[4th day]
Alpha POV
IKA-APAT Na araw ko na ngayon dito sa Pilipinas. Kasalukuyan akong nasa SM Mall of Asia kasama si Sedrick at Charice na hindi nagpapatalo sa kanyang kapatid, nais rin sumama.
Ang daming gustong puntahan at bilhin ng dalawang ito kaya binigyan ko na lamang ng Pera at hinayaan silang maglibot-libot sa buong mall nang hindi ako kasama.
Nakatayo lamang ako dito sa second floor habang nakatingin sa mga taong nasa first floor. Wala naman akong ibang gagawin at bibilhin dito kaya maghihintay na lamang ako dito kung kailan matatapos ang dalawa.
Napatingin ako sa paligid ko ng marinig ang mga tao dito sa second floor na may pinagbubulong-bulungan. Natuon ang atensiyon ko sa direksiyon ni Javy na lakas maka action star/ Mafia boss ang dating, may lampas sampo pa ang mga tauhang kasama na pare-parehas lang ang black suit na suot.
Naglalakad ang mga ito patungo sa direksiyon ko dahilan upang sumilay ang ngiti sa aking labi at aakma sana itong tatawagin ngunit hindi ko naituloy nang mapansing may isa pang tila Big Boss rin itong kasama.
Nangangambang makakagulo ako sa kung ano mang transaction na ginagawa nila dito, kaya hindi na ako umimik pa at hinayaan ang mga itong lampasan ako. Pansin ko namang napasulyap sa akin iyong taong nagmamaneho ng kutse ni Javy kahapon, nagtagpo ang aming mga mata kaya matamis ko itong nginitian at isang beses na kinawayan.
"Lux, may maitim na awrang bumabalot sa pangkat ng mga taong iyon."
Pinapaalalahanan ako nito na huwag lumapit sa mga taong iyon, nangangambang dumikit sa akin ang awra ng kamatayan at kapahamakang dala-dala nila.
LUMIPAS ANG Tatlong oras, ibat-ibang tao na ang dumaan ngunit nakatayo parin ako dito, naghihintay parin sa dalawang bata na dumating. Napatingin na lamang ako sa oras sa phone ko. Malapit ng mag-alas dose.
"Nasaan na sila ngayon?" Tanong ko sabay tapat ng phone sa tainga, baka kasi mapagkamalan pa akong nalipasan ng gutom kapag napansin ng mga tao sa paligid na may kausap ako na hindi naman nila nakikita.
"Hindi ko na nakikita si Sedrick, mukhang umalis na ito kanina pa."
"Kasama ni Charice ang kanyang mga kaibigan, papaalis narin ang mga ito."
Napahimas na lamang ako sa aking noo sabay buntong hininga. Ang mga batang iyon talaga.
"Ms Alpha!"
"Hum?" Naibaling ko ang tingin sa direksiyon ng tumawag sa akin. Iyon 'yong Driver ni Javy.
"Hinihintay ka ni Boss sa kutse." Mahinahong anito at ipinasunod ako sa kanya na maamo ko namang ginawa.
Pumunta kami sa basement ng mall at lumapit sa isang kutse, nang pagbuksan niya ako ng pintuan ay agad sumilay ang masiglang ngiti sa aking labi nang makita si Javy sa loob.
"Darling, I miss you." Agad akong pumasok at aakma itong yayakapin ngunit itinulak nito ang mukha ko palayo.
"Sit properly." Seryusong aniya kaya napaayos na lamang ako ng upo ngunit nakakapit parin sa kanyang braso at 'di mabura-bura ang ngiti sa labi.
"Were you waiting for someone?" Tanong nito. Umakto naman akong pagod na pagod habang kinu-kwento sa kanya ang dahilan kung bakit ako nakatayo doon ng ilang oras.
"Honey, my feet hurts." Tumingin ako sa kanya habang naluluha ang mga mata. Nagpapa-sweet dito.
"Tch! Annoying." Iritableng anito sabay nababagot na tumingin sa labas ng kutse. Napa-ayos na lamang ako ng upo, umaktong tila tuta na pinabayaan ng nagaalaga dito.
BINABASA MO ANG
Mafia Series #1: Obsidian Masquerade
Random🔞🔞🔞 Kakarating pa lang ni Alpha sa pilipinas nang sa kalagitnaan ng kalsada ay tinambangan siya ng pangkat ng mga barakong lalaking nakasakay sa itim na mga motor, pinapalibotan ang taxi kung saan siya nakasakay. kinuha siya ng mga ito at dinala...