CHAPTER 24

9 1 0
                                    

Nang umalis ako sa hall ay pumunta agad ako sa restroom. Inisa isa ko ang mga cubicle at nang isa na lang ang matira ay naghintay akong bumukas iyon.

Ang tagal niya naman!

Nang may pumasok na kakilala ko ay humarap ako sa salamin at nagkunwaring naghuhugas ng kamay. Hindi naman niya ako nakilala kaya nakahinga ako ng maluwag.

At ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan ng cubicle at iniluwa nun si Frixie. Nakasuot ng kulay pulang gown, ang buhok niya ay nakakulot at napansin kong medyo kayumanggi ang kulay niya ngayon.

Nagbibilad ba siya sa araw?

Kunot din ang noo niya at mukhang galit na galit sa hawak niyang tissue.

"Sinong kaaway mo?" tanong ko.

"Yung tsonggong naka suit,"

Bahagya akong napangiti dahil sa naging reaksyon niya matapos siyang sumagot. Eksaherada niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Hindi pa siya nakontento dahil lumapit pa siya sa akin pagkatapos ay bigla na lang niya akong pinaghahampas.

"I hate you! I hate you!"

Nagulat ako dahil sa naging reaksyon niya kaya pinigilan ko ang mga kamay niya. Saka ko lang napansin na umiiyak na pala siya.

"Frix,"

"B-bakit mo ako iniwan?" she sobbed.

"Frix-

"Bakit Yahlie?! Alam mo bang mukha akong tanga kakahanap sa'yo?"

"Frix makinig ka." Inabot sana ang kamay niya pero tinabig niya iyon.

"Sige nga ano? Ipapaliwanag mo sa akin kung paano ka tumakas mag isa ha? Sige ipaliwanag mo kung paano mo ako iniwan!"

"Tumakas?"

"Hindi ba? Lumabas ka ng school at iniwan ako. Tumakas ka at ngayon bumalik ka, para ano?"

"Frixie makinig ka. Hindi ako tumakas ng school at hindi kita ini-

"Eh ano Yahlie?! Isang buwan kang nawala saan ka nagpunta?!"

"Tang*ina Frixie pinapatay ako!" 

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko dahil hindi siya nakikinig sa akin. At sa ginawa ko ay napatahimik ko siya at nakuha ang atensyon niya.

"Ano?"

Lumapit ako sa pinto at ni lock iyon. Saka hinarap siya.

"Noong araw na nawala ako, yun yung araw na dapat ay lalabas ako ng school para asikasuhin ang mga gagamitin para sa event ngayong gabi. Pero hindi ako nakalabas Frix, sumabog ang sinasakyan namin at may lalaking humabol sa akin hanggang sa mahulog ako sa bangin,"

"Oh my god!"

"Yahlie bilisan mo na kailangan na nating umalis," 

Pagkarinig ko ng boses ni Rainie ay lumapit na ako kay Frixie.

"Frix makinig ka sa'kin ng mabuti. Kailangan mong sumama sa akin dahil hindi ka na ligtas dito. Baka ipapatay ka rin nila tulad ng ginawa nila sa akin kaya sumama ka-

"Yahlie." Binawi niya ang kamay niya.

"Frix magtiwala ka sa akin. Diba gusto mong maka alis dito? Halika isasama na kita palabas,"

"Pero yung game Yahlie, paano yung game?"

Sa pagkakataong iyon ay pinutol ko ang linya sa suot kong earpiece.

"Mali tayo ng pinaniwalaan. Sila mismo ang may pasimuno sa game dahil sila mismo ang nag utos na patayin ako."

"Paano mo nalaman na sila nga?"

THE GAME OF THE ROYALSWhere stories live. Discover now