Alejandro POV
NANG Sandaling marahas kong isinara ang pintuan ng study room. Bumungad sa akin si Alpha na ngayon ay nakasandal sa pader sa tabi ng pintuan habang humihikab. Siguradong narinig niya ang pinag-uusapan namin sa loob kanina.
Binalingan narin niya ako at marahang nginitian. "Sino nga ulit asawa mo?"
Napatitig ako sa kanya. 'di alam kung ano ng trip niya this time, kaya sinagot ko na lang din. "Ikaw."
Tumamis bigla ang kanyang ngiti, kaya napahawak na lamang ako sa kanyang ulo at ginulo ang kanyang buhok, bago naunang maglakad sa pasilyo habang naka-pamulsa. Agad naman siyang sumabay sa aking paglalakad.
Pansin ko noong nakaraan na nahihirapan itong sabayan ako sa paglalakad, kaya sa pagkakataong ito ay niliitan ko ang agwat ng bawat hakbang, iniklian ang bawat hakbang. Habang naglalakad sa tabi ko, ngiting-ngiti ito. Umaaktong tila bata na niregalohan ng paboritong laruan.
Dahil sa pag-akto niya ng ganito, minsan tuloy ay nakakalimutan ko kung ilang taon na ba talaga ang babaeng ito.
Matapos maalala rin ang edad ko, napangiti na lamang ako at napa-iling-iling. Can this be considered child abuse? Tanong ko sa sarili.
When she was in grade 6, I was already a third-year college student. It was still K-10 back then. Haaa... no doubt, it's child abuse.
NANG SUMAPIT Na ang gabi, inukupa naming dalawa ang kusina at kusa ng nagluto ng aming kakainin para sa hapunan. Pareho na kaming naka-suot ng apron.
Ngunit sa kalagitnaan ng aming pagluluto ay tumunog ang kanyang phone sa mesa. Nagkataong nakatayo ako sa tabi no'n kaya nakita ko ang naka-register na pangalan ng siyang tumawag.
Kinuha ko na muna ang sandok na kanyang hawak at ako na muna ang humarap sa kanyang niluluto, para masagot niya ang siyang tumatawag.
"Ano na naman ba ang kailangan mo?" Rinig kong nababagot niyang wika sa nasa kabilang linya. Nakatalikod lamang ako sa kanya, nakaharap sa niluluto habang nandidilim na ang paningin. Who the fuck is she talking to?!
Ang naka-registered na pangalan ng caller ay "My love" tapos may dalawa pang heart at isang kiss emoji. What the hell!!
Habang kausap ni Alpha ang nasa kabilang linya, tumayo siya sa tabi ko, may hawak ng kutsara ang isang kamay. Kumuha ng kaunti sa nilulutong ulam na nasa kawali at ito'y marahang hinipan.
"At kailan ko naman gagawin 'yan?" Kausap parin niya ang nasa kabilang linya. Binalingan niya ako ng tingin habang nagsasalita at inilapit sa bibig ko ang kutsara, marahan niya akong nginitian. Naiirita parin ako kaya tinanggihan ko.
"Honey?" Nagtataka niya akong tiningnan. Tinawag akong ganoon kahit na kasalukuyan pa itong may kausap sa kabilang linya. Tila ba ay wala siyang paki doon, kaya kahit papaano ay nabawasan ang inis ko, at tuluyan ng isinubo ang kanyang inilahad. It tastes really good.
"Shut up, hindi ikaw ang kausap ko." Aniya na ngayon ay nakatingin na sa ibang direksiyon at naka-kunot ang noo.
"Wife." Halos pabulong kong tawag sa kanya. Agad siyang napatingin sa akin, biglang naglaho ang iritable niyang ekspresyon kanina at napalitan ng maaliwalas na ngiti. That reaction was really cute. Wala akong ibang naiisip kun'di iyon.
"Kumain na tayo." Mahinahon kong sabi.
"'kay." Tanging nakangiti niyang tugon at agad ng ibinaba ang tawag kahit na nagsasalita pa ang nasa kabilang linya. Somehow, I find it satisfying.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #1: Obsidian Masquerade
Random🔞🔞🔞 Kakarating pa lang ni Alpha sa pilipinas nang sa kalagitnaan ng kalsada ay tinambangan siya ng pangkat ng mga barakong lalaking nakasakay sa itim na mga motor, pinapalibotan ang taxi kung saan siya nakasakay. kinuha siya ng mga ito at dinala...