CHAPTER 10

2 1 0
                                    

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Toshiro hinanap ko si Yahlie at nakita siyang may kausap na lalaking nasa mid-forties. Hinintay kong matapos ang pag uusap nila bago ako lumapit. 

"Yahlie,"

"Frix..."

"Sino yun?"

"Si sir Nic, professor namin ni Harper."

"Alam niya ang nangyari?"

"Yes. Binigay niya sa akin yung naiwang bag ni Harper sa conference room."

"Buti pa siya alam niya. Samantalang yung ibang tao rito sa school ni wala man lang pakialam sa kung ano ang nangyari."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nakausap ko si Toshiro kanina and I confronted him on why is everybody's acting normal and not doing actions about Harper's death. But that arrogant bastard just mocked me!"

Lumingon lingon sa paligid si Yahlie bago ako hinila.

"A-ano bakit?" kinakabahan kong tanong.

"Samahan mo ako. Puntahan natin kung saan nakita si Harper."

"What?! No! What happened to Harper is intentional. What if nandoon pala ang killer tapos tayo ang isunod?"

"Kaya nga pupunta tayo doon para makita kung nandoon ba ang killer."

She looks scary.

"Pero paano si Harper sinong mag-

"Wala na siya rito sa school."

"What?! Nasaan na siya?"

"Inuwi na siya."

"Bakit hindi ka sumama? Nakausap mo ba ang parents niya? Humingi ka ba ng tulong?"

Tumango siya. Kung kanina ay grabe ang iyak niya, ngayon naman ay nakakatakot na walang mabasang reaksyon sa mukha niya.

"They said they will handle the things on their own. Huwag na raw akong makialam at mag-aral na lang."

Ngumiwi ako.

"That's it? Yun na yun? Hindi ka ba nila inimbita na sumama sa kanila or hindi ka ba nagsabi na gusto mong lumabas? Chance na natin yun Yahlie."

Natauhan ako sa sinabi ko kaya agad na tumungo.

"I'm sorry. Alam kong insensitive na gawing way ang pagkamatay ni Harper para makalabas dito. Gusto ko lang talagang lumabas na."

"Naiintindihan ko Frix, kaya dapat magtulungan tayong hanapin kung sino yung killer para alam natin kung kanino tayo magtitiwala at iiwas."

"Pero natatakot ako," I whsipered.

She gently held my hand.

"Ako rin Frix, ako rin. Pero hindi ko kakayanin na walang makuhang hustisya ang kaibigan ko."

Pero bakit kailangan kasama ako sa pagpunta mo sa prairie? Gusto ko sanang itanong yun kaya lang baka masampal niya ako.

"Sige na nga, pero mabilis lang ah ayokong magtagal doon."

"Tara na."

Bumalik kami sa prairie.

"Nakakaloka ka Yahlie! Hindi ko naman alam na maglalakad pala tayo nakakapagod. Pawis na pawis na ako iww!"

"Hindi tayo pwedeng sumakay dahil makikita nila tayo."

"Pinaglakad mo ako habang nakasuot ng maiksing dress at heels sa gitna ng tirik na araw,"

"Shh wag kang maingay. Magtago tayo."

Hinila niya ako sa paupo sa may damuhan at napamura ako nang sumalampak ako sa lupa at humawak ang kamay ko sa kung anong malambot at basa.

THE GAME OF THE ROYALSWhere stories live. Discover now