Chapter 24
Feelings
The first week of classes went smoothly for me. Nagsimula na ang lessons at activities at paminsan-minsan ay nag pa-participate ako sa recitation. Hindi na rin ako nahihirapang makihalubilo sa mga kaklase at sa ibang tao na bumabati kapag nakakasalubong ako.
Our professor dismissed the class five minutes early, pero gustong-gusto ko nang umalis dahil kanina pa ako hinihintay ni Triton sa labas ng classroom. Halos magkaparehas lang kasi kami ng schedule kaya parati niya akong sinusundo para kumain.
The strap of my bag fell on my arm; I haven't put my pen case yet, so I left it open. Yakap naman ng kanang braso ko ang dalawang libro. I stepped outside and waved at Triton while I was putting the case inside the bag. He took my books and put the strap back on my shoulder.
"You're early. Wala kayong prof?" I asked him as we walked downstairs.
Kukunin ko na sana 'yung mga libro, pero hindi niya binitawan iyon. Siguro dapat ko nang sanayin ang sarili ko dahil palagi naman niyang ginagawa iyon?
Umiling siya. "Bihira lang mag-absent 'yon. Maaga akong lumabas kasi sinabi niya na pwede nang mag-lunch 'pag natapos mag-quiz."
"Hmm, looks like you did great. Siguro ikaw na naman ang makakakuha ng mataas na score."
Nginisian niya lang ako. No wonder... Being a DL and the top civil engineering student, he might graduate with flying colors.
Pumunta 'agad kami sa canteen habang hindi pa dumadagsa 'yung ibang estudyante. Naka-assign ako sa paghahanap ng table at siya naman ang taga-bili ng kanin. There was one time na nagkasabay kami, I think it was the first of many, at meron siyang baong ulam na niluto ni Coach Joaquin. He told his father that I loved it, so he's been cooking in two portions since then.
Ibinaba ni Triton 'yung tray sa aming table. Ako na ang nag-ayos ng mga plato at utensils habang inilalabas niya 'yung Tupperware.
Hawak ko ang kutsara't tinidor at nakadungaw doon. "What's our ulam today?"
"Adobong manok na may hard-boiled eggs..." aniya at sinandukan ako ng ulam.
"Matanong nga kita..." I leaned closer to the table since he was sitting on the opposite side. "Ano sa tingin mo ang nauna? Manok o itlog?"
His eyebrows furrowed as he glanced at me. "Syempre, nauna ang itlog..."
Tumango-tango ako. "Hmm, why did you think so?"
"Kasi, uh, nasa itlog sila kapag inilabas?" natawa siya ng bahagya kasi hindi rin siya sigurado sa sagot niya.
Hinalo-halo ko 'yung kanin at napahinto. "Paano naman 'yung pinaka-unang manok? Itlog lang ba siya o manok na 'agad?"
"Ano, Isla, tatawagan ko ba si Lord para masagot 'yang tanong mo?" sabi niya at hindi napigilang humagalpak ng tawa.
I scowled at him and took a spoonful of the rice. "Kainis 'to... Curious lang, eh."
He chuckled again and placed the bottle of banana milk near my plate. Umaliwalas 'agad ang mukha ko. Itinusok niya 'yung straw at saka pa lang nag-umpisang kumain.
"Thank you!" I said happily and took a sip from my banana milk.
Naging favorite ko iyon dahil kay Rayiane at nang minsan niya akong nakita na umiinom no'n ay palagi na niya akong dinadalhan.
BINABASA MO ANG
Capturing The Ice Queen's Heart
Teen FictionDubbed the 'Ice Queen of Southeast Asia', Isla Lorenzo's dream is to become the first-ever Filipino figure skater to win the gold medal in the Winter Olympics. She's truly gifted; a prodigy as per the experts in the sport used to describe her back i...