CHAPTER 11

2 1 0
                                    

YAHLIE'S P.O.V

Pinaghalong pagod, kaba at takot ang naramdaman ko nang tumama ang ilaw sa mukha namin ni Frixie. Halos bumaon din ang kuko niya sa akin dahil katulad ko ay nagulat din sa ilaw.

"Diyos ko! Anong nangyari sa inyong dalawa?"

"A-Anthony!"

Umiyak ako nang marinig ang boses niya. Kakaibang tuwa at seguridad ang naramdaman ko nang malamang siya ang tao sa likod ng ilaw.

"Napano kayo? Bakit ganiyan ang itsura niyo?"

"Mahabang kwento. Mamaya na lang kailangan nating makaalis dito bago pa nila tayo makita," nagmamadaling sabi ko.

"Makita nino?"

"You freaking bastard! Mamaya na nga kasi eh help me up hindi ako makatayo bilis!" paos na ang boses ni Frixie.

"Wow demanding ka niyan ah,"

"Bilis Anton!" Dali-daling sigaw ko sa kanila dahil sa takot na baka maabutan kami.

Pasan pasan ni Anton sa likuran niya si Frixie. Nang makarating kami sa ground ng school ay iniwasan pa namin ang mga camera kaya matagal tagal bago kami tuluyang nakapasok sa unit ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagagawa ang nasirang camera sa kwarto ko kaya mas ligtas kami rito. Kung tama bang ligtas pa kami gano'ng nasa eskwelahan pa rin naman kami at ang mga killer.

"Ang bigat mo!" daing ni Anton matapos ilapag si Frixie sa upuan.

Ni lock ko ang pinto at saka napasandal dahil sa pagod. Pumikit ako saglit bago sinulyapan si Frixie na ngayon ay puro galos at dumudugo ang tuhod.

"May first aid kit ka ba Yahlie?"

"Nasa cabinet sa taas ng study table ko,"

"Aww!"

Kumuha na rin ako ng malinis na tubig at bimpo saka siya nilapitan. Punong Puno siya ng galos at sugat.

"Huhugasan ko ang sugat mo ha,"

"Careful, masakit."

"Hmm."

Nag umpisa akong linisin ang mga sugat niya habang si Anton naman ay nag umpisang pagalitan kami.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh ang titigas ng ulo niyo. Kanina pa ako hanap ng hanap sa inyong dalawa at tama nga ako! Nagpunta nga kayo sa prairie!"

"Nakita niyo kung anong nangyari? Yahlie naman, nag usap na tayo kanina diba? Hayaan mo na sa mga police ang imbestigasyon."

"Mga police Anton? Walang mga police na nagpunta sa crime scene," sabat ko sa kaniya.

"Anong wala? Nakausap mo pa sila kanina tapos wala?"

"They are fake! Narinig namin. Nakita namin na may pumuntang iba pang mga lalaki doon pagkatapos nilang umalis. At malinaw naming narinig ang sinabi nilang kailangang mawala ang mga ebidensiya bago dumating ang mga police bukas ng umaga."

"Kung hindi sila totoong police, ano'ng ginagawa nila doon? At sino sila?" Tanong ni Frixie.

"I don't have an idea. Pero malinaw na may mali. They want to conceal the crime that happened here and who knows if they will point different suspect just to end the investigation. The important is, we know that they are plotting for something and we need to know what that plan is and then sabotage it."

"How? Do we even have a suspect?"

After I heard Antony's question, scenes earlier flashed in my mind as if it was a pile of pictures that store in one album and that album is the suspect.

THE GAME OF THE ROYALSWhere stories live. Discover now