CHAPTER 5

8 1 0
                                    

Kaya kinabukasan ay maaga akong gumising. I did my routine and made sure that I looked pretty.

Nagsuot pa ako ng pink bandana kahit alam ko naman na hindi yun pwede sa dress code ng school but I find it cute so the heck I care about the dress code.

Umattend muna ako ng class ko in the morning. I'm taking up Business management program. Sumali ako sa Agri and chess club because I think that would be fun. I'm not really fond of planting but the flowers in the Agri camp just caught my attention so I decided to be part of it.

Ang babaw lang ng rason ko. Well my mom likes to plant and since we're not in good terms, it would be better to show her that I made an effort to learn one of her craft.

Nang matapos na ang klase ko ay naka receive ulit ako ng message. Tiningnan ko ang isa sa mga classmates ko na nakasabay ko kahapon. Siya yung taas noong lumabas pagkatapos makaharap si Toshiro. Mukha siyang nakakatakot lapitan pero dahil intrimitida ako ay nilapitan ko siya.

"Uh hi! I'm Frix!" masiglang bati ko. Nag angat siya sa akin ng tingin at matipid na ngumiti.

"Liela."

"Kasabay kita kahapon sa screening diba? How did it go?"

She looks at me with puzzled air.

"Sa Chess ba? Okay lang."

Tumango tango ako.

"I see. Uhm I just want to ask if naka received ka ba ng message after that?"

Litong lito na siya huhu

"Anong message?"

Mukhang wala siyang alam kaya mukha akong ewan na ngumiti na lang.

"Nevermind. Nice to meet you, bye!"

Ibig bang sabihin nito hindi siya nakapasa? Kasi if ako nakatanggap ng message na pumunta doon sa chamber tapos siya hindi, ako tanggap tapos siya hindi?

But she seems to be confident yesterday. Or baka naman gano'n lang talaga siya. Malalaman ko yun kapag nandoon na ako.

Kaya paglabas ko ng room ay dumeretso na ako sa chess game chamber. Ang layo pa ng nilakad ko dahil nasa main building pa ito.

As usual binuksan ko lang basta ang malaking mirror door at pumasok.

"Hello?" I called because salas is empty and all I can see is my own reflection in the mirror.

I look pretty huh

"Hello! Is anybody here?"

I paused for a while.

Bakit parang wala namang ibang tao?

Naglakad ako sa hallway at pinuntahan ang kwarto kung saan kami naglaro ni Toshiro kahapon pero walang tao doon. Dim lights lang din ang makikita sa paligid.

"T-tulong..."

Tumigil ang paa ko sa paghakbang ng marinig ang mahinang boses na iyon. Lumingon ako sa paligid at napansin ang siwang sa gitna ng mirror wall.

Bahagya akong sumilip doon at nakita ang isang kulay pulang pinto. Tinulak ko ang mirror wall at pumasok doon. Sa totoo lang, nahihilo na ako dahil sa mga salamin na ito.

Ano bang trip mo Toshiro bakit puro ka salamin?

Gusto niya bang nakikita lagi ang mukha niya? Well kung gano'n ka pogi ba naman kahit isang milyong reflection di ko aayawan.

"Hello?" tawag ko ulit at napansin na bahagyang nakabukas ang red door.

Nang walang sumagot ay nagkibit balikat ako at pinihit ang pinto. Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang napakaraming monitors. Sa kaliwa ko ay may malaking monitor na kita ang iba't ibang footages. Nang lapitan ko iyon ay nakita ko ang iba't ibang sulok ng school. Sa katabi nito ay isa pang monitor na may footages naman ng iba't ibang room.

Umatras ako ng makita ang isang box na nasa ibabang upuan. May kutsilyo doon at baril na puno ng dugo.

Sa pag atras ako ay tumama ang likod ko.

Ahh! I mentally screamed when my back touches another monitor.

Pinagmasdan ko iyon at nakita ang profiles ng iba't ibang estudyante. Mabilis ang andar ng lists at bawat matapatan ay nakikita kong nag pa-pop up ang mukha at ang lahat ng information tungkol sa estudyante na iyon.

Pero kumunot ang noo ko ng mapansin kong imbis na student number ay nakita kong player number ang nakalagay.

Hahawakan ko na sana ang keyboard at manipulahin ang screen ng bigla itong mag beep at mag kulay red. Nakita ko ang profile ng isang estudyante at maya-maya pa ay may kulay pulang tatak ang lumabas sa mukha niya.

Player 567 Eliminated

Kunot noo ko iyong tiningnan.

Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa ideyang pumapasok sa isip ko pero lalo iyong naghuramentado ng mahagip ng mga mata ko ang lalaking duguan na nakahandusay sa madilim na bahagi ng silid na iyon.

Napasigaw ako at natumba.

"S-sino ka?"

Sinubukan niyang iangat ang ulo niya kaya nakita ko ang mukha niya. Tuluyan na akong nilubayan ng kakalmahan nang makita na siya ang lalaki sa monitor.

"Hihingi ako ng t-tulong!"

Mabilis kong sabi at saka nagmamadaling tumakbo palabas ng kwartong iyon. Nadapa pa ako bago mabuksan ang huling pintuan palabas.

Mabilis ang takbo ko. Ang mga estudyanteng nakakasalubong ko ay hindi nagtataka ang tingin sa akin.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makabunggo ko si Yahlie. Desidido akong magsumbong at humingi ng tulong pero pinigilan niya ako. Imbis na magsumbong ay dinala niya ako sa unit niya.

Kinwento ko sa kaniya lahat ng nangyari maging kay Anthony na kaibigan niya rin.

"Kung gano'n tama nga yung kutob mo Yahlie."

"Anong kutob?" Nagtataka kong tanong. Ang sakit sakit na ng mga mata ko dahil sa iyak ko.

Gusto ko na lang umuwi.

Napansin ko na kanina pa tumitingin si Yahlie sa relo niya at sa taas ng bintana niya.

"Bahala na nga," sambit niya bago tumayo at kinuha ang baseball bat.

"Yahlie ano-

"Oh my gosh!"

Hinampas niya ang taas ng bintana niya at may kung anong sumabog doon. Gano'n din ang ginawa niya sa taas ng pintuan.

"Gago ka Yahlie lagot ka niyan!" Protesta ni Anthony.

"What are those?"

"Cameras," simpleng sagot ni Yahlie.

"Kagaya ng nakita mo sa red room, ito yung mga surveillance cameras. Napansin ko na namamatay ang mga camera sa bawat twenty minutes bago ang susunod na oras. Tapos na ang twenty minutes kaya may access na ulit sila sa kung ano ang ginagawa natin."

Ahh kaya pala siya tumitingin sa relo niya.

"Malalaman nila na sinira mo yung camera!"

"Sasabihin ko lang na may ipis akong nakita. At saka malay ko ba na may camera pala diyan kasalanan ko ba na hindi sila marunong magtago?"

Kahit ako ay hindi nakita na may camera pala doon. They make it camouflage so it will blend in the walls.

"Para saan ang mga camera? Bakit may camera at sino sila?"

Hindi ko na mapigilan ang frustration sa boses ko.

"Hindi namin alam Frix. Kagaya mo nakita ko na rin ang isa sa mga monitor na nakita mo. Pero hindi sa chess chamber. Kasabay ng nakita ko ay nawala ang classmate ko. So it make sense now."

"Sinasadyang alisin ng school ang mga nawawalang estudyante," dugtong ni Anthony.

"At based sa nakita mong duguang estudyante kanina. Ang ibig sabihin, posibleng gano'n din ang nangyari sa iba pa."

Nagkatinginan silang dalawa na para bang magkatugma ang iniisip.

"Hindi lang ito ordinaryong school," sabi ni Yahlie at saka ako mariing tiningnan.



THE GAME OF THE ROYALSWhere stories live. Discover now