CHAPTER 21

2 1 0
                                    

"Kumusta siya?"

"Ang sabi ng doctor natanggal na ang tubig na pumasok sa baga niya. Wala rin major injury sa ulo niya kaya baka magising na rin siya,"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko habang naririnig ang mga boses sa paligid ko. Inaalala kung ano ang nangyari at ang huli kong natatandaan ay ang rumaragasang tubig.

"Huwag niyong aalisin ang paningin ninyo sa kaniya,"

Pilit kong ginising ang sarili ko kahit pa hinihila ako ng antok at ng kirot na nagmumula sa ulo ko. 

"Nga pala, samahan mo si Alex pabalik sa campus may ipinagagawa sa kaniya si patron,"

 Sino ba sila?

"Sige,"

Ginalaw ko ang daliri ko sa kaliwang kamay ko. Ang bawat pag angat ko sa isang daliri ay mahirap dahil para akong paralisado na ngayon lang ulit sumubok na gumalaw. At nang sa wakas ay naimulat ko ang mga mata ko ay kulay asul na kisame ang bumungad sa akin.

"Gising na siya! Gising na siya!"

Nilibot ko ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako. Bukod sa asul na kisame ay natanaw ko ang malaking bintana sa may paanan ko. Nang subukan kong iangat ang sarili ko ay may kamay na pumigil sa akin.

"Dahan dahan, huwag mo munang biglain ang sarili mo." Tiningnan ko ang babae at hinayaan siyang umalalay sa akin paupo.

"Sino ka? Nasaan ako?" Halos walang boses na lumabas sa bibig ko.

"Ako si Agatha. Huwag kang mag alala dahil ligtas ka rito,"

Pagkasabi niya nun ay parang isang trigger hinila sa loob ng ulo ko dahil sunod sunod kong naalala ang mga huling nangyari. Simula sa meeting, paglabas ko ng school hanggang sa pagsabog ng bus at pagtalon ko sa bangin. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at tiningnan ang iba pang tao sa silid.

"Sino kayo? Nasaan ako? Kasamahan ba kayo ng taong humahabol sa akin?"

Hinanap ng mga mata ko ang lalaking humabol sa akin pero biglang sumakit ang ulo ko kaya muli akong dumaing.

"Hindi ka pa magaling at bilin ng doktor na huwag mong pipilitin ang sarili mo. Huwag kang mag alala dahil wala rito yung lalaking humabol sa'yo,"

"Ito ang tubig uminom ka muna." Inabot sa akin ng isang lalaki ang isang baso ng tubig.

Kinuha ko iyon at ininom. Saglit pa akong pumikit para ma adjust ang mga mata ko bago muling dumilat.

"Nasaan ako? Anong nangyari?"

"Nakita ka nila Alex na nahulog sa bangin noong nakaraang linggo. Nalunod ka sa ilog pero nailigtas ka nila kaya ngayon nandito ka sa Alsike."

"Nakaraang linggo? Ilang araw na ba akong tulog?"

"Mahigit apat na araw na, ang sabi ng doktor wala namang ibang injury sa'yo kaya ipahinga mo lang para mabilis kang gumaling."

"Alsike?" Naguguluhang tanong ko.

"Nasa labas ba ako ng school?" 

"Sakop pa rin ito ng eskwelahan pero nasa labas ka ng bakod," 

Ang lalaking nakaupo sa may bintana ang sumagot.

"Magpahinga ka muna Yahlie para mabilis na bumalik ang lakas mo,"

Kumunot ang noo ko kay Agatha.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"May suot kang I.D nung nakita ka namin," matipid niyang sagot saka ngumiti.

Binilin nilang magpahinga muna ako kaya umalis sila at iniwan ako sa silid. Dahil na rin sa bigat ng pakiramdam ko ay hindi ako nahirapang makabalik sa tulog. Gabi na nang magkamalay ako ulit at nag desisyong tumayo at lumabas.

"Hala ka girl bawal ka pang ma pwersa!" Sumalubong sa akin ang isa pang babae.

"Kaya ko," pagsiguro ko.

"Alex alis nga diyan paupuin mo siya,"

Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap nilang lahat. 

"Kumusta ka na?" tanong ng lalaking tinawag nilang Alex.

"Medyo maayos na. Salamat sa pag ligtas sa akin,"

"Small things," he smirked.

Isa isa silang nagpakilala sa akin at habang ginagawa nila iyon ay pilit kong inaalala ang mga mukha nila. Baka kasi nagkita na kami sa school pero hindi ko sila matandaan. 

"Ang sabi niyo nasa labas ako ng bakod ng school, Alsike ang tawag sa lugar na ito diba?"

"Oo. Ito ang headquarters namin,"

"Gusto ko lang malaman kung mga estudyante ba kayo ng school? Sino kayo at bakit nasa labas kayo? Hindi ba bawal ang lumabas ng school?"

"Bawal kapag mahuhuli ka,"

"Oo katulad mo estudyante rin kami. Sa katunayan, kami ang mga estudyanteng pinagtangkaan ding patayin,"

Nakuha ni Reina ang buong atensyon ko.

"Patayin?"

"Look, hindi na kami magpapaligoy ligoy pa. Alam namin na ikaw ang kaibigan ni Harper, yung estudyante na natagpuang patay sa may prairie. At katulad niya gano'n din sana ang sasapitin mo pati na kaming lahat dito,"

"Hindi ko maintindihan,"

"Biktima rin kami Yahlie. Mga biktimang nakatakas sa hatol na kamatayan ng Eximious,"

Nanlamig ang katawan ko ng banggitin nila ang Eximious. Bumalik sa utak ko ang sinabi ng lalaki na si Clovis daw ang nag utos na patayin ako.

"Nakatakas kami sa kanila at si patron ang dahilan kung bakita kami magkakasama ngayon. Para singilin sila sa mga ginawa nilang kahayupan sa amin."

Galit na galit ang mga mata niya. Halos lahat sila ay gano'n ang katindi ang reaksyon.

"Bakit hindi na lang kayo lumabas ng school at magsumbong? Isumbong nalang natin sila,"

"Hindi kami pwedeng lumabas hangga't hindi sinasabi ni patron na pwede na. Masyadong makapangyarihan ang mga gagong yun kaya delikado kung malaman nila na buhay pa kami,"

"S-sila ba talaga ang nag utos na patayin kayo?" May pag aalinlangan sa boses ko.

"Oo Yahlie. Silang lahat."

Ang natitirang pag asa sa loob ko ay tuluyang nadurog. Habang pinakikinggan silang ikwento kung ano ang mga pinagdaanan nila sa kamay ng Eximious ay may parte sa akin na ipinagtatanggol ang Eximious dahil kahit na may pagdududa ako sa kanila ay hindi ko maalis na sa kahit kaunting panahon na nakasama ko sila ay naramdaman kong hindi nila gawa gawa ang kabaitang pinakitan nila. Kahit na madalas ay itinatanggi nila iyon.

O baka masyado lang akong nabulag ng pagpapakitang tao nila kaya nagtiwala ako agad.

"Ano na ang mangyayari sa akin ngayon? Paano ako magpapatuloy? Hindi na ako pwedeng bumalik sa school diba?"

"Hindi pa sa ngayon Yahlie, pero kung gugustuhin mong sumama sa amin na labanan ang Eximious at baguhin ang sistema ng eskwelahan ay makakabalik ka at makakauwi ka ng ligtas sa pamilya mo. Tayong lahat,"

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Noong huling beses kasi na nagtiwala ako ay muntik pa akong mamatay. Ngayong hinihingi ulit ang tiwala ko ibibigay ko ba iyon? At kung ibibigay ko tamang tao na ba sila?

"Tutulungan ka naming makuha ang hustisya sa nangyari sa'yo pati na rin sa kaibigan mo,"

"Pag iisipan ko," 

Iyon na muna ang sinagot ko sa kanila dahil kailangan kong isipin ng mabuti ang magiging desisyon ko. Sa ngayon ay aalamin ko muna ang tungkol sa kanila.

THE GAME OF THE ROYALSWhere stories live. Discover now