Chapter 26
Squeaky Clean
Barefoot in the kitchen, I sipped my milk and groaned when my head throbbed again. Sumalampak ako sa stool at inumpisan 'yung nilutong breakfast ni Rayiane.
Toast, sunny side up egg, and bacon—all cold and burnt.
Nilagay ko sa bibig 'yung toast at binasa 'yung note na iniwan niya. She said she'd go to the school first as she needed to finish her homework in the library.
P.S. I let Triton into our unit coz I couldn't carry you last night. He put you on the bed and you wouldn't let go of him. That poor thing.
She even drew a smiley face to poke fun at how ridiculous I was last night. Mukhang pag-alis ni Triton ay pinalitan niya ako ng damit dahil iba na ang suot ko ngayon. Pero ano'ng oras kaya naka-uwi ang isang 'yon?
Kinagatan ko 'yung toast at 'agad kinuha ang phone sa bag kong naiwan sa sofa para kumustahin si Triton. Kaya lang ay nauna na siyang nag-text one hour ago.
Good morning, Isla. 😊 May ibibigay ako mamaya. Pupuntahan kita sa classroom mo.
With a smile plastered across my face, I sat on the armrest and typed a message.
Good morning! I just woke up. See you later! 😘
I clicked 'sent' when I accidentally put the wrong emoji. The horror on my face was evident as I couldn't undo it. Napahiyaw ako sa katangahan at 'agad nagpadala ng bago. Even if I delete that, he could still read it anyway! And because of that, images of me kissing him on New Year flashed before my eyes as if it happened yesterday.
"Argh! Stupid, Isla!" hinagis ko 'yung phone ko sa sofa at nag-martsa ng pabalik-balik sa tapat no'n.
Tumunog 'yung phone ko at mabilis kong dinampot 'yon. Kagat ang dulo ng daliri, umupo ako habang binabasa ang reply ni Triton.
A kiss, huh? You sure know how to wake me up during a boring class 😁
I locked my phone after reading that text. Kung kanina'y masakit ang ulo ko, ngayo'y mas lalong sumakit at gising na gising na rin ako. Mas lalo na nga akong nakaramdam ng hiya mula no'ng na-realize ko na may gusto ako sa kanya 'tapos ngayon naman...Walang katapusan na kahihiyan.
Maaga akong pumasok kaya pagdating sa classroom ay naglipat ako ng notes. I love decorating them like a journal with colorful pens and stickers. I actually bought a lot and just couldn't leave any design 'cause they were all cute. Nasa huling bahagi na ako ng pag-de-design nang may marahang nagdikit ng insulated food jar sa kanang braso ko.
I turned my head and smirked at Triton who was looking down at me with the same smirk on his face. Tinaasan ko siya ng kilay habang umiikot siya para makaupo sa tabi ko. Mukhang kanina pa siya nandito at tahimik na pinapanood ang ginagawa ko.
Nilapag niya 'yung jar sa armchair ng inuupuan saka bumaling sa akin. "Dinalhan kita ng sabaw kasi alam ko namang may hangover ka pa. Inumin mo na bago mag-start 'yung klase..."
Ngumiti ako at siya naman ang pinanood sa pagbukas no'n. Itinabi ko 'yung notebook at tinanggap 'yung maliit na thermos. I felt his finger and instantly put the thing down just to touch his hand properly. Surprised, he pulled away and I pulled him closer.
"May lagnat ka..." Dumapo 'yung palad ko sa noo niya. "Uminom ka na ba ng gamot? Umuwi ka na lang kaya?"
He said no by turning his head. "Uminom na ako ng paracetamol kanina. At okay lang ako, Isla. Hindi naman ako papasok 'pag hindi ko kaya," he said as if his temperature wasn't alarming enough.
BINABASA MO ANG
Capturing The Ice Queen's Heart
Teen FictionDubbed the 'Ice Queen of Southeast Asia', Isla Lorenzo's dream is to become the first-ever Filipino figure skater to win the gold medal in the Winter Olympics. She's truly gifted; a prodigy as per the experts in the sport used to describe her back i...