✔️Kabanata 6_Discrimination

14 6 0
                                    

Alejandro Javier Del Fuego POV

MALALIM Na ang gabi ngunit hindi parin natatapos ang birthday party ng isa sa mga kaibigan at business partner ni Dad. Kahit na kanina pa ako nababagot ay hindi pa ako maaaring umalis sapagkat kailangan ang presensya ko dito.

Mag-isa lamang akong nakatayo dito sa gilid, nakasandal sa pader habang tahimik na naninigarilyo, pinapanood ang ibang mga bisita dito na walang ibang ginawa kun'di ang ipagmalaki ang kanya-kanya nilang yaman.

Isa sa mga business partner ni Dad ang lumapit habang may hawak na dalawang baso ng wine.

"Mr Del Fuego, have a drink." Inilahad nito ang isa sa mga wine glass na kanyang hawak kaya tinanggap ko.

"There are many beautiful girls here, why don't you try to socialize. Sigurado akong magugustuhan karin ng mga ito kapag inunahan mo." Kampante ito sa kanyang mga sinasabi na tila ba ay kilalang-kilala talaga ako—na hindi ko naman nagugustuhan.

"That sounds boring." Tugon ko at aakma na sanang iinumin ang wine na ibinigay nito, ngunit natigilan ako kalagitnaan matapos maalala ang sinabi ni......Sigh, I don't know her name.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin lang sa wine ng basong aking hawak, malalim ang lipad ng isipan. Ngayon lang ako tila nakaramdam ng panghihinayang dahil lamang hindi ko nakuha ang pangalan ng isang tao. Siguro ang pagkabuo ng kanyang imahe sa aking isipan ay hindi na nakakapagtaka.

"Ahm....Mr Del Fuego, may problema ba?....."

She's the only woman I know who's bold enough to act like that towards me after what I did to her. Baka tama nga ako, may tama talaga ito sa ulo, a total psycho.

"....Mr Del Fuego, I'll take my leave first....."

Unang kita ko pa lang dito, inisip ko ng katulad lamang siya ng iba, ngunit noong sandaling bigyan niya ako ng tingin katulad sa tinging ibinibigay ko sa mga taong nais kong ilibing ng buhay ngunit pinipigilan ko lamang ang sarili, ganoong klase ng tingin ang ibinigay nito sa akin.

Ngunit hindi parin natin maiaalis na tila may mali sa pagiisip nito, siguro iyon ang dahilan kung bakit hindi ito natatakot sa akin.

"Sigh..." Napapatanong na lang ako sa sarili kung bakit kailangan ko pang abalahin ang sarili na isipin ang tungkol sa babaeng siguradong hindi ko na muli pang makikita.

Ibinuhos ko ang wine sa vase na nasa tabi ko lang at inilapag ang baso sa mesa. Lumapit ako kay Chairman na kasalukuyan paring may kausap. Agad naman na napunta sa akin ang atensiyon ng mga ito.

"Mr Del Fuego, matagal-tagal narin." Bati ng iba.

"Chairman, I'll be taking my leave first." Mahinahon kong sabi sa matandang nasa harapan ko. Ang taong umampon at nagpalaki sa akin upang maging katulad niya.

"Sapat na ang iyong ginawa para sa araw na ito. Go home and have a rest, son. It must be a tiring day for you." Nakangiti nitong sabi at marahang tinapik ang aking balikat.

"Yes, Chairman." Sabi ko bago tinalikuran ang mga ito at nagumpisa ng maglakad.

"You've done a great job taming the wolf, Chairman Del Fuego."

Rinig kong usapan ng mga ito bago nagtawanan. Walang gana lamang akong napatingin sa ibang direksiyon. Tch.


[3rd Day]

Alpha POV

HINDI PA Sumisikat ang araw ay nagising na ako at nag jogging na muna. Mahaba narin ang natakbo ko ngunit hindi parin ako nakakaramdam ng pagod kaya napagdesisyunan kong magpatuloy hanggang sa tuluyan na ngang sumikat ang araw.

Mafia Series #1: Obsidian MasqueradeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon