Alpha POV
PAGKAUWI KO Sa bahay ay diritsu ang bagsak ko sa kama at tinawagan na muna si Thaddeus na kasalukuyan ngayong nandito sa Pilipinas. Kasamahan ko sa trabaho, mas nauna itong magbakasyon dito kaysa sa akin.
"Lux, nandito ka na ba sa Pinas?" Bungad niyang tanong.
"Yeah. Kung may oras ka, ay may ipapahanap ako sa'yo." Mahinahon kong sabi at napatingin sa direksiyon ng pintuan ng kwarto ng bumukas ito. Pumasok naman si Ma'am Sol, matagal na siyang housekeeper dito sa bahay.
"Hindi mo na kailangang alamin kung may oras ba ako, kilala kita Lux. Kahit na ang busy-busy ko, ang sasabihin mo parin ang masusunod, Sigh." Anito bago bumuntong hininga. Nakikita ko naman ang emahe niya ngayon na siguradong nakahawak na sa kanyang noo matapos umirap, kaya napangiti na lang ako.
Nakita naman ni Ma'am Sol na may kausap ako sa phone kaya suminyas lang siya na gagamutin nya muna ang sugat ko. Bumangon na muna ako at umupo ng maayos sa kama. Kumuha naman si Ma'am Sol ng upuan at umupo sa tapat ko, binuksan ang medicine kit na dala at inumpisahan ng gamutin ang sugat ko sa tuhod.
Retired Doctor si Ma'am Sol kaya magaling siyang gumamot ng sugat. Minsan ko na siyang natulungan at nais niyang mabayaran iyon kaya kahit na tumanggi pa ako ay nagpipilit parin ito. Naisipan ko na lang na siya na muna ang magbantay nitong Bahay habang wala ako. More than 10 years narin simula noong huling sandaling nakita ko si Ma'am Sol kaya na-miss ko talaga siya.
Nagumpisa narin ako sa pagkukwento Kay Thaddeus tungkol sa mga kaganapan kaninang umaga. Halos hindi ito makapaniwala ngunit tawang-tawa naman.
"Mabuti at hindi ka sumabog." Rinig ko parin ang hagikhik niya ngunit lihim naman akong nagpakita ng pilit na ngiti habang napapatingin na sa ibang direksiyon, matapos maalalang may nasuntok ako.
Tumakham ako ay nagsalita na. "I'm sure they just mistook me as someone else. Hanapin mo ang kamukha ko, investigate without anyone noticing."
"Got it, I'll call you back kapag may update na." Aniya kaya ibinaba ko na ang tawag at inilapag ang phone sa kama.
"Salamat sa tulong mo, Ma'am Sol." Marahan kong pahayag. Matamis naman niya akong nginitian.
"Ang pag withdraw lang naman ng Pera mula sa ibat-ibang bank account mo ang tangi kong ginawa, Ms Lucia."
"Magkano ang ibinigay mo, Ma'am Sol?"
"Hindi ko naman alam kung magkano ang perang sinasabi nila kaya naghanap ako ng paraan upang malaman ang halagang kinakailangan, mabuti at nagawa kong mapabanggit ang isa sa kanila. 475 million ang hinahanap nilang Pera." Mahabang paliwanag ni Ma'am Sol. Na-appreciate ko naman ang effort na ibinigay niya malaman lang ang halagang hinihingi.
"Ma'am Sol, may alam po ba kayo sa grupong 'yon?" Nagbabakasakali ako na baka may impormasyong alam si ma'am Sol.
"May tattoo akong nakita sa kanilang batok, dragon symbol. Susubukan kong tanungin ang mga anak ko, baka may alam sila tungkol doon."
"Okay po."
Nang matapos gamutin ni ma'am Sol ang tuhod at mukha ko ay lumabas narin siya ng kwarto upang makapag-pahinga na ako. Muli ko namang tinawagan si Thaddeus at inutusan siyang maghanap ng impormasyong patungkol sa grupong may dragon symbol sa batok.
Tuluyan narin akong nakapag-pahinga. Madilim na sa labas noong magising ako, matapos maligo ay balak ko na sanang magpalit ng damit ngunit natigilan nang maalalang nasa taxi pa na sinakyan ko kanina ang luggage ko.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #1: Obsidian Masquerade
Random🔞🔞🔞 Kakarating pa lang ni Alpha sa pilipinas nang sa kalagitnaan ng kalsada ay tinambangan siya ng pangkat ng mga barakong lalaking nakasakay sa itim na mga motor, pinapalibotan ang taxi kung saan siya nakasakay. kinuha siya ng mga ito at dinala...