✔️Kabanata 1_Got Kidnapped

71 7 0
                                    

Alpha POV

BUWAN NGAYON Ng Disyembre kaya noong sandaling makalabas ako ng Ninoy Aquino International Airport ay ramdam ko ang diwa ng pasko dahil sa mga disenyong pang Christmas na nakikita ko sa paligid at mga musikang pam-pasko na maririnig mo na pinapatugtog kahit saan.

Sa loob ng ilang taon kong pagtatrabaho sa Canada, ngayon lang ako nakapag-bakasyon kaya ngayon lang din ako nakabalik sa pilipinas. I didn't expected na ganito kaaliwalas at saya ang bungad sa akin ng bansang ito-------------iyon ang inaakala ko, hanggang sa mangyari na nga ang hindi inaasahan.

Habang binabaybay ni manong taxi driver ang kalsada papunta sa address na ibinigay ko ay hindi ko sinasadyang mapasulyap sa labas ng bintana ng taxi habang gumagamit ng phone, doon ko napansin ang kaduda-dudang pagdikit sa taxi ng dalawang itim na motor na magkasunod lang na nagpapatakbo na tila ba ay sinasabayan ng siyang nagmamaneho ang taxi.

Naisipan kong lumingon sa kabilang bintana ng taxi, sa harapan namin at sa likuran. Nang makomperma ang hinala ay doon na nawalan ng gana ang ekspresyon ng aking mukha. Napasandal na lang sa inuupuan,  kasalukuyan ngayong napapalibutan ng 'di kilalang pangkat ang taxi na sinasakyan ko. Parehas ang suot ng mga ito, itim ang jacket, pants, helmet at motorsiklo.

Akala mo mga men in black, lakas ng Tama. Komento ng kabilang bahagi ng aking isipan.

"Ma'am, may problema po ba?" Tanong ng Taxi driver na sinulyapan ako mula sa rare view mirror, kalmado lamang ito, marahil ay iniisip nitong wala parin akong malay sa mga nangyayari. Ilang segundo ko rin siyang tinitigan bago mahinahong tumingin sa labas ng bintana.

"Manong, magkano ang ibinayad nila sa'yo?" Kalmado lamang akong nagtatanong ngunit hindi ito umimik, at batid ko namang nagulat rin ito sa aking itinanong. Ang isa pang bagay na napansin ko noong sandaling tumingin ako kanina sa labas ng bintana ng taxi ay mali ang daang tinatahak namin papunta sa address na ibinigay ko.

Kahit na ilang beses pa lang akong nakapunta dito sa pilipinas, hindi ako ganoon kamakakalimutin upang pati ang address papunta sa bahay ko ay makakalimutan ko na. Ang hindi ko lang makuha ay bakit ako naging punterya ng mga ito, wala akong naaalalang gulong kinasangkutan ko dati bago ako umalis ng pilipinas para salubingin nila ako ng ganito.

"N-napag-utusan lang po ako ma'am. Pinagbantaan ako kaya ko ito ginagawa, pasensya na po talaga...." Sa wakas ay nagsalita narin si manong driver ngunit hindi ito ang nais kong marinig mula sa kanya kaya napabuntong hininga na lamang ako upang kalmahin ang sarili. Sa ganitong sitwasyon ay hindi ako matutulungan ng galit at pagkairita.

"Okay lang po, manong." Sabi ko at tiningnan ang repleksiyon niya sa rare view mirror, sumulyap siya sa akin. Kita ko ang kaba at takot sa ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi ko masisisi, naghahanap buhay lang naman ito at iniisip lang niya ang kanyang kaligtasan, kaso....naging isa na siya sa mga dahilan ng pagkasira ng bakasyon ko, kaya.....hays.

"Magpapasko na manong kaya papalagpasin ko itong ginawa ninyo ngayon, ngunit tandaan mo lang na sa oras na makita kong muli ang pagmumukha mo, kahit tawagin mo pa ang lahat ng Santo, walang makakapagpigil sa akin sa oras na mag desisyon akong dalhin ka sa impyerno."

Mahinahon parin naman ako ngunit hindi maikakailang nararamdaman na ni manong driver na tila nababalutan ako ng maitim na awra na kahit ano mang segundo ngayon ay pinangangambahang makakapatay na ng kahit sino. Nang-gigigil talaga ako.

"Manong, baka po mabangga tayo. Kapag nadisgrasya tayo at namatay ka, papatayin parin po kita~~" Nakangiti kong pahayag nang mapansin ang walang tigil na pangangatog ng kanyang mga kamay habang nakahawak sa manobela. Pinapahiwatig ko na sa oras na madisgrasya kaming dalawa ay siya lang ang siguradong mababawian ng buhay kaya kung ayaw niyang mangyari iyon, umayos-ayos siya.

Mafia Series #1: Obsidian MasqueradeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon