CHAPTER 19

3 1 0
                                    

OSIRIS DUKE'S P.O.V

Nang marinig ang alarm ay pumunta kaming lahat sa border ng school. Naabutan namin doon sina Clovis at Cahaya.

"Anong nangyari? Bakit tumunog yung alarm?"

"Someone had crossed the border,"

"What is happening? Bakit parang sunod sunod yata ang mga nangyayari ngayon?"

"This wasn't the first time that someone had crossed the border, I think they are doing it for quite a while now." Cahaya extended her hand to the cable but Toshiro immediately stopped her.

"Let go of my hand Yomi,"

"But you will get yourself electrified,"

"Dude, I know that so let go." Cahaya rolled her eyes and nonchalantly touched the wire.

"Holy mother fucker!" Nausal ko na lang nang malamang wala na iyong kuryente.

"I have a hunch that someone's having dirty secrets here that's why I checked it by myself and I found out that the alarm was not functioning that's why I installed new, the one that you heard a while ago."

"You saw them?" Clovis asked.

"Them? Marami sila?"

"I caught them on sight. The were two but I couldn't recognize them because I didn't see their faces.

"Bakit hindi mo sinabi agad? Ede dapat nandito na kami diba?"

"Seriously Toshiro? Do you think I can't handle myself? And besides, wala ako rito kanina. Nakita ko lang sa monitor ko. I was in the main hall remember? Duh,"

Nagtatalo pa silang dalawa ng mag ring ang cellphone ko at nakita ang pangalan ng babaeng pinaglihi sa kuliglig.

"Oh ano yun Frixy wixy?"

Narinig ko agad ang iyak niya pati ang sigaw.

"Y-yung unit ni Yahlie! M-may patay!"

"What?!"

"Bakit Osiris?" Tanong ni Clovis.

Binaba ko ang cellphone ko.

"May patay daw sa unit ni Yahlie,"

"Let's go!" Maagap niyang sabi.

"I'll stay here, like a cat waiting for the rats." Cahaya waved her hands.

"Keane call the ninjas and isolate the green building,"

"Copy that Clovis, susunod ako doon."

Nang dumating kami sa unit ni Yahlie ay sumalubong sa amin si Frixie. Umiiyak siya at nanginginig. Nilapitan siya ni Toshiro.

"Are you okay? Where's Yahlie?"

"N-nasa loob siya, m-may pumasok dito."

Dumeretso kami sa loob at nakita ang maraming kalat. Agad hinanap ng mata ko ang patay na tinutukoy ni Frixie pero napamura na lang ako ng makitang hindi iyon tao kundi ang alagang pusa ni Cahaya.

Got you! Meow!

Iyon ang nakalagay na sulat sa may cabinet. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga ninjas. Sila ang mga tauhan ng Royals na naglilinis ng mga kalat.

Pinaubaya namin sa kanila ang lahat sa pag aakalang kagagawan iyon ng mga Royals dahil nalaman nilang nasa puder namin si Yahlie. At hanggang sa pagbalik sa camp ay iyon ang nasa isip ko.

"Ang problema sa'yo Yahlie bintang ka nang bintang,"

"Dahil lahat ng sitwasyon kayo ang tinuturo. Kayo palagi! At nakita ko kung ano ang kaya niyong gawin. Alam kong kaya niyong pumata-"

"Shut up!"

"Hinabaan ko ang pasensiya ko sa'yo at inintindi ang emosyon mo dahil nawalan ka ng kaibigan. Pero para bastusin mo kami ng ganito, sobra na Yahlie. Hindi mo kami kilala. Hindi mo ako kilala."

Pinakinggan lang naming lahat na magtalo sina Clovis at Yahlie. Wala akong reaksyon dahil aminado akong natamaan sa mga sinabi ni Yahlie pero higit doon ay mas inaalala ko si Cahaya at ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang nangyari kay Gato, ang pinakamamahal niyang pusa.

Matapos magtalo sina Yahlie at Clovis ay pumasok kami sa camp. Naiwan sa labas sina Frixie at Yahlie. Tensionado ang lahat lalo na si Clovis. Lumabas naman ulit si Keane.

"If this is part of the crazy ideas of those son of a bitch! This is not funny!" sa wakas ay naisigaw ko.

"Sino ang magsasabi kay Cahaya?" tanong ko.

"Magsasabi ng ano?" lahat kami ay lumingon ng pumasok sa silid si Cahaya.

Walang nagsalita sa amin kaya natawa siya ng bahagya.

"If you're trying to make me nervous I'll tell you that won't work,"

"Gato is dead,"

Putang*na Toshiro hindi man lang dinahandahan!

"Pardon?" nawala ang ngiti sa labi ni Cahaya matapos marinig ang walang pakundangang sinabi ni Toshiro.

"He was pinned on Yahlie's cabinet, he is dead."

Sa isang iglap ay hawak ni Cahaya ang leeg ni Toshiro. Nasapo ko ang noo ko at napainom ng tubig.

"Sinabi ko sa'yo na huwag mong gagawing biro ang alaga ko Toshiro. Where the hell is my cat?!" galit na galit na tanong ni Cahaya.

Habang si Toshiro ay deretso lang ang tingin. At nang mapagtanto ni Cahaya na hindi siya nagbibiro ay binitiwan niya ito at lumingon sa akin, naghihintay ng sasabihin ko.

"I'm sorry Cay," I said and avoided her gaze.

Walang salita siyang lumabas. Susundan pa sana namin siya pero pinigilan kami ni Clovis.

"Keane's on his way back, let her see her cat."

Pagksabi niya nun ay narinig namin ang sigaw ni Cahaya.

"Ahhh! Who the fuck did this?! Sino ang pumatay sa kaniya?! Papatayin ko rin!"

Lumabas na kami at pinanood siyang yakapin ang pusa niya na punong puno ng dugo. Napansin ko na wala na rito sina Yahlie at Frixie. Baka pinaalis muna ni Keane.

"Tell me Clovis! Sino ang pumatay kay Gato?"

Pulang pula ang mukha niya at sa pagkakakilala namin sa kaniya ay ano mang oras ay pwede siyang makasakit.

"W-we don't know yet Cahaya," maging ang boses ni Clovis ay nabasag.

Cahaya looks devastated.

"They gonna pay for it! They will pay for it!"

THE GAME OF THE ROYALSWhere stories live. Discover now