CHAPTER 20

3 1 0
                                    

YAHLIE'S P.O.V

Pagkatapos ng naging pagtatalo namin ni Clovis ay hindi na ako bumalik sa camp. Binilin din kasi ni Keane na huwag na muna akong sumabay sa init ng ulo ni Clovis.

Hindi talaga ako sasabay. Kahit na hindi niya ako sabihan iiwas ako. At ngayon ay umiiwas nga talaga ako.

"Who is in charge for the program?" Keane asked while browsing to the proposed design of incoming event. Matagal pa iyon pero pinaghahandaan na.

"It's Kim, may exam kasi siya ngayon so she'll be late raw po."

Nasa laptop lang ang atensyon ko at hindi sila tinatapunan ng tingin.

"What's the status of our moon stage, Yahlie?" I straightened in my seat.

"I already sent the latest update of our last transaction and they said that the materials are ready to deliver but we haven't received any of it until now. And the manufacturer is not responding to my emails," I answered as I checked my emails again.

Ako ang naatasan na mag handle ng mga gagamitin para sa construction ng moon stage. Tuwang tuwa pa ako noon dahil makakapag email na ako sa labas ng school pero yun pala limitado lang naman ang mapapagsendan ko.

"Hindi po aabot ang moon stage sa event kapag hindi pa natin nasimulan ang construction," saad ni Ivan. Ang engineer na in charge sa construction.

"Sinubukan mo na bang makipag usap sa iba pang suppliers na ibinigay ko sa'yo Yahlie?" Keane asked again. Wala si Clovis dito at hindi ko alam kung nasaan siya. Mabuti nga na wala siya rito eh

"Yes and they are not responding as well,"

Tumayo si Keane at saka lumapit sa laptop niya na nakalagay sa unahan.

"If that's the case, I suggest that you should go out and talk to them personally,"

I immediately shifted my sight on him because of what I heard.

"W-what?" I asked in disbelief.

"Hindi ko maaasikaso iyon dahil marami akong ginagawa. Besides, ikaw din ang in charge so ikaw na ang lumabas. You can go later after our meeting,"

Tiningnan ko siya ng mabuti kung nagbibiro ba siya pero ang seryuso niyang mukha ay nagsasabing hindi siya nagbibiro. Kaya naman nang matapos ang meeting ay nag paiwan ako para kausapin siya.

"Keane,"

"Hmm?"

Nasa laptop pa rin ang atensyon niya.

"Lalabas ba talaga ako?" naninigurong tanong ko.

"Yes. Bakit ayaw mo ba?"

"Pero diba-

"Yahlie," he smiled and shook his head a bit. 

Tumango ako nang makuha ang ibig niyang sabihin. 

"Ihahatid ka ng shuttle. Siguraduhin mong maaayos mo ang mga kailangan mong ayusin para mabilis na matapos ang moon stage,"

"Pwede ba ako magsama ng iba? Si Frixie pwede ba?" umaasang tanong ko pero umiling siya sa akin.

"Sasamahan ka ng security ng school, huwag ka nang magdala ng marami para hindi ka mahirapan."

Kagat labi akong tumango sa kaniya at ngumiti. Pilit kong tinago ang namumuong luha sa paligid ng mga mata ko.

"Aalis na ako,"

He nodded and I turned my back on him. And when I extended my hand to grab the doorknob he called me.

"Yahlie,"

THE GAME OF THE ROYALSWhere stories live. Discover now