CHAPTER 7

5 1 0
                                    

Hindi ko alam kung anong oras na ba kami nakabalik kagabi. Nag pasalamat na lang kami na hindi nag tagal ang Eximious dahil kung hindi baka nahuli na kami. Si Frixie ay hindi maawat sa pag iyak at dahil nga hindi siya pwedeng makita na anong oras na pumasok sa dorm ay sa unit ko silang dalawa natulog. Bagay na mas pabor dahil mas nakagawa kami ng plano.

Ngayon ay pumasok kami sa kaniya kaniya naming klase na para bang walang nangyari. Nag punta na rin ako sa admin office para mag report.

"May sumabog sa unit mo?" Inosenteng tanong ni Mrs. Agasin. Ang head admin.

"Opo. Kahapon po nakakita ako ng insekto kaya hinampas ko ng baseball bat pero nang hinampas ko na may sumabog bigla. Ano po kaya iyon?" mas inosente kong tanong dahil nakita ko si Keane na naka sandal malapit sa printing machine.

Ngumiti pa siya sa akin nang mahuli ang tingin ko pero nag iwas lang ako ng tingin.

"I have no idea. Magpapadala na lang ako ng tao para ayusin ang nasira sa unit mo. Do you have other concern?"

"Nothing else ma'am," I replied still seeing Keane in my peripheral view.

"Proceed to your class then."

"Thankyou po."

Palabas na dapat ako ng kwarto ng makita ko si Harper na palapit kay Keane habang nakangiti. Kumunot ang noo ko at hinintay silang  makalapit sa akin. Pati si Harper ay nagulat nang makita ako.

"Y-yahlie! Anong ginagawa mo rito?"

Nagtaas ako ng kilay.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"

"So she's Yahlie. Hi Yahlie, I'm Keane." Inabot ni Keane ang kamay niya sa harap ko pero hindi ko iyon tinanggap.

Pagkatapos ng narinig at nalaman ko tungkol sa ginagawa nila, hinding hindi ko aabutin ang kamay nila para magpakilala. Mukhang naramdaman niya naman iyon ay binawi na lang niya saka ngumiti.

"I'll leave now Harper, see you around."

"Ingat ka Keane."

Napanganga pa ako dahil sa sinabi ni Harper.

"Wow! At kailan ka pa naging concern sa safety ni Keane?" I said mockingly.

"Mabait naman pala siya eh, siya pa nga tumutulong sa akin sa mga tasks na pinapagawa ni Clovis eh."

"And so wow talaga! Parang kahapon lang ayaw mo sa posisyon mo sa council pero ngayon gustong gusto mo na. Ang bilis naman yata magbago ng ihip ng hangin."

"Come on  Yahlie! You have to believe me, mabait pala sila and mali ang description natin sa kanila. Well yeah strict and spoiled nga siguro sila but they also have good traits lalo na si Keane."

Umiling iling ako. Kaya siguro hindi ko siya mahagilap kahapon ay dahil nag enjoy siyang kasama yun.

"Pero hindi mo dapat siya pagkatiwalaan dahil may dapat kang malaman," mahinang bulong ko.

Maingat kong sinabi sa kaniya ang lahat ng nangyari at gulat na gulat siya dahil sa mga nalaman.

"Mabuti hindi kayo nahuli. Ibig sabihin meron din camera sa unit ko?"

"Shh wag kang maingay hindi dapat nila malaman na alam ko. Narinig namin sila kagabi, pinapahanap nila yung pumasok sa chamber at si Frix yun. She will be in danger kapag nahuli siya at damay kami doon."

"Freak. Eh bakit ka nag report na may nabasag na camera sa kwarto mo ede alam nila na alam mo na may camera."

"Yun na nga ang point. Sinabi kong  may hinampas lang akong insekto tapos may sumabog na hindi ko alam. Hindi nila malalaman na alam ko o alam natin if you will shut your mouth. Mapagkakatiwalaan pa naman kita diba Harper?"

Hinila niya ang buhok ko/

"Aray! Bakit?"

"Gaga! Syempre oo anong akala mo sa akin madaling mapaikot ng mga yun. Muntik na pero hindi na ulit."

Nagku-kwentuhan kaming dalawa nang biglang magkagulo. Tumatakbo ang mga estudyante kaya naman hinarang ko ang isa sa kanila.

"Saan kayo pupunta?"

"Sa field."

"Bakit?"

"Naglalaro ang isa sa mga Eximious."

Nagkatinginan kami ni Harper bago pumunta na rin sa field.

"Anak ako ng mommy ko! Is that Cahaya Sienna?"

Napaawang ang bibig namin pareho nang makita si Cahaya na nasa field at may hawak na bow and arrow. Nakasuot siya ng pulang tank top, itim na pantalon at boots. Kahit na sa layo namin ay kitang kita ang ganda ng hubog ng katawan niya. Parang mas lalo siyang tumangkad ngayon at pumuti. 

Sa kabilang gilid ng field ay nakatayo ang apat pang myembro ng Eximious na para bang nababagot sila pero hindi natutuwa maliban kay Keane na maya't maya ang pag ngiti.

May binitiwan pang salita si Cahaya bago ulit itinaas ang kamay sa ere handa ng pumana. Humahanga na sana ako kung hindi ko lang nakita ang target niya. O mas dapat bang kung sino ang target niya.

"H-harper-

"Bakit?"

"Yung lalaking nasa target ni Cahaya, siya yung lalaking napagalitan ni Clovis kagabi."

"What?!"

Papatayin ba nila siya? Kung oo ibig sabihin ay ipapakita na nila ang masamang ginagawa nila at kokompirmahin ang mga nakita at nalaman namin.

Tila bumagal ang oras at tumahimik ang buong paligid nang bitiwan ni Cahaya ang arrow at maglakbay ito sa ere palapit sa kawawang estudyante na nakagapos sa gitna. Parang hinahalukay ang sikmura ko nang marinig ko ang singhap ng mga tao sa field. Nakita ko kung paano tumalsik ang mansanas sa ulo ng lalaki. Hindi siya natamaan. 

Nilipat ko ang tingin kay Cahaya at nakita siyang binalik ang pana sa lalagyan nito bago umalis. Sumunod sa kaniya ang apat niyang kasama at naglakad papunta sa dereksiyon namin. Pero dahil sa sobrang kaba ko ay hindi ko namalayan na nakalapit na sila at habang naglalakad ay nakadapo sa akin ang matalim at malamig na titig  niya.

Nakita kong may sinabi si Clovis na nakapagpangisi sa kaniya.

"If the field is empty, I would shot his head instead." 

Iyon ang narinig kong sinagot niya nang makadaan sa gilid namin.

Nakahinga ako ng maluwag nang makadaan sila. Pakiramdam ko kasi ay alam ni Cahaya na isa ako sa mga pumasok sa chamber. Yung mga titig niya parang akala mo sinisingil na ang kaluluwa ko. 

"Yahlie are you okay?"

"O-okay lang. Tulungan natin yung lalaki Harper."

"No."

"Huh?"

"Don't meddle with their things  if you don't want to be the next victim. That's the rule of Eximious, Yahlie. And we can't just interfere pagkatapos ng ginawa niyo kagabi siguradong alam ni Cahaya ang nangyari dahil hindi naman siya magpapakita rito kung hindi importante."

Tiningnan ko ang kawawang lalaki na nakagapos pa rin sa field.

"Kailangan nating magsumbong sa labas," wika ko.

THE GAME OF THE ROYALSWhere stories live. Discover now