CHAPTER 22

2 1 0
                                    

Ilang araw ang lumipas at mas naging maayos na ang pakiramdam ko. Naigagalaw ko na ng maayos ang mga kamay ko bagamat hindi pa naghihilom ng tuluyan ang mga sugat ko.

Dumaan ang ilang araw at wala akong ginawa kung hindi ang pagmasdan silang kumilos at mag isip.

“Yahlie, tara sama ka!” anyaya ni Agatha.

Kasalukuyan silang nag e-ensayo ngayon gamit ang isang espada. Sinabi nilang ginagawa nila iyon para sa muli nilang paghaharap ng Eximious.

Nalaman ko rin na may ibang myembro na nakakapasok pa rin sa eskwelahan pero maingat nila iyong ginagawa. Nagmamasid at inaalam kung ano ang plano ng Eximious at kabilang na doon ay ang plano na ipapatay ako kaya nagawa nilang iligtas ako.

“Kayo na lang muna," tipid kong sagot.

Umupo sa tabi ko si Rainie.

“Naiinip ka ba? Ganiyan din kami nung una. Pero huwag kang mag alala dahil kapag natalo natin ang Eximious, makakaalis na tayo rito,”

Nilingon ko siya.

“Alam mo ba yung game?”

Ilang araw ko na iyong pinag iisipang itanong sa kanila pero ngayon lang ako nagkalakas loob.

Umangat ang kilay niya at saglit na nag isip.

“Game? Anong game?”

“Yung game sa school, hindi mo ba alam?”

“Huh? Anong game ba? Yung tournament ba?”

Tinitigan ko siya at nakita kong nalilito ang mukha niya.

Hindi niya alam ang tungkol sa game?

“Ah oo, yun nga.” Iniwas ko ang tingin ko.

Pati ba yung game na 'yon ay gawa gawa lang din nila? Lahat pala ginawa lang para pasakayin ako. Kami ni Frixie.

Si Frixie...

“May kaibigan akong naiwan sa school. Pwede niyo ba siyang dalhin din dito? Baka kung ano ang gawin sa kaniya,”

“Sasabihin ko kay patron pero nahihirapan tayong gawin iyon Yahlie. Limitado lang ang kakayahan namin at isang maling kilos ay mahuhuli kami.”

“Alam ko. Alam ko kung paano kayo makakapasok ng hindi napapansin,”

“Talaga?”

“Hmm.”

Tinawag niya ang iba pa niyang mga kasamahan at nakinig sila sa akin.

“Sa gawing hilaga ng prairie may maliit na butas sa pader. Walang camera na nakalagay sa prairie kaya hindi nila kayo makikita,”

“Alam namin yun Yahlie doon kami dumadaan,”

“Alex,” sita ni Agatha.

“Ang gusto naming malaman ay kung paano namin maiiwasan ang mga camera, ang sabi ay may mga camera pero hindi namin iyon makita.”

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi noon ni Osiris. Na kaya namamatay ang mga camera ay sinasadya iyon ni Clovis para hindi ako makita ng Royals at hindi nila malaman na alam ko kung nasaan nakalagay ang mga camera.

Iwinaglit ko ang alaalang iyon at nagpatuloy.

“Alam ko kung saan nakalagay, pwede akong suma-

“Hindi pwede!” Maagap na sigaw ni Agatha.

Nagulat pa ako doon.

“I mean, hindi ka pa pwedeng sumama hangga't hindi sinasabi ni patron.”

“Bente minutos bago ang pagpapalit ng oras ay namamatay ang mga camera at wala silang makikita. Pwede kayong kumilos sa habang nakapatay iyon,” dugtong ko sa sinabi ko.

Nagtinginan sila sa isa't isa.

“Yung headquarters ng Eximious alam mo ba kung nasaan? O kaya yung building nila alam mo ba kung ano ang passcode?”

Naka abang silang lahat sa sasabihin ko. Kita kung paanong sabik na sabik silang marinig ang susunod kong sasabihin.

“Sasabihin ko sa inyo kapag nakasama ko na ang kaibigan ko,”

Suminghap sila dahil sa narinig mula sa akin. Hindi ko basta bastang ibibigay sa kanila ang impormasyong hinihingi nila kahit pa pabor sa akin ang gagawin nilang pag ganti sa Eximious.

Kaya hinintay ko silang makuha si Frixie. Pero dumaan pa ang mga araw at palagi silang bigong makuha siya dahil mas humigpit ang seguridad ng campus.

At dahil hindi ako makapaghintay na kumilos na rin ay sumali ako sa pagsasanay na ginawa nila. Inaral ko kung paano humawak ng baril, ng espada pati na ng pana.

“Bukas na ang engrandeng kasiyahan sa school ah siguradong puporma na naman yung limang iyon,”

Nasa palibot kami ng bonfire. At ang lugar kung nasaan kami ay liblib at nasa gitna raw ng kakahuyan. Hindi tulad sa Eximious, ang tirahan namin dito ay simple at walang kuryente kaya naintindihan kong limitado lang ang kakayahan nila kumpara sa Eximious. Naghihintay lang sila ng utos galing sa tinatawag nilang patron bago sila kumilos.

Hindi ko pa nakikila si patron pero ang sabi nila ay malapit na.

Bukas na ang university ball at mag iisang buwan na pala akong wala sa school. I wonder, hinahanap kaya ako ni Frixie? Yung mga classmates ko at yung kasama ko sa council at sa club? Hinahanap ba nila ako o katulad ng nangyari kay Harper ay umasta silang hindi nila ako nakilala kaya hindi nila mapansin ang pagkawala ko.

“Handa ka na ba Yahlie?” tanong ni Rainie.

Bukas ay sasama ako sa kanila. Attend kami ng ball at gagawin namin ang unang pagsalakay. Kukunin ko si Frixie habang sila ay ipapakita sa mga estudyante ang totoong nangyayari.

“Handa na,” sagot ko at hinawakan ang dagger.

“Kailangan masunod natin ang plano. Hindi nila dapat matunugan ang presensiya natin simula sa pagpasok hanggang sa paglabas. Sa oras na abala na ang lahat sa gagawing program ng Eximious ay doon tayo kikilos at ikakalat natin ang pictures ng mga biktimang estudyante sa hallway at sa classroom. Huwag ninyong kalimutan ang mga camera. Kailangang sabayan natin iyon sa oras na mamatay ang mga iyon. At ikaw Yahlie, bibigyan ka namin ng twenty minutes para makuha mo si Frixie. Tapos magkita kita tayong lahat dito.”

Tumango ang lahat sa planong sinabi ni Agatha. Siya ang nagsisilbing leader ng grupo.

“Walang oras na masasayang at lahat tayo ay babalik ng buhay rito,”

“Nga pala, nakita niyo na ba ang mga isusuot niyo para bukas?”

Ang tinutukoy niya ay ang mga damit na dala nina Alex at iba pang myembro kanina. Magaganda at elegante ang mga iyon. Sinabi rin na kailangan naming maglagay ng simbolo sa mukha namin na nag re-representa sa buwan. Bagay na pabor sa amin dahil maikukubli noon ang mga mukha namin.

“Nakita na namin Agatha. Pero paano kapag may nakakita sa atin? Paano kapag nakaharap natin ang Eximious?” tanong ni Xander.

“Patayin sila kagaya ng kung paano nila tayo gustong patayin,”

Nakatingin ako sa umaalab na apoy. Kabado ako para sa gagawin ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang gawin ito at kung sapat na ba ang mga pinag aralan ko sa training.

Bukod doon ay hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa oras na makaharap ko ang Eximious. Kaya ang hinihiling ko ay sana hindi na kami magkaharap pa.

Huwag na sanang mag krus ang mga landas namin dahil kapag nangyari yun, hindi ako magdadalawang isip na gamitin ang lahat ng napag aralan ko sa training. Hindi ko ibababa ang armas ko kahit na alam kong mas may kakayanan silang patayin ako.

Hindi ako magmamakaawa para sa buhay ko dahil kahit na mamatay ako bukas sigurado akong inilaban ko ang hustisyang para sa akin at kay Harper.


THE GAME OF THE ROYALSWhere stories live. Discover now