlamig ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang pangalan ni Harper.

"Anong tungkol sa game?" wala sa sariling tanong ko.

Sa sobrang intense ng pagtatalo nila ay hindi na nila napansin na nakatayo ako sa gilid at pinanonood sila.

"Y-yahlie..."

"Oh yeah this is good. So freaking good!" Cahaya muttered with a ghost of smirk on her face.

"Anong game?" Tanong ko ulit.

Lumapit sa akin si Keane at sinubukan akong hawakan pero umatras ako. Si Clovis, Toshiro at Osiris ay nakatingin lang din sa akin.

"Sagutin niyo ako. Ano yang putanginang game na'yan?!"

Malakas kong sigaw. Sa tagal ng panahong ginugol ko sa paghahanap at pagtatanong sa kahit anong tungkol sa game na yan ay wala akong mahanap na kahit ano tapos ngayon malalaman ko na sila pala ang pasimuno.

"You know you're not supposed to eavesdrop right?" Osiris simply said.

"Kayo ba ang pumatay sa kaibigan ko? Sino sa inyo? Ikaw ba?"

"Yahlie look, ipapaliwanag namin sa'yo lahat. Kumalma ka muna."

"Hindi Keane! Hindi ako kakalma at ayokong kumalma! Sagutin niyo ako kung ano yang game na sinasabi niyo at kung ano ang koneksyon niyan sa pagkamatay ng bestfriend ko!"

Nagtinginan pa silang lima. Sa kanilang lahat ay si Keane lang ang may pinapakitang simpatya sa emosyon.

"Tell her Clovis, stop wasting my time." Cahaya ordered.

THE GAME OF THE ROYALSWhere stories live. Discover now