CHAPTER 9

2 1 0
                                    

FRIXIE'S P.O.V

"Yahlie," tawag ni Anton kay Yahlie nang mapansin niyang nakikipagtitigan lamang ito sa mga Eximious.

Pinahid ko ang luha ko at pinigilan ang tunog ng paghikbi. May naglahad ng panyo sa harapan ko at nang mag angat ako ng tingin ay nakita kong si Osiris iyon.

Umiling ako sa kaniya at pinahid na lang ang mga luha ko gamit ang manggas ng damit ko. Sobrang bilis ng mga pangyayari.

Kanina pagkababa namin ng bus ay tumulong na agad kami sa pagtatanim. Maaliwalas ang panahon at maganda ang simoy ng hangin pero lahat yun nagbago bigla nang marinig namin ang tili ng isang estudyante bago nakita ang katawan ni Harper na walang malay, o mas tamang sabihing walang buhay.

Nakasubsob siya may damuhan habang naliligo sa sariling dugo. Mabilis namin siyang dinaluhan ni Anton at pilit kong idiniin ang panyo ko sa malaking sugat sa ulo ni Harper.

Nakita ko kung paanong ang masiglang mukha ni Yahlie ay naging maputla. Nanginginig ang kamay niya at katulad ko ay walang ampat ang mga luha niya sa pagbuhos.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyari at kung bakit sa mabilis na panahon, pare-pareho kaming nawalan ng kaibigan. Mas masakit sa parte ni Yahlie dahil siya ang pinakamatagal na kaibigan ni Harper.

"We'll inform the family of Harper and take care of her body. The school will also shoulder all the expenses of her funeral incl-

"I want an investigation," malamig na sabat ni Yahlie sa sinasabi ni Clovis.

"Yes of course. The incident has been reported to the authorities of the school and they will make an immediate action, investigation will be conducted as soon as possible. But this case will be confidential only to the family of the victim."

Hindi nagustuhan ni Yahlie ang narinig niya.

"I am her family. I want to be part of the investigation."

"Miss Plamiano, the decision is not yours to make neither mine. I also believe that I don't need to explain why."

"Then I will go to her funeral."

Kumurap kurap ako. Ito na yun. Pwede na kaming makalabas o siya. At kapag nagawa niya yun ay makakahingi na siya ng tulong sa labas at magsumbong sa posibleng ibang ginagawa ng school na ito.

"I'm afraid you're not be able to," si Osiris ang sumagot.

"At bakit hindi? Kaibigan niya kami bakit hindi pwedeng dumalo kami sa burol at libing niya?" Nanghahamong giit ni Anton.

"Nasa rule na walang pw-

"Bullshit!"

Nagulat ako sa sigaw ni Anton kaya napasandal ako sa dingding. Sunod na sumigaw ay si Yahlie. Ramdam ko na ang tumataas na tensyon sa pagitan nila.

"Patay yung kaibigan namin hindi kami pwedeng makiramay? Anong klaseng eskwelahan ba ang may punyetang rules na ganiyan?! Anong klaseng eskwelahan ba?"

"Yahlie calm down." I held her shoulder.

"Tone down your voice lady, it doesn't mean that you're mourning you can raise your voice on our faces." Cahaya flipped her hair.

Natahimik si Yahlie at hindi agad nakapag salita ngayon ko lang din napansin si Cahaya katabi niya si Toshiro na ngayon ay nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin at binaling na lang ang atensyon kay Yahlie.

"I think you should talk about that later, kapag kalmado ka na Yahlie. Or better if ako na lang muna ang kumausap sa kanila,"

"Makakipag usap kami sa pamilya ng biktima at hindi sa kahit sino sainyo."

THE GAME OF THE ROYALSWhere stories live. Discover now