[10th day]
Alpha POV
ILANG ARAW Na ang nakalipas simula noong mangyari ang pag-kidnapped sa akin. Wala akong balak na magtagal pa sa bahay ni Javy kaya umuwi din ako 'di naglaon. Palagi 'din kasi naman itong wala sa kanyang bahay.
Sigurado akong may ginagawa itong konektado sa nangyaring Kidnapping. Sa bawat sandaling umuuwi kasi ito sa bahay ay nakikita kong tumataas ang porsyento ng kapahamakan na kumakapit sa kanya, kaya palagi ko siyang binibigyan ng babala, kahit na kung minsan ay duda ako kung pinapakinggan o sinusunod ba niya ang mga payo ko, o kung sineseryuso ba niya ang mga pinagsasabi ko.
Kasi sino ba namang matinong maniniwala sa akin. So far, ay wala pa namang nagkukusa ng loob.
Simula noong umuwi ako sa bahay ko ay hindi pa kami nagkikita ni Javy. Iwan ko kung ano talaga ang pinagkaka-abalahan ng lalaking iyon at hindi ko rin alam kung kailan kami muling magkikita. Saka hindi narin ako lumabas simula noong makauwi ako kaya malabong magkakatagpo pa ang landas naming dalawa.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin naiaalis iyong nararamdaman ko sa abandonadong building na iyon. Nababalutan ng kadiliman at 'di mabilang na maitim na enerhiya ng kaluluwa ng mga taong pumanaw, kaya 'di ko talaga maiiwasan na madikitan ng kanilang enerhiya.
Para akong masusuka sapagkat unti-unting hinihigop ng aking katawan ang mga enerhiyang iyon. Habang patagal ako ng patagal doon ay unti-unti rin akong nawawala sa sarili, nasisiraan ako ng bait sapagkat nai-impluwensyahan ako sa nararamdaman ng mga naturang kaluluwa.
Pakiramdam ko ay may humihila sa akin paibaba at lalamon sa akin ng buhay.
"Ms Lucia, malapit ng matapos ang iyong bakasyon dito, wala ka parin bang balak na maglibot-libot na muna?" Wika ni Ma'am Sol matapos mailagay ang snack sa center table, umupo narin siya sa katapat na couch. Nag aalala ito sa biglaan kong pagkukulong sa bahay. Hindi kasi niya alam ang mga nangyari, at wala rin akong balak na banggitin pa iyon sa kanya.
"Sa susunod na lang po siguro ako maglilibot kapag makabalik ako dito."
"...At kailan naman 'yon." May bahid ng lungkot ang tono ng kanyang boses. Nangangambang sa sandaling pagbalik ko ay lumisan narin ito. Marahan lamang akong ngumiti bilang tugon.
"May tumatawag sa cellphone mo, Lux."
"Sa kwarto na muna ako, Ma'am Sol." Kinuha ko ang snack bago tumayo at umakyat na sa hagdan patungong second floor. Pagkapasok sa kwarto ay agad kong sinagot ang siyang tumawag.
"Hindi ba't sinabi ko na, na huwag nyong didisturbuhin ang bakasyon ko?" Iritable kong bungad sa nasa kabilang linya, iritableng pinasadahan ang sariling buhok, at pabagsak na umupo sa kama, napalingon ako sa siyang mga nakatayo sa sulok ng aking silid at pasimpleng sininyasan ang mga ito na umalis. Ibinalik ko narin ang atensiyon sa katawag ko.
"May ipapagawa ako sa'yo." Mahinahong ani Kuya Xevion, na hindi man lamang pinansin ang hinaing ko. Hindi niya ako pinatulan kaya ibig lamang sabihin, seryusong bagay ang isinadya niya sa akin. Nag-seryuso na lamang din ako.
"What is it?" Napapabuntong hininga kong tanong.
"Nandyan ngayon sa Pilipinas si Mr. Graziano, the leader of 'The Graziano Crime Syndicate.' Nais nitong protektahan ng Triple-X ang kanyang gagawing transaksiyon. I'd like you to meet him and ensure the necessary negotiations are conducted efficiently. Ise-send ko sa iyo ang impormasyon patungkol sa kanya."
BINABASA MO ANG
Mafia Series #1: Obsidian Masquerade
Random🔞🔞🔞 Kakarating pa lang ni Alpha sa pilipinas nang sa kalagitnaan ng kalsada ay tinambangan siya ng pangkat ng mga barakong lalaking nakasakay sa itim na mga motor, pinapalibotan ang taxi kung saan siya nakasakay. kinuha siya ng mga ito at dinala...