CHAPTER 15

2 1 0
                                    

"Now tell me, sino pa ang ibang taong may ideya tungkol sa game?"

Paulit ulit na nag pi-play sa utak ko yung sinabi ni Clovis pati na rin ang lahat ng mga nalaman ko. Kanina pa ako nakahiga pero hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Pagkatapos ng pag uusap namin sa camp nila ay hinatid ako ni Keane rito sa unit ko. Wala rin akong ibang sinabi kay Clovis. Hindi ako sigurado sa seguridad ko kaya hindi ko sasabihin na may ideya rin sina Frixie at Anthony tungkol sa game.

Hindi ko rin isasantabi ang lahat ng ebidensiya na nakuha namin.

"May iniisip ka Yahlie?" bumalik ako sa wisyo ng marinig si George.

"Ah oo ayos lang naman."

"Anong ayos lang? Ang tanong ko ay kung may iniisip ka ba. Mukhang malalim ah diko masisid," pabiro niyang sinabi.

I chuckled softly.

"Iniisip ko lang kung ano yung gagawin kong next project para sa club," I lied.

"Ahh pero chill ka lang ah baka mamaya mahimatay ka na naman niyan. Last time sobrang nag alala talaga kami sa'yo,"

"Tungkol nga pala diyan. Sinabi sa akin ni Anthony na kayo ang nagdala sa akin sa clinic. Saan niyo ba ako nakita?"

Tinuro niya ang unahan.

"Doon oh pagpasok namin nakita ka na lang namin na nakahiga diyan tapos walang malay. Ano ba kasing nangyari nun?"

Sigurado akong hindi ako rito nahimatay.

Ano kayang trip ni Clovis bakit niya ako dinala rito at nilapag sa sahig imbis na ideretso sa clinic? Siraulo yun ah

"Wala baka sa pagod. Salamat sa inyo,"

"Baka nami-miss mo lang kasi si Harper,"

"Huh?"

"Si Harper, diba nag transfer siya kasi sa ibang bansa na sila titira?"

"Sinong may sabi sa'yo niyan?"

"Si Professor Liam, bakit hindi mo ba alam?"

Umiling ako.

"Akala ko lang na hindi niyo alam," pagdadahilan ko.

Kung alam niyo lang na sa kabilang buhay na siya lilipat at hindi sa ibang bansa. Huminga na lang ako ng malalim.

I miss you Harp,

Simula nang malaman ko ang tungkol sa game ay pinayuhan ako nila Clovis na iwasang tumingin kung nasaan ang mga camera. Tama nga ang hinala ko na iyon ang ginagamit na pang monitor sa amin. Pero ang malaking pala isipan sa amin ay kung bakit nawawala ang lahat ng cctv footage noong gabing namatay si Harper.

Iyon pa rin ang iniisip at hinahanap ko hanggang ngayon. Dahil kasalukuyan akong nasa Eximious camp at nasa tapat ng malaking monitor. Tapos na ang klase kaya dito ako dumeretso. Makalipas ang isang linggo ay gano'n ang naging routine ko. Dahil na rin sa utos nila para raw sa kaligtasan ko.

"Kanina ka pa naka bantay diyan sa monitor. Sino bang binabantayan mo diyan?" tanong ni Osiris.

Nakahilig siya sa may hamba ng pintuan at nakataas ang kilay sa akin.

"Bakit namamatay ang camera twenty minutes bako magpalit ng oras?" Hindi ko na napigilan pang itanong.

Matunog siyang ngumisi at saka may kung anong sinabi kay Cahaya na ang narinig ko lang na sagot ay whatever.

Tapos ay lumapit siya sa pwesto ko at umupo sa swivel chair katabi ng akin.

"Alam mo kung bakit mainit ang ulo sa'yo ni Clovis?"

THE GAME OF THE ROYALSWhere stories live. Discover now